Naked/C9 Chapter 8
+ Add to Library
Naked/C9 Chapter 8
+ Add to Library

C9 Chapter 8

"Congratulations, Misis! You are five weeks pregnant, maganda naman results mo malusog ka at walang problema sa sinapupunan mo may mga irereseta lang akong vitamins na kailangan mong inumin, may UTI ka eh pero very light lang naman iwasan mo lang..blah blah blah."

Tulala syang naglalakad galing sa center na pinagcheck upan nya, sa totoo lang hindi nya alam kung anong nararamdaman nya. May kung anong galak sa puso nya ng nalaman na totoo ngang butis sya, pero may takot din at pag-aalala. Anong gagawin nya? Paano sya mag-uumpisa? Sasabihin ba nya kay Angelo?

Naguguluhan na sya pero kailangan nyang mag-isip kung ano ang pwedeng gawin, kung ano ba ang nararapat.

Wala sa loob na na pahawak sya sa tyan nya.

Hindi ito ang gusto nya, hindi ganito ang pangarap nya.

Her dreams was to marry the man she loves and a beautiful wedding, before she get pregnant.

I'm sorry Inay, Itay.

Kung nabubuhay lang siguro ang mga magulang nya baka atakihin pa sa puso dahil sa kagagahang ginagawa nya.

Litong-lito na sya, wala syang choice kungdi ang lumapit sa kaibigan. Wala naman kasing ibang malalapitan.

Sa Taguig bumili ng bahay ang mag-asawa at isang beses na syang nakapunta dun ng maglipat ng bahay si Judith kaya naman alam nya kung paano makapunta dun.

Andito sya ngayon sa harap ng gate sa bahay ng nag-asawa nakatingala sa dalawang palapag na bahay ng mga ito. Napaka swerte ni Judith hindi katulad nya, kinagat nya ang labi at pikit matang nag door bell.

Naka tatlong doorbell sya bago nagbukas ang pinto ng gate.

"Ay mam, pasensya na po ha nasa taas po kasi ako eh kaya medyo natagalan." Paumanhin ng kasambahay ng mga ito, kilala sya niyo bilang kaibigan ni Judith.

"Okay lang, andyan po ba si Judith?" Tanong nya dito.

"Ay opo, nag-aayos po kami sa taas ni mam, halina po kayo’tpasok." Niluwagan nito ang bukas ng gate para makapasok ako.

Pumasok sya sa loob ng bahay kasama ang kambahay ng kanyang kaibigan na si Judith.

"Mam gusto nyo po umakyat nalang kayo? Kukuha lang po ako ng maiinom nyo." Anang kasambahay nito.

"Sige po." Sang-ayon nya at umakyat ng hagdan. Maganda ang bahay na regalo ni Gabriel kay Judith may isang guest room at tatlong malalaking kwarto yon.

"Becka? Sino yon dumating?" Rinig nyang ani Judith galing sa isang kwarto.

Nangingiting lumapit sya dun, bukas ang pinto at puno ng regalo sa kasal nito, nakabukas na ang nga yon pero hindi pa tinatanggal sa kahon ang iba.

"Ako." Nakangiting sabi nya at pumasok sa loob.

"Oh? Bes? Anong ginagawa mo dito?" Tila gulat na gulat na tanong nito.

"Parang ayaw mo na akong pumunta dito ah." Tampo tampuhan nya.

"Hindi ganun, haler? May pasok ka ngayon at hindi ka dito pupunta ng wala manlang pasabi kung wala kang problema." Medyo kunot noong sabi nito. Kilalang kilala nga sya nito.

"Hindi ba pwedeng I'm just visiting you?" Tanong nyang lumapit at bumeso dito.

"Hindi ka bibisita kung wala kang kailangan o problema." Seryosong sabi nito at tinitigan sya na tila binabasa ang nilalaman ng utak nito.

Malungkot syang natawa dito. "I really miss you." Hindi niya alam kung bakit parang naluluha na sya. Masyado lang siguro siyang emosyonal ngayong araw.

Napanganga ang kaibigan nya ng tahimik nyang ibigay dito ang resulta ng check-up nya.

"I really don't know what to do." Pag-amin nya habang nakayuko.

"Just do the right thing." Seryosong sabi nito at hinaplos ang likuran nya. "Kasal kasi namin yon tapos kayo ang nag honeymoon."

Nanlaki ang mga matang biglang napatitig sya dito, baliw ba sya at nakpagjoke pa ng ganun? Ramdam nya ang pamumula ng mukha nya.

Malakas itong tumawa. "Hoy, joke lang kung makatingin ka naman! Hahaha!" Baliw talaga namumroblema na nga sya magbibiro pa ng ganun.

"Anong gagawin ko." Naihilamos nya ang palad sa mukha.

"Kailangan malaman ni Angelo, mag-usap kayo." Hindi sya umimik sa sinabi nito. "Huwag mong pairalin ang pride mo ngayon, anak nyo ang isipin mo." Pangaral nito.

"Tapos ano?" Stress na tanong nya.

"Kami ng bahala ni Gab, pag-uusapan namin pagdating nya." Sabi nito.

"Anong gagawin mo?" Tanong nya.

"Kung ayaw mong kausapin si Angelo, kami ang kakausap." Suggestion nito.

"Don't you dare force him just to marry me! Ayoko ng kasal kailangan lang nyang malaman, tapos!" Dahil naniniwala naman syang karapatan nitong malaman. At anong kasal agad? No fucking way that I’ll let it happen!

Paano nya haharapin ang lalaking yon?

Ang mayabang at bruskong lalaking yon!

At bastos.

_______

"Hintayin lang natin si Gab tapos ihahatid ka namin." Sabi ni Judith pagkatapos ng halos apat na oras nyang pamamalagi doon.

"Hindi na, uuwi na ako ngayon magtataxi nalang ako." Sabi nya.

"Ano ka ba kailangan mong mag doble ingat ngayon." Pangaral nito.

"Kaya ko ang sarili ko, dadaan pa ako sa supermarket." Nakangiting sabi nya sa kaibigan.

"You sure?" Paniniguro nito. Ayaw siya nitong payagan pero wala siyang ibang choice kundi ang hayaan nalang siya.

"Oo naman nakapunta nga ako dito eh, oh sige na aalis na ako." Tumayo sya at kinuha ang shoulder bag na dala.

"Sige mag-iingat ka." Tumayo na rin ito at niyakap sya.

Dumaan sya sa supermarket bago umuwi ng apartment. Bumili sya ng mga stocks na nagpapacrave sa kanya nitong mga huling araw.

Pagkauwi ng bahay nagbihis sya at nagpahinga bago sipagin magluto for dinner.

Sweet and spicy shrimp, her favorite.

Bumili talaga sya ng malalaking hipon dahil nag cacrave sya sa spicy.

Katatapos lang nyang magluto ng may kumatok sa pintuan ng apartment nya.

Gabing-gabi naman kung maningil sa upa si Manang.

Sa isip-isip nya naalala kasi nyang bukas na pala ang bayaran sa renta.

"Wait lang po." Sigaw nya habang pinapatay ang stove.

Tinanggal nya ang apron at nagpunas ng kamay.

Buti naman hindi na binge si manang ngayon tumigil agad sa pagkatok, medyo mahina kasi ang pandinig ng may-ari ng apartment nya at kadalasan ay sunod-sunod talaga ito kung kumatok hanggang hindi nya pinagbubuksan.

Dali-dali syang lumapit sa pinto at binuksan yon.

"Sorry manang nagluluto kasi a--" Naputol ang sasabihin nya ng tingalain ang lalaking nasa harapan nya.

Angelo De Leon.

Ang bilis ng pintig ng puso nya sa matinding kaba hindi nya inaasahan na ito ang nasa harapan nya ngayon, nanginig bigla ang mga tuhod nya.

Seryoso itong nakatitig sa kanya at medyo nakakunot ang noo.

Biglang gumapang ang kilabot sa balat nya ng bumaba ang tingin nito patungo sa tyan nya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height