Naked/C8 Chapter 7
+ Add to Library
Naked/C8 Chapter 7
+ Add to Library

C8 Chapter 7

Hindi naman talaga sya ang tipo na naghahabol, nagpapasalamat nga sya dahil hindi sya katulad ng ibang babae na halos ikamatay pag nalaman na naloko o pinagpalit ng mga kasintahan. Nag boyfriend sya ng maka Graduate na sya ng college dahil yun ang pangako nya sa mga magulang.

Si Owen, ang first boyfriend nya, mas matanda sa kanya ng three years at taga San Rafael ito katabing bayan ng San Sebastian. Gwapo, mabait at matalino pero medyo babaero talaga hindi maiwasan na nag-aaway sila dahil sa mga babaeng nalilink dito, o talaga namang mga flings nito. Kaya na realized nyang hindi ganun relasyon ang deserve nya mahigit isang taon din halos sila ni Owen kahit bihira lang silang magkita dahil nasa probinsya ito at sya naman ay nandito na sa Manila noon para maghanap ng trabaho, while Owen is busy with his candidacy dahil dating mayor ang tatay nito kaya sinusubukan nito noon ang pagtakbo sa politika, at ngayon balita nya ay councilor na ito ng bayan ng San Rafael.

Second boyfriend nya si Ian Benidict, taga dito na sa lungsod. Katulad ni Owen gwapo at matalino rin, may kaya sa buhay at mas matanda rin sa kanya ng two years, Architech ito kaya naman proud na proud sya dito pero dahil laking Maynila he's very liberated, ang problema nila noon ay ang pamimilit nito na gawin na nila ang isang bagay na gusto nyang gawin ay pag kasal na sila, at katulad ng issue ng iba naghiwalay din sila dahil hindi na nito natiis at naghanap ng iba na kayang ibigay ang hindi pa nya kayang ibigay. Magdadalawang taon na dapat sila bago sila maghiwalay.

And now.

Here she is, hindi sya naghahabol sa isang Angelo De Leon, never! Over my dead and beautiful body! Yes, beautiful body!

"Girl, this is for you." Ani Daisy sabay abot ng maliit na Tupperware.

"Wow thanks! Ano to?" Tanong nya habang binubuksan ang Tupperware.

"Your favorite, galing kasing probinsya si nanay at yan ang daming dalang gulay." Sabi nito at naupo sa table na katabi nya.

Nabuksan nya ang tupperware at tumambad sa paningin nya ang paborito nyang laing, nakikipag unahan talaga sya noon kapag may dala si Daisy dahil talaga namang masarap magluto ang nanay nito, naaalala nya ang luto ng nanay nya.

Sumuot sa ilong nya ang amoy ng dating mabango sa pang-amoy nyang laing, pero ngayon iba ang dating nun -- nakakasuka. Bumabaliktad ang sikmura nya!

Nalukot ang mukha nya dahil sa pagpipigil sa pag baliktad ng sikmura nya.

"Hoy! Okay ka lang? Namumutla ka." Nag-aalalang sabi ni Daisy at lumapit sa kanya.

"Nasusuka ako bigla hindi ko alam kung bakit." Sabi nya habang sinapo ang bibig at lumunok ng laway para pigilan ang pagduwal.

"Ha? Ano bang nakain mo?" Tanong nito.

"Nag kape lang ako kanina saka sandwich." Hirap na sabi nya.

"Kinabahan naman ako sayo, para kang buntis ha! Mag rice ka kasi every morning." Sabi nito at bumalik na sa upuan.

Natigilan sya at napatanga dito.

"Anong sabi mo?" Nakamaang na tanong nya dito.

"Sabi ko mag rice ka every morning, di ba hindi ka sanay sa Coffee lang." Ulit nito sa sinabi pero hindi yon ang pinauulit nya.

It can't be happening.

No.

Hindi pwede!

Inisip nya ang mga bagay na pwedeng baka nga buntis sya. Nakalimutan nya two months na nang mangyari yon at oo hindi pa sya dinadalaw ng period nya, at ni minsan never naman syang na delay! Shit.

Maghapon syang tuliro halos hilahin nya ang oras para lang makauwi at gawin ang kanina pa nyang plano!

Dumaan sya sa isang pharmacy at bumili ng tatlong pregnancy tests, tatlo talaga para walang mintis!

Naiiyak na sya.

Nanginginig.

Malakas ang kutob nyang posible yon dahil sa halos dalawang buwan nyang hindi pagkakaroon.

Every half of the month sya dinadatnan at walang delay yon simula noon unang syang datnan tanda na isa na syang ganap na babae.

Huhuhu!

Pero ngayon nagdarasal pa rin sya na sana delay lang talaga, o may ibang rason wag lang ang mabuntis sya.

Nakakahiya.

Walang tatay ang anak nya pag nagkataon.

Hindi nya alam ang gagawin nya pag na buntis sya.

Sino ang mag-aalaga sa kanya?

Sino ang magtatrabaho para mabuhay silang mag-ina habang bagong panganak sya?

Mauubos ang ipon nya.

Hindi yun kasya lalo na pag na SC sya!

Anak ng! Kung saan saan na umabot ang imahenasyon nya!

Nakakaiyak please wag po!

Nanginginig na binuksan nya ang isang pregnancy test at binasa ang direksyon.

At sinunod nya yon.

Umiinom muna sya ng maraming tubig para maihi.

First attempt.

Tinitigan nyang mabuti, two lines pero medyo malabo yon isa anong ibig sabihin nun?

Pangalawa ganun din malabo at malinaw pero two lines.

Pangatlo ganun din two lines malabo pa rin ang isang line.

Ganun ba talaga yon?

Ibig sabihin ba nun malabo rin ang chance na buntis sya?

Naguguluhan ba sya!

Malapit na syang mabaliw.

Kinuha nya ang cellphone at balak tawagan si Judith.

Agh! Baka sabihin nya kay Gabriel at si Gab naman sasabihin kay Angelo! No way!

Kailangan muna nyang makasiguro.

Bukas aabsent sya, pupunta sya ng doctor!

Kinagabihan hindi sya makatulong kakaisip, tinitingnan rin nya ang sarili nya sa salamin kung mataba na ba sya o kung may umbok ang tyan nya.

Ang hirap, nakaka stress!

What if buntis nga sya, what if? What if lang sana!

Maghahabol na sya kay Angelo? Siguradong isusumpa sya ng mga magulang nya pag nagkataon.

Nagbalik ang alaala nya noon unang makilala nya ang aroganteng bunsong anak ng mga De Leon.

"I'm talking to you in a nice way Ms. Roque, this small farm is my property." Mariing sabi nito, kamamatay lang noon ng mga magulang nya halos magkasunod kasing namatay ang mga ito at sya naman ay umuwi para ayusin nga ang problema nila sa lupa.

"I grew up here, tapos sasabihin mo sayo to! Pwede ba ang laki laki na ng lupa nyo pilit mo pang kinakamkam itong kapirasong lupa namin! Ikaw at yung mga magulang mo ano bang problema nyo ha?! Noon nyo pa gustong bayaran tong lupa na to eh tapos ngayon pag-aari mo na agad agad?! Wala akong matandaan na benenta ko ‘to o ng mga magulang ko!" Galit na galit na sigaw nya sa harapan nito.

Simula noon sumulwak na ang dugo nya para dito sa mayabang, arogante at makasariling nilalang na ‘to.

Kaya kahit pinsan ito ng asawa ng kaibigan nya ay hinding hindi sya dito papatalo! At mever ever siyang maghahabol kung sakaling magbunga ang kabaliwan nya ng gabing yon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height