Nanny and the Beast/C6 Kabanata 6
+ Add to Library
Nanny and the Beast/C6 Kabanata 6
+ Add to Library

C6 Kabanata 6

Tinitigan ko ang hotdog, pinaikot ikot at tinusok-tusok. Ewan ko ba, kung wala akong gana o masakit ba ang tiyan ko. Parang may kung ano sa tiyan ko habang iniisip ang nangyari kagabi.

"May problema ba, iha?" Napukaw ako sa paninitig ko sa hotdog ng magsalita si nay Helen. Nagpakurap kurap ako at tumikhim sabay inom ng tubig.

"Uh.. kasi... hindi ako makatulog ng maayos kagabi nay." Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman pweding ibahagi sa kanya ang halikan namin ni Taiden. Baka ano pang isipin ni nay Helen. At malaki ang utang na loob ko sa kanila ni Madam. Baka akalain nilang wala akong utang na loob, at pati anak nila aakitin ko pa.

Pero hindi naman ako nangaakit ah? Siya ang humalik sakin. Hindi 'ko lang siya naitulak agad. Bakit nga ba hindi 'ko siya naitulak agad? At hinayaan ko pang mas magtagal ang mga labi namin sa isat-isa na animoy nag-e-sparring.

"Bakit naman hindi ka nakatulog ng maayos? Napagod ka ba kagabi iha? Pagpasensyahan mo na 'ko kung ganun."

Umiling ako. "Naku hindi po yun nay. Uh... andaming lamok kasi...at yun.. kinagat ako." Napayuko ako at pumikit ng mariin dahil naalala ko ang pagkagat ni Taiden sa labi ko kagabi. Double meaning yata ang nasabi ko.

"Lamok? Nakabukas ba ang bintana mo kagabi? Kaya ka nakagat?" Tanong ulit ni Nanay. Ngayon, nahihirapan na akong mag-isip ng alibay. Ni minsan hindi ako nakagat ng lamok sa loob ng bahay na 'to.

Bakit ba yun ang naisipan kong ipang alibay?

Sasagot na sana ako ng pumasok sa kusina si Taiden, at agad niyang nahanap ang mga mata ko. Nag-iwas agad ako ng tingin at pinatuloy ang pagkain. May kung ano sa mga titig nya ngayon at hindi ko alam kung ano yun. Hindi rin ako makatagal.

"Hijo, magandang umaga." Giliw na sabi ni nanay.

"Magandang umaga." Sa walang ganang boses.

"Anong gusto mo iho?" Ani nay Helen.

"Kahit ano lang po.." aniya at hindi pa tin ako nag-angat ng tingin at umupo siya sa harapan ko. Medyo mahaba ang lamesa kay mas okay sa akin ang pwesto niya ngayon.

"Oh siya sige, sandali lang ipaghahain kita." At agad umalis si nanay. Tahimik akong kumakain pero binibilisan ko naman kahit pinupuno ko na ang bibig ko sa pagkain. Gusto ko ng matapos agad ng makaalis na. Hindi ako kumportable na nasa iisang lugar kami.

"Are you that hungry?" Aniya kaya napaangat ako ng tingin. Natawa agad siya ng makita ang mukha kong namimilog ang pisngi dahil sa pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Kaya agad akong uminom ng tubig at inirapan siya.

"Ito na iho. May iba ka pang gusto?

"Nothing, this is fine. Thanks."

" At ikaw Zella, ako ng bahala sa kwarto mo. Magpapa spray ako ng para sa lamok, para makatulog ka ng maayos mamaya."

Nag-angat ako ng tingin at tumango kay nanay.

"May lamok sa kwarto mo?" Kuryosong tanong ni Taiden sakin.

Oh god. Saan ba aabot ang usapang ito.

"Ay naku oo daw, at kinagat siya kagabi kaya hindi nakatulog ng maayos." Para akong lumulutang sa hiya, na hindi ko alam kung bakit naman ako mahihiya. Natatakot akong ma gets ni Taiden si Nanay. Hindi naman siguro.

"Did the mosquito bit you real good?" Si Taiden na naka plaster na ang ngisi sa mukha. Sigurado akong nakuha niya ang sinabi ni nanay.

Hindi ko pinahalatang nahihiya ako kaya inirapan ko siya.

"Oo, kinagat ako ng lamok. Sa susunod na kagatin pa niya 'ko papatayin ko na siya." giit ko

He chuckled before he drank the water. He looked amazed or ako lang 'tong nag-iimagine ng kung ano sa mukha niya?

"You can't kill that mosquito easily. Before you knew it. He's already sucking you." Sabay kindat niya. Pinandilatan ko siya ng mata pero tumawa lang siya. "Your blood i mean, chill." Dugtong niya.

Mas lalo lang akong nainis dahil sa pangisi-ngisi niya. Halatang iniinis na naman ako. Pero hindi ako magpapatalo.

"Babantayan ko na siya sa susunod. Bago pa siya makalapat sa balat ko, sisiguraduhin kong malayo pa lang siya papatayin ko na siya." Iritado kong sinabi.

"Let's see that." Aniya sabay tayo ko.

"Kay simpleng bagay. Isang lamok, pero nagawa niyong mapag-usapan." Si Madam. Bigla akong kinabahan dahil sa pagsulpot niyang bigla.

Narinig kaya ni Madam lahat? Baka akalain niyang hindi ko nirerespeto ang anak niya. Dahil sa pag-uusap namin, ni hindi ko siya tinawag na Sir.

"Magandang umaga, Madam." Bati ko at agad siyang ngumisi.

"Magandang umaga sa inyong dalawa." Sabay baling niya sa akin at kay Taiden. "Nasisiyahan akong makitang nag-uusap kayo." Ani Madam. Dahil doon, ngumisi pa ng nakakaloko si Taiden.

Bakit naman masisiyahan si Madam? E, isang hamak na katulong lang naman ako. Maintindihan ko pa nga kung nagalit si Madam dahil hindi ko man lang tinawag na sir ang anak niya.

Walang gana akong naglakad papasok ng skwelahan. Hindi mawala sa isip ko ang halikan namin ni Taiden. Ganito ba talaga ang epekto ng halik? Ayaw patulugin ang sistema ko!

"Uy! Ang lalim naman ng iniisip mo, kanina pa kita tinatawag." si Suzie.

"Uh... hindi kita narinig." At bumuntong hininga ako.

"May problema ka ba? Makakatulong ba 'ko?" Boses pag-aalala niya. Okay lang kayang sabihin ko sa kanya ang nangyari kagabi? Total, kaibigan ko naman siya. Bumaling ako sa kanya.

"Ano?" si Suzie na naghihintay ng sagot.

"Uh... naranasan mo na bang mahalikan?" Diretso kong tanong. Agad nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

"Nahalikan ka? Sino? Kailan? Saan? Oo naman! Kagabi lang." kilig na kilig niyang sinabi. Ako naman ngayon ang napanganga.

"Talaga? Sinong nakahalikan mo?"

"Isa sa mga kaibigan ni Taiden." Ngumisi siya at nagtaas ng kilay "Ikaw? Sinong nakahalikan mo?" Kuryoso niyang tanong.

Nagpakurap kurap ako at nahihiyang sabihin sa kanya.

"S-si Taiden." Sa mahinang boses na medyo pabulong na. Napasinghap si Suzie at nagpakurap kurap sabay tili. Ngayon, naagaw na namin ang atensyon ng ibang estudyante.

"Oh my gosh. Oh. My. Gosh!" Exaggerated niyang sabi at pinaypay ang sarili, animoy aatakihin sa puso.

"Hinaan mo boses mo, Suzie. Nakakahiya." Giit ko

"I'm sorry girl, pero gosh! Sino ang hindi kikiligin. Ang gwapo gwapo ni Taiden tapos nahalikan mo? I mean, lahat sila gwapo pero iba pa rin ang awra ni Taiden. Nakaka intimidate na sobrang sexy!" Tumili siya ulit.

Hinatak ko siya papuntang cr dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at naiihi din kasi ako. Pagkapasok namin, agad na namang nagtanong ulit si Suzie.

"Anong naramdaman mo? Masarap di ba? Para kang naglalakad sa ulap habang nakapikit." Papikit pikit niyang sabi. Napailing na lang ako.

"Uh...medyo."

"Anong medyo? Masarap kaya ang halik. Mamaya nga e magkikita kami ulit. Sigurado akong maghahalikan na naman kami." Humagikgik ng tawa si Suzie.

Papasok na sana ako sa isa sa mga cubicle ng paglingon ko ay nakatayo na doon si Sofiya at ang mga kaibigan niya. Nagtawan sila kahit wala namang nakakatawa.

"Narinig nyo yun? Ang muchacha natin, nahalikan na!" Sabay tawa ulit nila. "Let me guess, hmm si Anjo yan no? Yung hardinero naming payatot at naluwa ang mata." Tumawa sila ulit.

"Hindi si Anjo!" sikmat ni Suzie.

Pinigilan ko si Suzie at baka madulas siya at masabi pa niya na si Taiden ang nakahalikan ko. Sigurado akong hindi sila maniniwala at mas lalo lang akong tutuksuhin nila.

"Sino pa bang may gustong humalik sa isang katulong? Edi kapwa niya ding alila sa bahay." Panunuya niyang sabi.

"Tama na Sofiya." Sabi ko, dahil nagsisimula ng masaktan sa pangmamaliit niya sa akin.

"Bakit? Totoo naman diba? Na ang mga katulad mong yaya ay nababagay sa mga kagaya ni Anjo'ng isang hardinero." Mas lalo pang nagsitawanan silang lahat.

Siguro nga tama siya. Ang mga katulad ko ay nababagay lang sa mga lalaking ka estado ko sa buhay. Yun naman talaga ang totoo. Ayokong mag ilusyon na may gusto sakin si Taiden dahil lang sa hinalikan niya 'ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height