Naked/C7 Chapter 6
+ Add to Library
Naked/C7 Chapter 6
+ Add to Library

C7 Chapter 6

Magdadalawang buwan na rin simula nang ikasal si Judith, magdadalawang buwan na rin ang nangyari sa kanila ni Angelo at salamat sa Diyos dahil hindi na muling nag krus ang mga landas nila.

Magdadalawang buwan na ibig sabihin malapit na rin umuwi ang kaibigan at ang asawa nito galing Macau. Namimiss na nya ito, ngayon lang sila nagkahiwalay ng ganun katagal pero syempre kailangan na nyang masanay may asawa na ito at ang goal nya ay ang maghanap ng kanya. Lol.

"Bakit hindi ka nag b-boyfriend?" Tanong ni Daisy habang kumakain sila sa Canteen.

"Nag bo-boyfriend naman ako eh, nagkataon lang na wala ngayon." Sabi nyang hindi dito tumitingin.

Nakakahiya man pero wala talaga sa kanyang nanliligaw ngayon. Totoo pala ang sabi sabi na ang isang babae daw minsan lang namumukadkad, kasi pakiramdam nya tapos na syang mamukadkad dahil noon ang dami nyang manliligaw tapos ngayon waley kahit isa.

"Ah, pero hindi ka naman broken hearted? Walang trust issue kaya ayaw mag boyfriend?" Tanong ulit nito.

Sinulyapan nya ito bago isubo ang pagkain, tinapos nya yon nguyain at nilunok bago nagsalita. "Wala naman, masaya naman akong mag-isa eh."

Masaya nga ba sya? Kontento siguro pero hindi masaya. Magkaiba yun.

"Sabagay, minsan masarap din ang single walang kaaway, walang nagseselos, walang nagbabawal, walang obligasyon at walang commitment." Sabi nito.

"Seloso ba si Paul?" Tanong nya dito. Si Paul kasi ang boyfriend nitong kingkoy.

"Hindi naman, pero minsan nakakainis! Ako kasi ang selosa." Natawa sya sa sinabi nito.

"Talaga? Hindi halatang selosa ka!" Natatawang sabi nya.

"Hindi ko pinapakita sa iba." Natatawa ring sabi nito.

Well yes, maganda ang walang boyfriend tama ang sinabi nito pero minsan nakakamiss din na may nagpapaalala sayo na mahal ka nya, kumakain ka na ba, okay ka lang, magseselos, mang-aaway, maglalambing.

I'm growing older at nakaka-stress pag naiisip na I'm still single! Diba dapat meron na syang ka-relationship goal?

Dumb.

Yuck!

Huhu!

Sana. All.

Single na nga, wala pang kapatid, may asawa na ang kaibigan, at wala pang mga magulang, ang layo ng nag-iisang tito at pinsan.

Nakakaawa ako, hindi ba?

Huhuhu!

Ayaw nya talagang naiisip ang mga bagay na wala sya, dapat ay magpasalamat nalang sya sa kung anong magandang dulot at sa kung anong meron.

Fact number one.

Dahil wala syang parents at mga kapatid, solo nya ang kita nya walang obligasyon. Pero sana kahit hindi nalang basta meron.

Fact number two.

Dahil wala syang boyfriend, hindi sya paranoid, hindi nagseselos, hindi nasasaktan at umiiyak, walang obligasyong magtext/chat/tawag para sabihin ang mga dapat sabihin, walang pinagpupuyatan, walang istorbo, etc.

Basta marami pang facts 3. 4. 5. and so on. . .

Bahay.

Trabaho.

Kain.

Tulog.

Trabaho ulit.

Ganun lang palagi.

Masaya naman diba? Tulog is life, lol.

Kain o tulog? TULOG!

Inlove naman sya sa maraming bagay.

Korean dramas.

At NBA!

Stephen Curry!

Nagtatalon sya pag may laban ang GSW lalo na kung finals. Waaaah! I love you baby!

At si Ji Chang Wook ang kanyang K2, nainlove sya dito sa Korean TV series na k2.

Si Lee Min Ho ang first love nya dahil sa boys over flower at hanggang ngayon ay nagpapatuloy.

Kdrama fact. Dahilan kung bakit sya kinikilig.

Stephen Curry fact. Ang dahilan kung bakit sya naeexcite at nababaliw tuwing nasa court ito..

Love you also GINEBRA!

——

Nagmamadali syang mag-out ng hapon na yon, dumating na sila Judith galing Macau at dadaan daw ang mga ito ng apartment bago tumuloy sa bulacan.

Nagtaxi na rin sya para mas mabilis baka kasi nasa apartment na sila ta mainip pa.

"Sisssss!" Tili nya at tinakbo ito para yakapin.

"Omg, tumaba ka dun two months lang, wait! Buntis kana ba?" Excited na tanong nya.

"Ano ka ba hindi, ang sarap kasi ng buhay namin dun ni hon kain, tulog, pasyal." Natatawang kwento nito.

"Talaga? Ahh naiinggit ako." Palatak nya.

"Feeling ko wala ako dito." Nakasimangot na sabi ni Gab hindi nga pala nya ito pinansin.

Natawa sya at binalingan ito. "Sorry, hahaha! Kasi naman na miss ko tong best friend ko eh." Lambing nya sa kaibigan at niyakap ito.

"I miss you too, pero halika muna dito umupo tayo." Aya nito sa kanya at parang batang inakay sya papunta sa sofa.

Kinuha nito ang tatlong paper bag at iniabot sa kanya. "Ito ang pasalubong namin ni Gab for you."

Kinuha nya ang paper bags at sinilip ang laman ng mga yon. "Wow! Ang sosyal naman ng mga to, ang dami ha!" Tuwang tuwang sabi nya.

"Now, can we talk?" Nakangiting tanong ni Judith pero iba na ang pagkakangiti nito, alam nyang tungkol sa ibang bagay.

Tumingin sya kay Gabriel at bumuntong hininga bago bumaling sa kaibigan. "Bes, hindi na natin dapat pag-usapan. Besides wala akong planong kahit na ano." Pilit nyang pinapaintindi dito sa malumanay na paraan.

"So ganun nalang yon? I know you, we've been together for almost decades alam kong si Angelo ang nauna! Hindi mo ba pahahalagahan yon?" Halatang naiistress na tanong nito.

Namula ang mukha nya at nahihiyang sumulyap kay Gab na nagkukunwaring busy sa pagkalikot sa cellphone pero alam nyang nakikinig ito.

Bumaling ulit sya sa kaibigan. "Wala na akong magagawa." Wala syang mahagilap na sasabihin.

"May magagawa ka pa! Na ipaglaban yun dignidad mo!" Galit na sabi nito, my gosh ayan na naman po sya.

"Bes, you know how much I hate him! I don't love him at hindi ko pinangarap ni minsan na aagh!" Naiinis na sya.

"It's not about what you dream, its not about your small farm's issues, its about you and your dignity." Pagdidiin nito. "And his obligation." Dagdag pa nito.

"Wala syang obligasyon sakin, we’re both drunk that night and I thought I was just dreaming!" Nakagat nya ang labi ng ma realize kung anong nasabi.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita nya ang pilyong ngiti ni Gabriel, shit! Baka sabihin nya sa pinsan nya.

"Oh my god!" Oa namang reaksyon ni Judith. "Marami ka bang nainom that night at pati yun akala mo panaginip lang?" Hindi makapaniwala na tanong nito.

"Tsk, ewan! Can we just stop this nonsense topic? Walang dapat panagutan, it already happened. Ginusto ko at ayokong maghabol, not my thing! Lalong lalo na sya kanya." Pinal na sabi nya at alam nyang wala ng magagawa ang kaibigan para magbago ang isip nya.

"Tss, okay! I think wala na akong magagawa para magbago ang isip mo, pero isipin mo sana na that's not what you've wanted before." Nangongonsensyang sabi nito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height