Nanny and the Beast/C5 Kabanata 5
+ Add to Library
Nanny and the Beast/C5 Kabanata 5
+ Add to Library

C5 Kabanata 5

The car is burning with the driver inside. Akala ko papawisan ako dahil balita ko, magaling daw siyang makipag karera. In just 15 minutes, he's defeated. Kulang pa yan sa dami ng kasalanan mo. Hindi lang dahil sa drugs, pati na din sa pang momolestya mo ng mga menor de-edad!

I slid back in my car and drive my way back to my friends with a proud smirked.

I won.

Malayo pa 'ko pero nakikita ko na si Elton, Mozes at Macsen na patalon-talon sa tuwa. Alam ko na yun kong bakit, dahil yun sa naipanalo ko ang karera. Pagka park ko ng sasakyan agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko.

"Damn dude! It was epic!" Ani Elton na siyang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Inakbayan nya 'ko sabay abot ng beer at tinanggap ko yun.

"Paano ba yan? Nanalo na naman tayo. Kailan pa ba tayo matatalo?" Ani Macsen na nagmamayabang. Sino namang gustong magpatalo sa karerang 'to ? Kung kapalit ay kamatayan? Napailing ako.

Lumapit si Keion sakin at at nakipag fist bump. "Are you okay?" tanong niya. I rolled my eyes. Minsan napapaisip ako kong lalaki ba talaga itong si Keion, dahil sa sobrang maalahanin. Sa aming lahat siya itong sobra sobra kong mag-alala. "Yeah, I'm good." Tumango naman siya.

"One down, many more to go!" Sabay isa ng baso ni Mozes. Kailangan na natin silang ubusin ng magka-girlfriend na tayo!” Tumango naman ang lahat. Napailing naman ako.

"What?” ani Mozes habang nakatingin sa akin.

"What, what?" Balik kong tanong sa kanya.

"Ikaw lang ang hindi sumang-ayon. Ayaw mo ng jowa, dude?" Aniya sa kuryosong mukha.

Inirapan ko siya. "May sinabi ba 'kong ayaw ko?"

"Ayun naman pala eh, dapat tumango ka din." Sabay tawa ng gago.

"So, what's the plan? Uwi na tayo? Miss ko na si baby Zella." Si Elton yun. Agad ko siyang pinukol ng masamang tingin.

Tawagin ba namang baby si Zella? Nag init ang mukha ko sa sinabi niya sa sobrang inis.

"What did you just say, fucker? Baby? You called Zella, baby? Is that it?" Nagkatinginan ang lahat habang nakangisi bukod kay Keion na seryoso lang sa gilid.

"Gotcha!" Sabay-sabay nilang sigaw bukod kay Keion.

"What the fuck?" Sabi ko dahil naguguluhan ako. I dont even know why I'm pissed. But I'm pissed hearing someone calling Zella, baby, or any fucking endearment! Iniisip ko pa lang umuusok na ang ilong ko!

"Finally! Kitang kita na namin na may gusto ka kay Zella..." Ani Elton "Nasa america pa tayo alam naming may nararamdaman ka na sa kanya." Nagngising aso naman ang gago.

"Palagi ba namang naka abang sa email? Akala ko kong kaninong email ang hinihintay. Email pala ng Mommy niya dahil may attachment photo ni Zella baby!" sabay hagalpak na tawa ni Dale.

Pinukol ko siya ng masamang tingin.

"Shut the fuck up! And don't call her baby!" nagpupuyos na ako sa galit pero tawa lang ng tawa ang mga gago.

Hindi ko gusto ang babaeng yun. Gusto ko lang syang maikama. Yun lang.

Love isn't in the picture. But I somehow care for here. Siguro kasi napamahal na sila Mommy sa kanya.

Matapos nila akong asarin, nakapag desisyon na kaming umuwi sakay ang isang helicopter na pag-aari ni Keion at siya na din ang piloto nito.

Nasa isang private island ang underground kung saan ginaganap ang race. Sa ibabaw nito ay normal na beach house mansion ang makikita. Hindi mo aakalaing may race track sa ilalim. Hati-hati kaming magkakaibigan sa pagbili ng island na yun. Pati na din ang pagpapatayo namin sa mansyon at lahat ng bagay na naroon. Pantay- pantay ang karapatan namin. Kaming lima mismo ang nagmamay-ari ng organisasyong ito.

Matatawag din namin ang aming mga sarili na drug lord hunters.

Matapos ang isang oras ay narating na namin ang Manila at lumapag sa helipad ng kompanya namin. Doon kasi naka parking ang mga sasakyan namin. Gusto ng mga gunggong na tumambay muna sa bahay kaya wala naman akong magawa dahil mapilit.

I kinda miss her.

~~~

Kakahiga ko pa lang nang biglang may kumatok sa pinto. Kaya bumangon ako at nadatnan ko si Nay Helen.

"Iha, nadisturbo ba kita? Kailangan ko kasi ang tulong mo, kong okay lang."

"Naku okay lang po, kakahiga ko pa lang po. Ano po ba yun nay?"

"Ay naku, si Taiden at mga kaibigan niya nagsidatingan. Akala ko umalis papuntang America, eh biglang umuwi. Ay ewan ko ba." Ani nanay. Hindi na 'ko nagdalawang isip na bumaba upang tulungan si nanay.

Napansin kong silk green cotton sleeping wear ang suot ko. Buti na lang ay hindi ko pa hinubad ang bra ko, dahil wala pa naman talaga akong balak matulog kanina. Pero masyadong manipis ang tela, parang naaasiwa ako, pero bahala na.

Dinig na dinig sa buong kabahayan ang tawanan nila sa may swimming pool area. Kahit nasa kusina na ako at naririnig ko pa din sila. Nagluluto kami ng hapunan. Mabilis naman kaming nakapag luto ni nanay Helen at ako na ang nag presenta na mag handa ng lamesa.

"Iha, ikaw na ang tumawag sa kanila, nang makakain na." Sabi ni nay Helen. Agad akong tumango at pumunta sa swimming pool area.

Nabungaran ko silang nagtatawanan habang papalapit ako. Nang makita ako ni Dale ay agad siyang napasipol kaya napabaling ang lahat sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

"Ahh.. kakain na, pasok na kayo." Sabi ko

"Parang ayokong kumain, na busog ako bigla." At pinukol ni Taiden si Dale ng masamang tingin kaya kumaripas ito ng takbo. Sumunod naman ang iba, bukod kay Taiden na matiim akong tinitignan mula ulo hanggang paa sabay lunok. Mukha siyang galit.

Ano na naman kayang problema ng isang 'to?

Lumapit siya sa akin at tinuro niya pataas baba ang suot ko, kaya napatingin ako sa sarili ko. Ano namang problema sa suot ko? Na buang na naman ang unggoy.

"What the fuck are you wearing?!" Madiin niyang pagkasabi sa akin.

"Damit pantulog? Ano ba sa tingin mo? Two piece?" Pamimilosopo kong sagot.

Mas lalong nagdilim ang titig niya sa akin. At napahawak sa batok niya, sabay hinga nya ng malalim.

"I know. Pero bakit hindi ka nagpalit?" Ngayon kalmado na ang tono niya. May sa pagka siraulo nga ang unggoy na 'to. Hindi ko maintindihan!

Tumawa ako na puno ng sarkasmo at nameywang.

"Kailangan ko pa bang mag-ayos? Eh nagmamadali kami na ipaghanda kayo ng hapunan? Sa tingin mo maiisip ko pang magpalit? At ano namang masama sa suot ko ha? Hindi naman masagwang tingnan." Sabay irap ko sa kanya.

Yumuko siya at napahawak sa labi niya. Bago pa magtaas ng tingin.

"Do not wear something like that in front of my friends. Do you understand me?"

Napanganga lang ako sa sinabi niya at agad akong iniwan. Ano ba kasing problema sa pantulog ko? Bawal ba makipagharap sa bisita na ganito ang suot?

Agad akong sumunod papuntang kusina. Pero nasalubong ko si nay Helen.

"Iha, matulog ka na. Ako ng bahala sa kanila. May pasok ka pa bukas."

"Naku, tulungan na kita nay, ang dami mong huhugasan." Umiling si nanay at alam kong hindi ito magpapatalo.

"Wag na, sige na, magpahinga ka na. Nandun naman ang ibang katulong." Hindi na ako nakipagtalo pa at agad ng umakyat sa taas.

Pasalampak akong humiga sa kama at hinubad ko ang aking bra. Plano ko na sanang matulog pero biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Taiden.

'Are you sleeping now? Can we talk?'

Ano na naman kayang sermon ang sasabihin ng unggoy na 'to. Talk-tokin mo mukha mo. Sabay tapon ko ng cellphone ko sa may ulohan ko.

Naiinis na naman ako sa kanya, imbis okay na ako kaninang ka text ko siya. Mas masahol pa sa may regla ang mood niya. Pa iba-iba!

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang inis ng makarinig ako ng mahinang katok. Hinanap ko muna ang cellphone at tiningnan ang oras. 3 AM?! Sino namang kakatok ng ganitong oras? Baka si Madam, may kailangan. Kaya nagmadali akong bumangon.

Nawala yata ang antok ko ng mabuksan ko ang pinto. Si Taiden, nakahilig sa pinto at namumungay ang mga mata. Lasing ba siya?

"Anong kailangan mo? Siguro alam mo kong anong oras-."

"I'm sorry..." sabi niya ng di pa ako natatapos magsalita.

Totoo ba talaga 'tong narinig ko? Nagso-sorry siya? Pero para saan? Sa pang-iinis?

"For what?"

"I don't know." At nag iwas siya ng tingin at muntikan pang matumba.

"Maypa sorry-sorry ka pang nalalaman, ni hindi mo alam kong para saan? Buang you?" Kasalanan talaga 'to ni Anjo. Taga Cebu kasi yun kaya minsan nag bibisaya. Ito, natutunan ko naman.

"Maybe, for everything that had happened earlier. I don't know. I'm just feeling... sorry." Sobrang lungkot ng mukha niya.

Hindi naman big deal sa akin ang mga inasal niya kanina. Pero humihingi ng tawad eh, di patawarin. Ayoko din namang magtanim ng sama ng loob.

"Apology accepted..." sabay ngisi ko "Alis na." Nalukot bigla ang mukha niya matapos ko siyang paalisin. Ano ba dapat ang sabihin ko? Shoo?

"Pina paalis mo na ako agad?" Tonog pagka gulat iyon pero namumungay pa rin ang mga mata. Nasa pintuan pa din siya, nakahilig.

"Bakit? May sasabihin ka pa ba?" Ilang segundo siyang hindi umimik at nakatitig lang sa akin. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa ginagawa niya, kaya tinanong ko siya ulit.

"Ano? Bilis na. Matutulog na 'ko ulit, may pasok pa 'ko bukas." Ngunit imbis na sagutin ako, bigla niya akong hinigit papunta sa kanya at hinalikan sa labi.

Hindi ako nakagalaw at unti-unting napapikit ako sa halik niya. Amoy alak siya, pero mas nangingibabaw ang boltahe ng kuryenteng unti-unting dumadaloy sa katawan ko.

His tongue wanted an entrance, and I immediately welcomed it. We're now kissing torridly and my mind went blank.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height