Naked/C14 Chapter 13
+ Add to Library
Naked/C14 Chapter 13
+ Add to Library

C14 Chapter 13

Nayayamot na hinarap nya ito ng makarating sa kwarto nya.

"Ano bang problema mo?" Pagod na sya at nakakadagdag pa ito sa init ng ulo.

"Pinatira kita dito just to make sure na nasa maayos kang lugar, tapos ngayon malalaman ko lang na ganyan ang ginagawa mo! Dianna naman, buntis ka kung gusto mong mag lakwatsa saka nalang pag nanganak ka na!" Sigaw nitong dinuro pa sya.

"Alam mo ang OA mo! Una sa lahat hindi ko sinabing patirahin mo ako dito! Ikaw lang ang mapilit! Pangalawa hindi ako nag lakwatsa, my God! Mag iisang linggo na akong nakakulong dito ngayon lang ako lumabas kung hindi dahil sayo sana may trabaho ako at hindi ako nabuburo dito! At isa pa hindi ko naman kailangan ipaliwanag ang sarili ko sayo!" Pasigaw na sabi nya dito. May goodness ano bang buhay tong na pasukan nya!

Bakit ba kasi hindi sya pagtrabahihin nito eh dalawang buwan palang naman siyang buntis! OA niya talaga. Nakakainis!

Natawa sya ng nakakaloko ng may maalala at dali daling kinuha ang atm na binigay nito sa cabinet nya.

"Ito bang pinuputok ang butsi mo! Oh ayan na! May pera ako at hindi ako nanghihingi sayo hindi ko yan ginamit!" Pera lang pala! Akala naman ata namili sya dahil may atm card na binigay sa kanya. Itinapon nya dito ang hawak na atm card.

"Ganyan ka ba talaga? Do you think ito yun inaalala ko? Ibibigay ko ba yan sayo kung ayaw kong gastusin mo?" Hinilamos nito ang dalawang kamay sa namumulang mukha. "It's 8pm, 8pm Dianna! I'm worried, I don't know where the hell are you! Hindi ka manlang nagsabi kay manang kung saan ka pupunta!"

Nag-aalala talaga sya? Pulang pula ang mukha nito at kung umuusok lang ang ilong baka umusok na dahil sa galit.

"Trapik, umuwi ako ng maaga pero ginabi sa daan. Pwede bang lumabas ka na? Masyado akong pagod at wala na akong lakas para makipagtalo sayo." Para matigil na ang argument at sigawan nila ay mas pinili nyang babaan ang boses, totoong pagod na sya.

"Okay." Yun lang ang sinabi nito at lumabas na ng silid.

Ang lakas magsisigaw ganun lang pala ang dapat sabihin. Bilis naman pala kausap, hays.

Nagpahinga sya at nakatulog, nagising lang sya dahil sa marahang katok sa pinto ng kwarto nya.

"Bakit ho manang?" Tanong nya ng mapagbuksan ito ng pinto.

"Alas dyes na hindi ka pa kumakain kaya dinalhan kita dito, sabi ni Angelo bago umalis pakainin daw kita." Sabi nito at ipinasok ang dalang pagkain.

So umalis na pala sya.

"Sige po manang, salamat po." Tiningnan nya ang dala nitong pagkain. Vegetables lahat, prutas at gatas. Utos rin ba yon ni Angelo? Malamang!

Naalala nya ang sigawan nila kanina, bakit ba ganun sya ang daling uminit ng ulo nya at kahit dati inis na inis sya dito dapat hindi pa rin ganun ang attitude nya, ni minsan naman wala syang na kaaway. Para silang mag-asawa kung magtalo, hays! Feeling nya hindi sila compatible na dalawa kaya tama lang talaga na hindi nya ito pakasalan.

Naramdaman nya ang pagkalam ng sikmura kaya kinain nya ang pagkain na dala ni Manang Fe.

Kung tutuusin ang sarap na sana ng buhay nya, para syang donya pinagsisilbihan, may maganda at malaking bahay, at may atm pa sya hindi nga lang nya ginagamit.

Ang saya nya ngayon may wifi na kasi sa bahay HAHAHA! mabuti naman naisipan ng Angelo na yon na pakabitan ng internet ang bahay na yon hindi na nya kailangan mag load sa pocket wifi nya para lang mag surf sa internet.

Nagkaroon sya ng pinagkakaabalahan, ang panoorin ang mga favorite nyang korean drama gamit ang malaking tv, hays sarap ng buhay.

Bakit ang pogi ni Ji Chang Wook?

Waaaaaah! Cute naman si Bogum kaya lang sinearch nya 21 years old palang hindi na sila bagay.

Alam nyo ba ang feeling na kinikilig ka sa kdrama?

Peste!

Yung sasabihin mo sa sarili mong last episode na muna ‘to, tapos pagkatapos last episode na talaga, hanggang sa matapos mo na kaka last episode mo.

Hays! Hindi pwedeng ganito lang ang ginagawa nya, baka tumaba sya kain-tulog.

Kaya naman kinaumagahan ay nag jogging sya at pumunta sa isang gym, ni recommend sya ng gym instructor sa yoga instructor para sa mga buntis, nakakatuwa ang daming buntis at sya lang ang mukhang hindi pa buntis dahil puro malalaki na ang tyan ng mga ito.

Salamat naman may mapag lilibangan na sya kahit almost two hours lang sya dun.

Ang Judith naman na yon nagkaasawa lang nakalimutan na yata sya.

Isang buwan ang nakalipas, ganun talaga katagal. Medyo nasanay na rin sya sa buhay nya ngayon, gising ng maaga jogging at yoga, bibisita sa clinic para ipacheck ang baby nya sa sinapupunan, at minsan naglalakad lakad sa mall.

Umumbok na rin ang tyan nya at nahahalata na ito kapag fitted ang suot nyang damit kaya mas pinipili nyang mag suot ng maluluwang bukod sa presko masarap pang suotin.

Kung anu-ano na ring rason ang sinabi nya sa pinsang si Roderick ng kulitin sya nito kung kailan sya makakauwi. Ano kayang magiging reaksyon nila pag nalaman na buntis sya? At nang isang De Leon pa, na kinamumuhian nya noon pa.

Hinimas himas nya ang tyan at kinausap ang baby nya.

“How are you baby ko? Girl ka ba or boy?”

Ano kayang magandang pangalan?

Baka isunod na naman ni Angelo sa mga pangalan nilang 'A'.

Hindi ako papayag!

Dianna. . . Ano kayang maganda?

Dave? Daniel? Denver? Damian? Parang maganda yon Damian, diba? Hihi!

Eh pano kung babae?

Daniella? Divine? Dean? Daisy? Parang ang sosyal ng Daniella, hindi ba?

Bahala na nga.

Humarap sya sa salamin at sinuklay suklay ang mahabang buhok, 10pm na pala hindi sya inaantok dahil natulog sya kaninang hapon.

Naisip pa nya hanggang ngayon wala pa silang number sa isa't-isa ni Angelo.

Isang beses nga lang pala yon pumunta dito simula nung lumipat sya, wow ha! Ganun ba ang nag-aaya dati ng kasal.

Eh kung pumayag kaya sya, asan kaya ito ngayon? Dun kaya titira kasama nya? Magkasama sila?

Nagulat nalang sya ng biglang bumukas ang pinto.

Wow! Iniisip palang nya ito andito na kaagad.

Tuloy tuloy itong bumagsak sa kama hindi manlang napansin na nandun sya.

Tumayo sya at nilapitan ito, nakatihaya ito at nakataas pa ang dalawang kamay. Nakaupong - nakahiga, gets nyo?

Lasing ba ito? Amoy alak eh. Hays buhay.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height