Naked/C5 Chapter 4
+ Add to Library
Naked/C5 Chapter 4
+ Add to Library

C5 Chapter 4

Ang sosyal naman ng birthday ni Ivy, sikat ang bar na napili. Kinapkapan sya ng babaeng guwardiya bago pumasok tiningnan rin ang ID nya at binigyan sya ng ID guest para makapasok.

"Woah! Ang sexy mo ah!" Kantyaw ng mga katrabaho nya ng makalapit sya sa table na inuukupa ng mga ito.

"Tinalbugan mo ang birthday girl!" Pagbibiro ng Electrical enginner nilang si Paul.

"Ay grabe ha!" Natatawang saway nya sa mga ito.

Binalingan nya si Ivy. "Happy birthday, girl." Bumeso sya dito. "Tomorrow na yung gift ko sayo ha?" Wala na kasi siyang time kanina na umalis para bumili ng ibibigay para kay Ivy.

Tumawa ito. "Thank you, okay lang ano ka ba."

Maganda si Ivy, katabi nito ang boyfriend nitong katrabaho rin nila safety head sa company nila. Actually, halos lahat ng sumama eh may partner na mga katrabaho rin nila, ang malas nga nya eh maganda naman sya, sexy at matalino pero bakit walang nanliligaw sa kanya. Nakakabanas!

"Let's party!" Sigaw ni Paul na itinaas ang hawak na kopitang may laman alak.

"Wooooh!" Sigaw ng lahat at nag cheers.

"Happy birthday to you, Happy birthday, Happy birthday. . ."

Panimula ni Paul sa pagkanta na sinabayan nilang lahat.

Ang grupo nila ang pinaka maingay at magulo sa loob ng bar na yon.

"Wait, cr lang muna ako." Paalam nya sa mga kasamahan.

"Sige, bilisan mo lang walang tatakas." Makulit na paalala ni Paul. Sya talaga ang pinaka makulit, swear!

Sinuklay nya ang buhok gamit ang daliri nya habang naglalakad sa gitna ng mga nagsasayawan.

Natatawa sya dahil sinasadya syang sayawan ng mga lalaking nadadaanan nya. Ang kukulit,

mga kabataan ata to, rich kids, cool kids, whatever.

Noong nag-aaral pa sila ni Judith walang ganung gimmik, bukod sa walang ganitong bar sa probinsya ay istrikto rin ang parents nila sa mga gala gala na yan lalo na at gabi.

Nalagpasan nya ang mga nagsasayawan at tinatahak na nya ang pasilyo patungong toilet ng mapahinto sya sa paglalakad.

Sa lalaking nakasandal sa gilid ng daan malapit sa male room.

Nakapamulsa ito na parang may hinihintay.

Pipihit sana sya para wag ng tumuloy sa toilet pero humarap ito sa kanya at nagtama ang mga mata nila.

Shit!

Hindi sya makagalaw.

Naestatwa na sya sa kinatatayuan.

Naglakbay ang tingin nito pababa sa katawan nya.

Nagtayuan ang mga balahibo nya sa ginawa nito. Para kasing hinuhubaran sya nito ng tingin.

At naalala na naman nya kung pano sya nito— holy shit!

Ano bang gagawin nya?

Tatakbo para iwasan ito?

Aghh! Bwesit!

Hindi! Bakit ko sya iiwasan.

Itinaas nya ang noo at taas noong naglakad balak nya itong lagpasan at wag pansinin, pero nanginginig ang tuhod nya.

Please, makisama ka naman.

Habang papalapit dito ay lalong tumitindi ang kalabog ng dibdib nya at ang panginginig ng tuhod nya. Shit! Huhu! Mama!

"You look great tonight." Sabi nito ng mapatapat na sya dito, wala syang balak na pansinin ito pero nagsalita itong muli. "Kaya hindi ako nagsisising tabihan ka nang gabing yon."

Napahinto sya sa paglalakad, nakuyom nya ang kamao at gigil na nilingon ito.

"Bastos!" Gigil na sigaw nya sa mukha nito.

Dali-dali nyang tinalikuran ang bastos na lalaking kaharap nya. Yun na nga ang sinasabi nya pinagtatawanan sya nito dahil nakuha sya nito ng ganun lang kadali.

Bwiset!

Natagalan sya sa Ladies room baka kasi hindi pa umaalis ang mokong na yun ay kung ano pang magawa nya.

"Uy sis, okay ka lang." Tanong ng makakapasok lang sa Ladies room na si Ivy.

"Oo, okay lang ako." Sagot nya dito.

"Ang tagal mo kasi eh, lasing ka na ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"Ah, hindi may nakita lang akong kakilala kanina kaya ako natagalan." May nakita akong gagong kakilala!

"Ah, akala ko nagsusuka kana dito." Natatawang sabi nito. "So, let's go back there?" Aya nito.

"Sure! Tara." Habang palabas sa ladies room ay pinagdarasal nya na sana wala na ang bastos na lalaki kanina.

At nakahinga sya ng maluwag ng makitang wala na ito doon.

"Antagal mo, anong ginawa mo sa cr?" Usisa sa kanya ni Daisy.

"Nakita ko kasi yon dati kong kaklase nun college kaya medyo napa kwento." Sagot nya dito.

"Ah, okay." Ang dali naman mapaniwala ng mga ito eh wala naman kasing alam sa nangyayari sa buhay nya.

"Dianna, ito na ang alak mo ang tagal mong nawala tumatakas ka talaga eh." Kantyaw ni Paul.

Nagtawanan ang mga katrabaho nya.

"Okay lang ano ba kayo." Saway ni Ivy sa mga kasama.

Twelve midnight na sila nakauwi may pasok pa bukas. Ginalingan ng husto ang pag-iinom eh, sumakay sya ng taxi pauwi ng apartment sa Quezon City lang rin naman yon kaya umabot lang ng 75 pesos ang binayaran nya sa taxi driver.

"Salamat po manong."

Buti nalang kahit madalas ang pagsakay nya ng taxi ay hindi pa nya nararanasan ang maharas, makidnap o manakawan, at hindi rin nya hinihiling kaya salamat talaga papa G.

Medyo naparami rin ang nainom nya kaya nahihilo na sya. Pagdating nya ng apartment ay naghilamos sya, nagpalit ng damit at saka humiga sa malambot nyang kama.

Hay, sarap!

Solong-solo na nya ngayon ang apartment nakakapanibago pero okay lang nagkataon lang talaga na naunang mag-asawa ang kaibigan nya.

Sabi naman ng may-ari ng apartment ay pwede syang humanap ulit ng ibang kasamahan, babawasan na rin daw nito ang singil dahil mag-isa nalang sya.

Ipinikit nya ang mga mata at nag concentrate sa pagtulog ng biglang pumasok sa isip nya ang nangyari noon gabing ikinasal si Gabriel at Judith. Shit!

Iminulat nya ang mga mata at naiinis na tumitig sa kisame.

Bakit kailangan pa kasing maalala?

Nagpagulong-gulong sya para mawala sa isip ang nangyari ng gabing yon.

Arghh!

Nakakainis!

Bumangon sya at kinuha ang cellphone na nakapatong sa tokador.

May text si Judith.

Kumusta ka dyan? Mag-isa ka nalang ngayon, mag-iingat ka.

Napangiti sya ng mabasa yon napaka caring talaga ng best friend nya.

Nag type sya ng pang reply dito.

Okay lang ako masasanay rin, enjoy your honeymoon. Excited na akong maging tita-ninang! Hahaha

Hay! Sya kaya, sino kaya ang magiging asawa nya? Taga saan kaya ? Saan kaya ang honeymoon nila?

Nakagat nya ng mariin ang labi na may sumulpot na namang imahe sa utak nya.

No, not him!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height