Nanny and the Beast/C2 Kabanata 2
+ Add to Library
Nanny and the Beast/C2 Kabanata 2
+ Add to Library

C2 Kabanata 2

"Hi Zella!" sabi ni Dale sabay sipol ni Macsen. Aga-aga mga asungot sa hapag- kainan. Kagagaling ko lang gisingin si Taiden ng mayroong di inaasahang pangyayari, na kahit kailan ayaw 'ko ng maalala pa.

Andito na kami lahat sa hapag. Gusto ni madam na sumabay na 'ko sa pagkain nila. Tapos na din naman sila nay Helen at iba pang katulong kumain.

"Dude, what takes you so long? Gutom na kami oh." ani Elton

Kakadating lang kasi ni Taiden, at nahagip nya agad ang paningin ko. Hindi nya man lang binalingin ng tingin si Elton. Nag-iwas ako ng tingin dahil nagsitayuan na naman ang mga balahibo ko!

Umupo sya sa harapan ko, katabi ko naman si madam. Sa kabilang gilid ko naman ay si Keion, sunod ay si Mozes.

Sa kanilang lahat itong si Keion ang susunod kay Taiden kung ka gwapohan ang pagbabasihan. Tahimik lang din ito at misteryoso gaya ni Taiden ngunit ngumingiti naman sakin.

Si Mozes naman ay sobrang transparent. Makikita mo sa mukha nya kong natutuwa ba sya o nagagalit. At magaan din ang loob ko sa kanya gaya kay Keion. Di gaya ni Dale, Macsen at Elton. Na puro pasmado ang mga bibig. Pero all in all, sabi ko nga walang tapon sa kanila.

"So what's your plan today?" ani madam sa mga binata.

"Uuwi muna kami tita at baka sa linggo, babalik kami dito. Kung okay lang po." ani Keion sabay tingin nya sakin. Namangha ako sa boses nya. Sobrang kalmado nito at ang bait bait pakinggan. Ngumiti sya sakin at sinuklian ko din naman ito ng ngiti.

"Of course! Our house is always open, just behave and mind you..." tingin ni madam sa mga binata "Zella's Off Limits, understood?" giit niya

There's a slow chuckle from them and they all nodded except for this cold eyes watching me intently,si Taiden. Walang ka emosyon emosyon ang mukha nya. Hindi ko tuloy mabasa iniisip nya.

"But why Tita?" ani Mozes.

"What if one of us will court her, are you going to kick our asses then?" nagsitawanan silang lahat pati din si Taiden! Himala. Napailing na lang si Sir Darius.

Nagpakurap kurap naman si madam bago sumagot na nakaisa ang mga kilay nito.

"Well, dadaan muna sakin ang manliligaw sa kanya, ayokong mapaglaruan lang itong si Zella. Napakabait ng batang 'to kaya makakatikim sakin ang mananakit sa kanya." sabay hawak ni madam sa kamay ko at pisil sa ibabaw ng mesa.

"This will be hard then." ani Keion.

Nabaling lahat ng atensyon sa kanya.

At nakita ko si Taiden na mariing tinitigan si Keion and his jaw is clenching.

"Off limits is off limits..." ani Taiden

Sa kanya naman nabaling ang lahat ng atensyon ngayon. Hindi ko alam kong ako lang ba ang nakakaramdam ng tensyon sa mesang ito o masyado lang akong busog. Kaya't kung ano-ano na lang ang naiisip ko.

Para akong ice cream na nalulusaw sa kinauupuan ko, kung bakit ba kasi ako ang topic, ay hindi ko na alam.

Nagsi uwian nga ang mga kaibigan ni Taiden pagtapos ng agahan. Tumulong din ako sa kusina kila nay Helen. At ng matapos ay gusto kong bumalik sa kwarto ko upang magpahinga. Nasa second floor din ang kwarto ko. Kahit na dapat ay sa maids quarter ako, talagang ayaw pumayag ni madam. Masyado na tuloy na nakakahiya. Kulang na lang maging anak nila ako. Pero ayoko naman maging kapatid ang unggoy na Taiden na yun.

Papunta na 'ko sa taas ng may magsalita sa gilid ng hagdan. Hindi mo kasi makikita kung may tao ba dun.

"Don't be full of yourself. You're too plain." ani Taiden

Bahagya akong nagulat at kamuntik ng mapatili. Nasa mga bulsa nya ang dalawang kamay nya at mariin akong tinitingnan. Humalukipkip naman ako.

"What do you mean?... Anong problema mo, huh?" mariin kong tanong na may tono ng iritasyon.

Ano bang pinagsasabi ng isang 'to. Kung bakit palagi na lng nakikialam tungkol sakin. Wala naman akong kasalanan sa kanya ah!

Humakbang sya papunta sakin. Ngayon nakatingala nako sa kanya, unti-unti syang yumuko at may ibinulong sa aking teynga.

"They just wanna get in your pants, so stay away from them.." at tinalikuran na nya 'ko. Huminga ako ng malalim, hindi ko na namalayan na hindi na pala ako humihinga sa sobrang kaba ng nararamdaman ko. Naghuhuramentado ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nya sakin. Pinakalma ko ang sarili 'ko at umakyat na sa taas. Ano ba kasing ibig nyang sabihin? At gusto nya pang lumayo ako sa mga kaibigan nya.

Walang problema sakin yun, pero wala rin syang karapatan na utusan akong layuan sila. Ako ang magde-desisyon sino ang lalapitan at kaiibiganin ko. Amo ko lang sya hindi nya ko pag-aari.

Lunes araw na naman ng klase. Alas singko pa lang ay gising na 'ko. Ganitong oras talaga ako magising dahil ayokong ma late sa klase, at ganun nga never pa 'kong na late sa klase. Naligo ako at nagbihis ng uniform. Black skirt with side slit, a black business jacket, a thick bottom heels and my black hat. Minsan nga napagkakamalan akong FA na talaga pag nag malling kami ni Suzie.

"Oh iha, kain ka muna bago ka umalis." ani nay Helen ng makababa na ako sa kusina.

"Wag na po nay. Sa school na lang po, may gagawin kasi kami sa school." kahit wala naman, gusto ko lang iwasan si Taiden hanggat maaari.

"Naku, masama ang hindi mag-agahan, ito ang pinaka importanteng pagkain, ang agahan." ani nay Helen

Ngumisi ako at niyakap si nay Helen.

"Kayo talaga... sige na nga, malakas kayo sakin eh."

Pinaghain ako ni nay Helen at naupo na sa mesa. Itlog, bacon, tinapay at mainit na gatas ang hinanda ni nanay.

"Oh hijo, kay aga mo yatang nagising." ani nanay

Nag-angat ako ng tingin at si Taiden nga ang naglalakad palapit kay nay Helen. Kumuha sya ng baso at kumuha ng tubig sa ref. Tumingin muna sya sakin bago nagsalin ng tubig at ininom.

"Yeah, I'm going for a run today." ani Taiden kay nanay.

Hindi ko sya tiningnan ulit. Ayokong magpang abot na naman ang paningin namin. Nang bigla syang magsalita.

"Nana, sabihin mo kay mang Jojo ako na ang maghahatid kay Zella sa school." nag-angat ako ng tingin na may itlog pa saking bibig.

Napangisi naman si nanay Helen.

Ano na naman bang trip meron 'tong unggoy nato at may pahatid hatid pang nalalaman. Ngayon ko lang napansin na naka pang alis sya ng damit, tapos sabi nya "going for a run" huh. Napangisi ako at uminom na ng tubig.

His gazed didn't left mine. And his brow shot up. Na may pagtataka sa mukha.

"Why are you smiling like an idiot?" aniya. Ngumisi pa ako ng malaki.

"Akala ko ba tatakbo ka, bat parang naka damit pang-alis ka na?" may malaking ngisi pa din sa mukha ko. Tiningnan nya ang damit nya at pumikit ng mariin.

"Then after I send you to school, and I have things to do, too." aniya

Palipat lipat sa aming dalawa ang paningin ni Nanay.

Talaga lang huh, kunyari pa 'to eh halata namang plano ng ihatid ako. Nabawasan tuloy inis ko sa kanya.

"Oh sya, sya pupuntahan ko na si Jojo, mag madali ka na dyan iha baka ma late ka." Tumango naman ako at lumabas na papuntang garahe. Nakasunod lang sya sakin.

Isang black luxury car ang nakaparada sa labas. Pinag buksan nya ko ng pinto. Gentle man naman pala 'to, pero bakit ang sama ng ugali minsan.

Pagka pasok ko umikot sya at sumakay na din, at pina andar agad ang sasakyan. Hindi pa rin maalis ang kunting ngiti ko sa mukha at parang napansin nya 'to.

"Aren't you done smiling?" aniya na nasa kalsada ang mga mata. Tiningnan ko sya at napansin ko kung gaano kagandang lalaki ang taong 'to lalo na pag naka side view.

Ngumisi ako ng malaki medyo lumapit ng bahagya para tingnan sya sa mukha.

"Aminin mo na lang kasi na plano mo talagang ihatid ako ngayon, di'ba?" sabi ko

Tiningnan nya lang ako saglit and there's a ghost of smile but it disappear immediately.

"Stop assuming too much, kid." aniya

"Assuming? sure I'm not, and hindi na ako kid! college na 'ko, hello?" humalukipkip ako at sa kalsada na ang tingin.

He chuckled softly. I've never thought someones chuckle could be so sexy! Ngayon nakangisi na talaga sya habang nagmamaneho. Hindi na 'ko nakipag- usap at hindi na rin naman sya umimik hanggang sa dumating kami sa school.

"Is that Taiden? Siya ba yung naghatid sayo? Oh my god!" ani Suzie, naglalakad kami ngayon papunta sa room namin.

"Yup..." sabi ko

She giggled. "He's so gwapo! Lalo na ang mga friends nya na mga underground racers." Tiningnan ko sya. Anong under ground racers ang sinasabi nya? Kaya nagtanong ako.

"Under ground racers? Ano yun?"

Natutop nya ang kanyang bibig. At napasinghap.

"Hindi mo pa ba alam? Sabagay, baka hindi nababanggit yan sa mansyon. Sasabihin ko sayo ang nalalaman ko, pero ipangako mo sakin na wala kang pagsasabihan kahit kanino, Zella. Mag promise ka." ani Suzie at tumigil kami sa paglalakad. Tumango ako.

"Okay, so ang underground racers ay grupo ng mga mayayaman at ma impluwensyang tao. Isa sa mga leader si Taiden, at mga alipores nya ang mga kaibigan nya..." hindi ko sya nilubayan ng titig dahil nalilito ako sa mga sinasabi nya "Kapag meron silang kaaway sa business or sa kahit ano, imbis na patayin agad, idadaan nila ito sa isang car race. Minsan nga buhay ang itinataya. At kung sino man ang matatalo susunugin ang sasakyan mo habang nasa loob ka nito." Nanlaki ang mga mata ko at tumingin si Suzie sakin. Hindi ko ma proseso ang mga sinabi nya.

"Okay ka lng Zella?" aniya at hinawakan ako sa balikat. Tumango ako.

"Bakit may ganyan? At bakit mo alam?" sabi ko

"Dahil isa din si daddy sa mga leader, kakampi nya si Taiden pero mas mataas si Taiden sa kanya. Noong una katuwaan lang naman daw yang under ground race ng mayayaman, hanggang sa nauwing may patayan na. Kawawa nga yung ipapa-patay na hindi marunong magmaneho eh." may lungkot na tonog ang pagkasabi nya.

Hindi ko talaga maintindihan, bakit may ganyan. Alam kaya nila madam at ni Sir Darius ang tungkol sa under ground race na yan? Or si nanay Helen kaya?

"Okay lang sayo na kasali ang Daddy mo? Hindi ka ba nag-aalala?" sabi ko

Ngumiti sya ng bahagya. "Nag-aalala siyempre, pero anong magagawa ko matagal na sya d'yan eh, kahit anong pigil ni mommy hindi daw sya pweding umalis." ani Suzie

Kitang kita ko ang kalungkutan sa mukha ni Suzie. Sino ba kasing nagpa simuno ng race na yan. Alam kong illegal yan. At maisip mo pa lang na kasali ang isa sa mahal mo sa buhay ay panghihinaan ka ng loob. Paano pag hindi na sya umuwi? Dahil natalo sya sa karera. At si Taiden, hindi ba sya natatakot mamatay? Paano na lang sila madam. Nag-iisang anak lang sya, hindi nya ba naisip anong mararamdaman ng magulang nya pag nawala sya?

Andami kong tanong sa isipan ko. Pero hindi ko alam saan ako makakahanap ng sagot. Pero hindi mangangalap ako ng impormasyon tungkol dito. Nag-aalala ako kila madam. Paano pag hindi nya alam na kasali si Taiden dito? Kahit ito man lang ang maibigay kong kapalit sa kabutihan ng mag asawa

sakin. Ang alamin at ayusin ang kung ano man itong sinalihan ni Taiden.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height