Naked/C4 Chapter 3
+ Add to Library
Naked/C4 Chapter 3
+ Add to Library

C4 Chapter 3

Napaawang ang labi nya ng buksan ang pinto ng apartment nya. Kararating lang nya ng may kumatok at ng pagbuksan yon ay ang kaibigan nyang si Judith at ang asawa nitong si Gabriel ang nandun.

"Anong ginagawa nyo dito?" Gulat na gulat na tanong nya ang alam kasi nya ngayon araw ang lipad nito patungong Macau dahil doon ang honeymoon.

"Ikaw? Ikaw ang anong ginawa mo?" May laman na balik tanong ng kaibigan. Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng apartment nya na palagi naman nitong ginagawa kapag nandoon siya.

Nagkibit balikat naman si Gab at sumunod dito.

Isinara nya ang pinto at hinarap ang dalawa.

"May flight kayo diba?" Tiningnan nya ang wall clock na nakasabit sa dingding ng apartment nya. “Meron pa kayong 1 and a half hour, go now." Pagtataboy nya sa dalawa.

Hindi kumibo si Judith nakatingin lang ito sa kanya, sinusuri sya.

"Pwede ba stop looking at me like that!" Naiinis na sabi nya at nagdabog papunta sa kusina para kumuha ng maiinom, nakakauhaw!

"Alam namin ang nangyari." Sabi ni Judith na sumunod pala sa kanya. "Handa kang panagutan ni Angelo." Seryosong sabi nito.

“What!? No way!" Galit na sabi nya at bumalik sa sala, sumunod naman si Judith.

Anong pananagutan, hindi naman ako na buntis! At kung mabuntis niya man ako ay hindi parin. Ha? Ako mabubuntis niya?

"So ano? Ganun nalang yon?" Halatang galit narin ito.

"Pwede ba matanda na ako, alam ko ang ginagawa ko. It’s just a one night stand, okay?" Naiinis na sambit nya.

"Matanda ka na nga ngayon ka pa naging ganyan." Hindi nya alam ang ibig sabihin nito pero lalo lang syang nainis dahil dun.

"Nangyari na, wala na akong magagawa pero kayo meron pang gagawin. Umalis na kayo please, ayokong maging dahilan ng pagkasira ng honeymoon nyo." Huminahon sya at nakiusap dito.

"Mas mahalaga ka kesa sa honeymoon na pwede naman namin gawin dito sa Pilipinas." Seryosong sagot nito na may bahid pa ring galit.

Tumango naman si Gab bilang pag sang-ayon sa asawa.

"No, please umalis na kayo hindi ako matatahimik pag nasira ko tong honeymoon nyo." Patuloy nyang pakiusap dito.

"Mas hindi ako matatahimik pag pinabayaan kita sa gusto mo, nagalit ako kay Angelo dahil sa ginawa nya at dapat ka lang nyang panagutan." Galit na sabi nito.

"Pwede bang ikaw muna ang makinig sakin?" Tanong nya, hindi ito umimik. "Umalis na kayo, pagbalik nyo dito pag-uusapan natin. Okay? Pero sa ngayon pag-iisipan ko muna, ang mahalaga yung flight nyo kailangan niyo ng makaalis." Sabi nya.

"Two months kami dun, Dianna." Mariin wika nito, shit! Tinawag nya ako sa buong pangalan ko.

“Two months kong pag-iisipan, pero sa ngayon please, sige na." Tumingin sya kay Gab para humingi ng saklolo.

"Hon, hayaan na muna natin sya, alam mo naman ang sitwasyon nila ni Angelo diba?" Ani Gab na nilapitan na ito.

Bumuntong hininga ito at bumaling sa kanya.

"Mag-uusap tayo pagbalik namin." Halatang imbyerna pa rin ito ng dahil sa kanya.

"Okay, mag-ingat kayo dun." Bilin nya dito. "Gab..." Binalingan nya si Gabriel, tumango lang ito.

"Mag-iingat ka dito." Bilin ni Judith ng makalabas ng pinto.

"Oo, mag-enjoy kayo dun."Paalam nya.

Niyakap nya ito at ibinilin kay Gabriel.

"Yun inaanak ko pagbalik nyo."Hagikhik nya.

Natawa lang sa kanya si Gabriel, high blood parin ang ate Judith nyo.

Wala na syang mga magulang, nag-iisang anak lang sya at ang kaibigan si Judith ang itinuturing nyang kapatid simula pa noon bata pa sila at ganun din naman ang turing nito sa kanya.

Palagi silang magkaklase ni Judith at kahit sa College pareho sila ng kursong kinuha, HR kaya naman pati sa trabaho magkasama rin sila pero dati yon, nang mag proposed dito si Gabriel ay nag resigned na rin sa trabaho para sundin ang utos ng dating fiance, magkasama rin sila dati sa apartment pero bago ito kinasal ay kinuha na ang mga gamit at nilipat sa bagong bahay nilang mag-asawa.

Masasabi nyang maswerte ang kaibigan nya sa na asawa nito, mabait at maunawain si Gabriel bukod doon ay may kaya ang mga De Leon kaya alam nyang hindi ito maghihirap, 4th year college ng magkakilala ang dalawa ng bumisita si Gabriel sa lupain ng mga De Leon sa San Sebastian na pag-aari ng mga magulang ni Angelo, mahigit isang taon itong nanligaw at sinagot din ni Judith, her first and last boyfriend, nakakainggit ang love story ng dalawa ang swerte nila sa isa't-isa samantalang sya nagka boyfriend na ng dalawang beses pero hindi rin nagtagal, mga babaero kasi at manyak pa yung isa, napaka malas nya pagdating sa lovelife. At ngayon naman sa isang iglap biglang nawala sa kanya ang iniingatan ng 25 years at sa isang De Leon pa! Of all people! Sa kinaiinisan niya pa!

"Dun sa 28 applicants, ilan ang nakapasa?" Nagulat pa sya ng tanungin sya ng kapwa Admin na si Daisy.

"Ah, lahat sila." Sagot nya dito habang kinukuha ang mga resume ng mga applicants.

"Talaga? Haha that's a good news." Tuwang-tuwang sabi nito. First time kasing walang bumagsak sa mga batch ng mga aplikante.

Nagtatrabaho sya sa isang malaking factory sa makati bilang HR, three years na sya dun.

"Hmm pwedeng QA or QC itong Raquel Sanchez at Dominic Saenz." Ani Daisy habang iniisa isa ang mga results ng exam at intervie ng mga applicants.

"Oo, kompleto na ang production operators dalawang mechanical engineers nalang." Sabi nya kay Daisy.

"May mag o-ojt from FEU Manila last week, problems solved!" Palatak ni Daisy.

"Oh? Okay na pala eh makakapahinga na tayo sa pag-iinterview." Nagkatawanan silang dalawa.

"Sasama ka ba? Birthday mamaya ni Ivy." Tanong nito, si Daisy ang isa sa accountant nila.

"Oo nga pala ‘no? So, saan daw ba ang celebration?" Tanong nya, wala naman syang ibang gagawin at isa pa nag-iisa na sya ngayon sa apartment malulungkot lang sya.

"Sa Morato daw eh, bar nalang." Sagot nito.

"Ah, okay sige sasama ako." Time to enjoy!

Pagkauwi nya ng bahay, umidlip sya ng isang oras pagkatapos ay naligo at naghanda ng susuotin sa birthday ni Ivy.

Tinext nya si Daisy.

Anong oras tayo pupunta?

After 10 minutes bago ito nag reply ito.

8pm. See yah!

Pinili nyang suotin ang black dress nyang bakat ang hubog ng kanyang katawan, abot yun sa kalahati ng hita nya. Nagdala rin sya ng black jacket at maliit na pouch at nagsuot ng black sandals na 4 inches na bagay sa kanyang suot.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height