Nanny and the Beast/C4 Kabanata 4
+ Add to Library
Nanny and the Beast/C4 Kabanata 4
+ Add to Library

C4 Kabanata 4

Nang makauwi na ang mga kaibigan ni Taiden at si Suzie ay agad kong hinugasan ang mga basong ginamit nila sa pag-inom. Alas diyes na kasi ng gabi at tulog na si nay Helen. At kahit pagod ako dahil sa kakautos sakin kanina ni Taiden ay kaya ko pa naman.

Ewan ko ba bakit andami nyang utos sakin kanina. Hindi na nga kami halos nagka-usap ni Keion. Ang sarap nya palang kausap, akala ko kagaya siya ng iba nyang mga kaibigan na puro pasmado ang bibig. Hindi ko pa narinig si Keion na nagsalita ng bastos tungkol sa akin o sa ibang babae.

Kaya magaan loob ko sa kanya kesa sa Taiden na yun! And speaking of the devil.

"Exchanging phone numbers, huh..." aniya at sumandal patalikod malapit sa may sink. I raised my left brow. At nagpunas ng kamay matapos maghugas ng mga baso.

"Ano naman ngayon?" sabi ko. He chuckled and smirked.

Ano naman bang problema ng isang 'to? Ano naman ngayon kong nag bigayan kami ng cellphone numbers ni Keion? Eh mabait naman sya. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na ibigay sa kanya ang number ko.

"Kahit nasa iisang lugar kayo, kailangan pa talagang magka text pa?" May diin nyang pagkasabi. Magka text nga kami ni Keion kanina dahil pinapabalik nya na ako sa labas. Kasalanan naman nya no kung bakit kami magka text kanina, sa dami ba naman ng utos! Kahit flower vase ipinapakuha nya para ilagay doon sa table sa labas kung saan sila nag-inuman!

"Ano nga yun sayo, ha?" Mas pina taas ko pa ang kilay ko at humalukipkip. Ngayon ko lang namalayan nakahubad pala sya! Lantad na lantad ang buong katawan nya at mukhang kagagaling nya lang maligo dahil medyo basa ang buhok nya.

Napunta ang mga mata ko sa shining shimmering abs nya! Napalunok ako at agad nag angat ng tingin ngunit parang nilubayan ng kaluluwa ko ang katawan ko ng makitang nakatitig sakin si Taiden at naka ngisi! Napansin nya yata ang mga paninitig ko sa pandesal nya! Tumalikod ako at aakmang aalis.

"Delete his number..." diin nyang sinabi. Nilingon ko sya at pinataas ang isa kong kilay.

"Ayoko, at bakit ka ba nangingialam? Cellphone ko yun, kaya karapatan ko kung ano ang gagawin ko dun..." at umalis na agad ng hindi hinintay ang sagot nya.

Akala mo kung sino makapag-utos. Well, amo ko nga siya. Pero hindi na sakop ng kapangyarihan nya na utusan akong e delete ang number ni Keion.

'Gusto mong e delete ko ha, Taiden? '

Luh, asa ka'

Maaga akong nagising kinaumagahan para maghanda sa skwela. Buti na lang at hindi gumising ng maaga si Taiden. Baka ihatid na naman ako no'n! Pero ang totoo kabaliktaran ang gusto ko. Hanggang sa nauwi ako galing sa school ay hindi ko sya nakita. Baka may lakad na naman kasama ang mga kaibigan.

"Ang bilis naman yata ng dalaw ng batang yun. Ilang araw pa ba simula ng umuwi sya? Akala ko magtatagal na yun dito..." sabi ni nay Helen.

Bigla syang nagsalita habang punas punas ang counter island sa kusina.

Nagtaka ako sa sinabi nya. Sino bang tinutukoy nya? Hindi kaya.... si Taiden? Imposible naman yata yun. Ilang araw pa lang ng umuwi sya at andito pa yun kagabi!

"Sino Nay?"

"Si Taiden..." parang may kung anong kumirot sa puso ko kaya kinapa ko ang dibdib ko. Ang weird. Bakit naman kaya umalis ulit siya? Akala ko magtatagal siya dito.

"At siya nga pala iha..." may kinuha si nay Helen sa bulsa niya, isang papel na nakatupi. Kumunot ang noo ko. "Pinabibigay ni Taiden sayo." sabay abot ni nanay sa papel. Binuksan ko ito ay nakita ko doon ang labing isang numero. Cellphone number?

"Mag text ka daw sa kanya pagkatanggap mo nito iha at may sasabihin siya sayo." Ani nay Helen.

Unang una bakit niya ibinigay ang number niya sa akin? Akala niya gusto ko 'tong makuha? At ano naman kaya ang sasabihin ng unggoy na yon?

"Oo sige po." sagot ko.

Agad kong tinipa ang number niya at 'monkey' ang ipinangalan ko doon. Napangisi ako sa ginawa ko. Bahala siya sa buhay nya. Mamaya ko na sya ete -text at baka ma late na 'ko.

Nagmadali akong naglakad papasok sa skwelahan ng makita ako ni Suzie. Kumaway siya sa akin at lumapit na lakad takbo. Napailing ako dahil para talagang bata itong si Suzie.

"Uy may chismis ako sayo."

"Wow ha, lakas talaga ng radar mo." Sabay tawa ko.

"Ako pa ba? Lalo na't tungkol ito kay Taiden." aniya at napabaling ako agad sa kanya na may kuryusidad sa mukha at alam kong napansin iyon ni Suzie kaya nag-iwas agad ako ng tingin na animoy walang pakialam sa chismis na sasabihin niya, pero ang totoo, gustong-gusto ko ng malaman.

"Uy nakita ko yun! Nakita ko ang mukhang yun!" Sabay turo niya sa akin. "The face of curiosity, I saw that Zella! and don't you dare deny it!" I immediately rolled my eyes at bumaling ulit sa kanya.

"Sige na, oo na. Ano ba kasi yun?" Nawala naman ang ngisi niya na ikinataka ko.

"Kasi diba wala si Taiden sa inyo ngayon? Umalis?" I nodded.

"May race siya ngayon sabi ni Dad. Big time daw ang kalaban at magaling sa karera kaso kailangan ng itumba dahil drug lord." Hindi ko alam pero bigla akong nanlamig sa sinabi niya at nag-alala ako kay Taiden. Kaya pala umalis siya dahil may race. Alam ba 'to nila Madam at Sir Darius?

"Saan daw ang race?" Tanong ko at nagkibit balikat siya. Ngayon puno na ng pag-aalala ang loob at isipan ko kaya't hindi ako masyadong nakinig sa klase. Paano kong matalo siya? Susunugin ba siya sa loob kasama ang sasakyan niya? Bigla kong naisip ang number niya. Tama. Para matapos na 'tong pag-aalala ko. Ete text ko siya, sabi naman ni nay Helen na e text ko siya dahil may sasabihin siya.

Kinuha ko agad ang phone ko sa bag at nagtipa ng message.

'Nasaan ka?' Ingat ka.

Nagulat ako sa nai-type ko kaya agad kong binura. Close kayo Zella? Kung makatanong daig pa girlfriend. FYI katulong ka lang. Pangaral ko sa sarili.

'Hi! Si Zella 'to. May sasabihin ka raw?'

Agad ko nai send ang message. Ilang segundo lang ang lumipas at agad may nag reply. Si Taiden.

'Yeah. Take care while I'm not around. I'll be home soon.'

Kumunot ang noo ko sa reply niya pero naghuramentado na ang puso ko. Sobrang lakas ng tibok nito. Ito lang ba ang sasabihin niya? Akala ko kung ano! Pero inaamin 'ko, may kung anong hiwagang humaplos sa puso ko. Nawala na naman ang inis ko sa kanya.

Ang rupok!

'Sige, ikaw din.' Reply ko sa kanya at agad kong ibinalik sa bag ko ang cellphone. Ayoko ng mabasa ang susunod niyang reply, baka mahimatay na ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

~~~~

"GOODLUCK DUDE!" ani Dale sabay tapik niya sa balikat ko. Tumango ako sabay lagok ng inumin sa baso. Nandito kami sa secret underground para sa isang race na gaganapin.

"You know the drill, right?" ani Mozes na katabi ko habang akbay ako.

"Race as fuck and don't die." Sabay sabi nilang lahat. Kumpleto ang mga alipores kong kaibigan para sa karera ko. Ganito naman kami palagi, sinusuportahan ang sino mang may karera.

Si Keion sana ang makikipag karera ngayon laban sa anak ng mayor. Pero pinilit ko syang ako na muna. Kumpleto kami sa ebidensya laban sa gagong yun na isa palang drug lord. Kaya ito sya sa underground at makikipag karera siya sa ayaw at sa gusto niya.

We know that this is illegal, but we're doing this for the society. Ayaw na naming hintaying gobyerno pa ang gumawa ng paraan para dakpin ang mga gagong 'to dahil alam naming kunti na lang sa gobyerno ang mga taong mapagkakatiwalaan.

Before, this is just for fun. Hanggang sa maisip namin bakit hindi namin pasalihin dito ang mga bigtime drug lords sa asya at saang panig man ng mundo. Bukod sa mababawasan sila, eh mae-entertain pa kami.

"Wanna get laid before the race? I can make you an arrangement." Ani Elton sa kabilang gilid ko. Nagngising aso lang ang gago at napailing na lang sabay kuha ko sa phone ko dahil tumunog ito.

Si Zella.

Napangisi ako dahil nag text na siya. Akala ko hindi niya ako ete text. Kaya kanina pa 'ko walang gana makipag karera. Pero ngayon kondisyong kondisyon na 'ko! Agad akong nag reply sa kanya.

'Yeah. Take care while I'm not around. I'll be home soon.'

Ilang segundo ang lumipas at agad siyang nag reply.

'Sige, ikaw din.' aniya

Sobrang laki ng ngisi ko sabay balik ng cellphone ko sa bulsa. Syempre nakita yun ng mga hinayupak kong kaibigan.

"Alright! Alright! Who is it? Dude you're aware that you're smiling like an idiot, right? Sino ba yan?" Sabay kuha ni Dale sa phone ko pero agad kong binigyan siya ng masamang tingin kaya unti-unti niya kinuha ang kamay niya ng nakangisi.

"Fine! But who is that?"

I rolled my eyes. "Curiosity kills the cat." Sabi ko

"I'm not a cat." Aniya

Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Well, I can kill you." Sabay tawa lang ng gago.

"Don't mind him. Be safe." Si Keion, nakahilig sa kotseng gagamitin ko.

"Okay na ba yan?" Tanong ko kay Mozes. He's good in checking the cars and whatnots. Baka ginalaw ng kalaban ang sasakyan ko para matalo ako sa race kaya si Mozes ang nagche-check ng sasakyan namin kada may karera upang makasigurado.

Nag thumbs up siya. "All good, dude." Tumango ako at sumakay na sa sasakyan kong McLaren 570S. Pina andar ko agad ang makina habang bukas pa ang pintuan. Natanaw ko sa kabilang dako ang anak ni mayor na nagngising aso sa akin.

'Smile all you want, fucker. That''ll be your last' sabi ko sa isip ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height