C6 Chapter 5
Muntik na syang malate kinabukasan dahil kahit nakainom ay nahirapan syang makatulog dahil sa pagsulpot ng Angelo De Leon na yon sa isip nya.
Aminin man nya o hindi may kung anong kiliti sa katawan nya kapag naaalala kung paano sya nito pinaligaya noong gabing yon.
Sinong niloloko nya kung sasabihin nyang hindi nya ito namimiss.
Siguro kung hindi lang yon si Angelo De Leon hindi sya aalis ng ganun kaaga, hihintayin nya itong magising at makikipag mabutihan dito dahil sa galing sa kama. Lol true!
Halatang sanay na sanay sa kama ang lalaking yon, ilang babae na kaya ang naikama nya? Tsk! Bakit nya ba yon iniisip nonsense! Bwiset.
"Good morning, Ma’am." Bati ng mga applicatants ng umagang yon, for requirements na ang mga ito dahil tanggap na.
"Good morning." Nakangiting bati nya sa mga ito. Inaantok pa sya kulang na kulang ang tulog nya 3am na ata sya nakatulog kagabi.
"Okay, pakilista ang mga requirements na sasabihin ko, ito yung mga kailangan nyong ipasa next week para makapagsimula na kayo kaagad, sa monday ang orientation nyo." Paliwanag nya sa mga ito.
"Okay, Xerox high school diploma, para sa mga production operator muna ito. NBI clearance original copy or police clearance, barangay clearance with dry seal original copy rin, form 148 xerox copy, birth certificate xerox copy lang ang ipapasa nyo pero you need to bring your original copies, okay? At lahat naman kayo may previous work na dati so, TIN number, SSS number, pag-ibig and philhealth number."
Etc.
Etc.
Araw-araw ganun lang naman ang ginagawa nya, pag kailangan ng new employees mag hire, mag papaexam, mag papa interview, aayusin ang mga requirements, mga absences, awol cases, etc.
Masaya naman sya sa trabaho nya pero minsan nakakainip, nakakaboring ng course na nakuha nya.
Hindi manlang kasi sya nangarap makarating at magtrabaho sa ibang bansa, pareho silang magkaibigan. Pero at least ito dalawang beses ng nakarating sa ibang bansa dahil kay Gabriel, noon una sa Thailand ngayon naman sa Macau, ang swerte nya diba? Mababait rin kasi ang mga magulang ni Gab, boto ang mga ito kay Judith.
Sana ganun din ang mga magulang ng lalaking naka Destiny para sa kanya.
Mayaman, kahit hindi basta kaya syang bigyan ng maayos na buhay. Gwapo, matangkad katulad ni Gabriel, mabait at may mabait ng parents, maunawain at marunong makinig sa gusto ng partner nya, Gabriel na Gabriel talaga ang pagkaka describe nya kaya muling pumasok na naman sa utak nya ang pinsan nito.
Hell no!
Malayong malayo sya kay Gabriel.
Natigil sya sa pag-iisip ng mag ring ang cellphone nya. Ang pinsan nyang si Roderick ang tumatawag, napangiti sya at sinagot yon.
Roderick, ang nag-iisa nyang pinsan anak ng kapatid ng tatay nya. Panganay sya dito ng dalawang tao, kaya para nya itong kapatid na bunso pero never sya nitong tinawag na Ate.
Ang Tiyo Domeng nya ang nagbabantay ng dalawang ektaryang lupain nila dun na pilit kinakamkam ng mga De Leon.
Si Roderick naman ay tamad mag-aral kaya hindi natapos ang kurso nito sa college, sinasayang ang pagiging magandang lalaki.
Sinagot nya ang tawag ng pinsan nyang si Roderick.
"Hello my beautiful cousin." Bungad nito.
"Kumusta? Hindi ka pumunta sa kasal ni Judith nagtatampo sayo." Sumbong nya dito.
"I've sent my greetings for her, alam mo naman hindi agad makaluwas eh." Paliwanag nito.
"Okay lang jinu-joke lang naman kita eh." Natatawang sabi nya dito.
"Kelan ka ba uuwi?"Pabiglang tanong nito.
"Hindi ko pa alam eh, hayaan mo mag leleave ako kahit 3 days para lang makauwi." Namimiss na rin kasi nyang makauwi ang hirap kapag may trabaho hindi basta basta makaalis lalo na't medyo malayo sa San Sebastian.
"Sige sasabihin ko kila nanay, yunglupa kasi kailangan kang makausap." Sabi nitong kinainis nya.
"Bakit? Dahil na naman ba sa mga De Leon na yan?!" Galit na tanong nya dito.
"Siguro, saka namimiss kana namin dito." Sagot dito.
"I miss you too, pati sila Tiyang at Tiyong Domeng. Wag kang pasaway dyan." Bilin nya dito.
"Tsk, wala kang katiwa-tiwala sakin." Pagyayabang nito.
"Pano magtitiwala eh ang tanda tanda mo na pasaway ka pa rin." Aniya dito.
"Ano ka ba tinawagan na nga kita inaaway mo pa ako. Tss." Reklamo nitong ikinangiti nya.
"Okay sige na nasa trabaho ako eh, ikamusta mo nalang ako kina Tiyang saka bantayan mo sila dyan wag puro babae ang atupagin mo." Pangaral nya pa dito.
"Sige, sige na nga. Mag-iingat ka dyan lalo na ngayon wala si Judith mag-isa ka nalang." Paalala nito, sweet din ito at maalaga para nga itong panganay pag tungkol sa pangbabakod sa kanya noon dahil inihahabilin sya dito ng mga magulang nya.
"Opo, sige na po." Natatawang paalam nya dito.
"Sige, umuwi ka ha?" Pahabol nito bago pinatay ang tawag.
Hay! Nakakamiss ang San Sebastian, nakaka miss ang parents nya, nakakamiss ang pagiging bata, yun silang tatlo nila Judith at si Roderick ang baby bunso nila na iyakin noon. Natawa sya ng maalala kung paano sila maglaro noon, minsan lang talagang maging bata kaya dapat ineenjoy.
May kung anong lungkot syang naramdaman ng maalala ang kabataan nila. Twenty five na sya ngayon, wala pang asawa o kahit manlang boyfriend, sa kanila karamihan sa mga kabataan nag-aasawa ng maaga kaya ang edad nyang twenty five ang matandang dalaga na kung tawagin sa kanila.
Grabe matandang dalaga na sya kapag nasa probinsya sya. Mabuti na nga lang at mukha lang syang bente hahaha oo bolahan ng sarili.
Hindi naman sya kaputian noon ngayon lang dahil sadyang mayaman sa clourine ang tubig sa maynila kaya eto puting puti na sya kaya pag umuuwi sa probinsya ay nagmumukha syang artista kung pagtinginan ng mga tao. Abot bewang ang buhok nya na medyo makapal, itim na itim rin yon at ni minsan hindi pa nga napapagalaw at napapakulayan.
May taas syang 5'4, maliit ang mukha, matangos at maliit ang ilong, maliit ang mata pero hindi naman singkit, maliit din ang mukha, manipis ang mga labi at mukhang maldita yun ang palaging sinasabi ng mga kakilala nya, hindi sya friendly, hindi rin lapitin ng tao dahil mukha nga raw syang masungit at maldita.
Pero ang totoo, totoo naman talaga yon. Lol
Sabi ng iba Angel Locsin daw sya. Yung iba naman Heart Evangelista, pag naka side view naman daw ay si Pauline Luna, ang dami nyang kamukha.