C21 Kabanata 21
Nasa gitna ako sa pagpa-file ng vacation leave ko nang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita kong sino 'yon.
"Suzie!" maligaya kong bati.
"Ano na? Kailan uwi n'yo? H'wag mo sabihing virtual attendance na naman kayo sa birthday ni Sienna?" tonog pagka-inis iyon.
Napatawa naman ako at umiling.
"Hindi. Uuwi kami this week. I'm preparing my vacation leave as we speak