Nanny and the Beast/C7 Kabanata 7
+ Add to Library
Nanny and the Beast/C7 Kabanata 7
+ Add to Library

C7 Kabanata 7

Kakauwi ko lang galing school umiikot pa din sa utak ko ang mga pangmamaliit sa akin ni Sofiya. Kahit totoo ang mga sinabi niya ay nasasaktan pa din ako. Marangal na trabaho naman 'to, ah. Siguro nga hindi nila ma-appreciate kasi pinalaki silang mayaman.

Agad akong nagbihis ng damit pang bahay at bumaba para makatulong na sa kusina. Nadatnan ko si Madam habang pababa ako, may kausap ito.

Kumunot ang noo ko ng makitang si Sofiya ito. Ano namang ginagawa niya dito?

"Hi Zella!" Bati niya sabay ngisi ng malaki. Ang plastic. Akala mo naman hindi ako inalipusta kanina sa school.

Ngumiti lang ako ng kunti. Ayokong makipag plastikan.

"Oh hija, magkaklase pala kayo nitong inaanak ko?" Sabi ni Madam.

Inaanak niya ang babaeng 'to? Hindi ko alam. Malapit lang ang mansyon nila madam kila Sofiya. Kung gayung inaanak siya, bakit ngayon ko lang nakitang napadpad 'to dito?

"Opo Madam." sagot ko. Tatalikod na sana ako nang magsalita si Sofiya.

"Ninang, isama n'yo rin po si Zella sa party. Iniimbitahan ko siya." Aniya kay Madam.

"Ganun ba? Oh sige. Magsasabay kami nila Taiden at Darius." Sagot ni Madam

Bakit naman gusto akong imbitahin sa party ng Sofiya'ng 'yon? Hindi naman kami friends. At isa pa, naiinis siya sa akin dahil palagi ko siyang nalalamangan sa school. Masama ang kutob ko. Pero kahit tumanggi na ako kay Madam, ayaw tanggapin.

Biyernes ngayon at sa Linggo raw gaganapin ang party. Birthday naman pala ni Sofiya.

"Nay sige na, mag-isip ka ng paraan para hindi ako makasama sa party na 'yon." Paawa kong paghingi ng tulong kay Nay Helen. Ayoko talagang pumunta sa party. Hindi ako nababagay doon.

"Paano nga? Alangan namang ipalinis ko bigla sayo ang buong mansyon sa Linggo, e, magtataka si Madam no'n." Sagot ni Nay Helen habang nagkakape.

Nangalumbaba ako at nag-isip kung anong pweding maging alibay ko kay madam.

"Kailangan kong magkasakit." Sabi ko ng nakangisi. Siguradong hindi ako pipilitin ni Madam kapag nalaman n'yang may sakit ako. Pero paano?

"Diyos kong bata ka. Ganun mo ba ka ayaw pumunta sa party na 'yon, at gugustuhin mong magkasakit?" Hindi makapaniwalang sabi ni Nanay.

Kung ibang party lang yun ay hindi ako magdadalawang isip. Pero kay Sofiya 'yong party. Kilala ko 'yon. May balak na naman sigurong mamahiya sa akin kaya, ayokong pumunta.

Nag research agad ako sa internet ng mga pweding gawin para magkasakit. Gusto ko 'yong medyo mild lang like, lagnat. Iyong short-lived na sakit lang.

Oras ang lumipas pero wala akong mahanap. Puro 'How to avoid' lahat ng lumalabas. Sino ba namang kasing tao ang maghahanap kung paano magkasakit? Oo ako lang.

Nadako ang paningin ko sa isang website na 'quora' at binasa ko ang nakasulat doon.

'I would say this is myth. It is just possible that "local" application in the axillae (armpits) of juice from onions/garlic might cause "local" inflammation, and subsequent use of a thermometer at that same site (after removal of the onion) MAY record slightly higher skin temperature. This is only speculation.'

Hmm, ito na 'yon!

Nasa gitna ako ng pagdidilig ng halaman sa garden ni Madam ng may biglang maamoy akong sobrang sakit sa ilong. Mabango ito, pero sa sobrang dami yata ng nilagay ay masakit na sa ilong. Kaninong perfume ba 'yon?

Sinundan ko ang amoy kung saan nanggagaling. Dinala ako nito sa mga mayabong na parte ng mga bulaklak ni Madam. Kumunot ang noo ko. Bakit dito nanggagaling ang amoy?

Inamoy amoy ko ang paligid ng mayabong mga dahon nito ng may biglang lumabas doon. Sa sobrang gulat ko ay naitutok ko sa kanya ang hawak kong hose ng tubig na hindi ko pala pinatay, kaya nabasa siya.

Sa mukha pa naman din sumakto ang tutok ko sa hose kaya napapipikit na lang siya at naestatwa.

"Anjo?! Anong ginagawa mo riyan?!" Basang-basa siya at naka polo shirt pa naman siyang terno din sa pants niya animoy mantel ng mesa.

Napatingin siya sa sarili na basang-basa. Kaagad akong nakonsensya sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi sinasadya. Pati ang tatlong rosas na dala n'ya ay basa. Habang sa kaliwang kamay ay ang isang pack ng What Ta Tops.

Lumapit ako sa kanya at pinagpag ang damit n'ya kahit alam kong wala itong magagawa para matuyo siya.

"Nagulat ba kita, beyb?" Aniya at sinamaan ko siyang tingin.

"Ang lakas ng amoy mo! Kaya napunta ako dito. Niligo mo ba sa sarili mo ang pabango?" Tanong ko at agad nagsisi sa sinabi dahil nalungkot ang mukha niya.

"Sabi kasi ni Sofiya gusto mo sa isang lalaki ay 'yung mabangong mabango, kaya dinamihan ko ng spray." Lungkot niyang sinabi.

Ang babaeng 'yon.

"H'wag kang magpapaniwala sa mga sinasabi ng amo mong 'yun. Tara pasok ka sa loob magpalit ka ng damit." Tumango siya at ibinigay niya sa akin ang rosas na dala n'ya at tsokolate.

Naiinis na talaga ako kay Sofiya. Ang walang ka alam alam na si Anjo ay inuuto niya.

Umakyat ako sa taas at kumuha ng t-shirt. Payat naman si Anjo kaya kahit ano ay kakasya sa kanya. Sa sobrang payat n'ya, parang matatangay na siya ng hangin kung bagyo.

Nagpalit siya agad sa harapan ko. Malapit lang naman ang sa kanila, kaya damit lang ang ipinahiram ko. Wala namang malisya sa akin ang paghuhubad n'ya ng polo. Napatingin ako sa katawan n'ya. Kitang kita talaga ang mga ribs niya.

"Beyb naman, alam kung katakam-takam ang katawan ko pero nakakabastos ang paninitig mo." Pabiro niyang sabi at napatawa ako doon.

"Ang taas ng confidence level mo, Anjo." Sabi ko

"G-Gusto mo bang hawakan?" Aniya at nagtaka ako sa tanong n'ya. Ano bang ibig n'yang sabihin?

"Ang alin?" Naguguluhan kung tanong.

"Ito...” Sabay turo n'ya sa katawan n'ya.

Humalakhak na ako ng malakas dahil sa sinabi n'ya at umiling.

"Hindi no! Ang kapal mo ha."

"Sige na, okay lang sa akin. Basta saglit lang ha?" Sabay kuha n'ya sa kamay ko at iginaya papunta sa katawan n'ya at nahawakan ko nga ng saglit ang sa may dakong tiyan n'ya. Nagulat kasi ako dahil kinuha n'ya lang bigla ang kamay ko.

"Anong ginagawa 'nyo?" Isang baritonong boses ang nagsalita kung saan. Napabaling ako sa likuran at nakitang si Taiden iyon at madilim ang nga titig n'ya sa mga kamay kong nakahawak pa sa tiyan ni Anjo.

"Uh... beyb mauna na ako. Isasauli ko na lang ang damit mo bukas." Sabay karipas ng alis ng Anjo ng walang lingon-lingon.

Nang mawala na sa paningin ko si Anjo ay balak ko na din sanang umalis dahil ayokong makipag-usap sa kanya. Mukha siyang wala sa mood.

"Dito ka pa talaga nakikipaglandian sa bahay ko? At sa isang bansot pa?" Aniya sa isang nakakapang insultong tono.

Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niyang 'nakikipaglandian' dahil hindi naman totoo iyon! At bansot? Akala ko pa naman hindi siya gano'ng klasing tao.

Tinitigan ko siya ng masama. Alam ko kung saan ako lulugar, dahil katulong lang ako. Pero hindi 'ko mapapalampas ang mga sinabi n'ya.

"Mawalang galang na ha, pero hindi ako nakikipaglandian sa 'bahay mo' at wala karapatang pagsalitan si Anjo ng ganyan. Wala siyang ginagawang masama." Diretsa kong sabi.

Mas lalong nagdilim ang mukha niya at bahagyang ngumisi.

"Hindi nakikipaglandian? Pero ang kamay nasa katawan ng bansot na 'yon?!" Nagulat ako dahil medyo tumaas ang boses niya.

"Teka nga lang muna. Anong problema mo kung hinawakan ko ang katawan n'ya ha? Pasensya na ha, kung dito kami naglandian sa 'bahay mo'. At wag mong tawaging bansot 'yong tao dahil Anjo ang pangalan n'ya." Sabi ko ng hindi siya nilulubayan ng titig.

Umigting ang panga n'ya sa sinabi ko at huminga siya ng malalim. Mukha na nga siyang galit. Masisisante pa yata ako sa ginawa kong pagsagot sagot sa kanya. Hindi pwedi iyon. Malapit na akong makapagtapos. Hindi ko alam saan ako pupulutin kong papalayasin ako ni Madam.

"The hell I care with his name. The point is... nakikipaglandian ka." Aniya sa medyo kalmado ng boses pero matiim pa rin ang titig n'ya sa akin.

Pakikipaglandian na ba 'yon? Base sa kaalaman ko hindi gano'n ang ginagawa ng lumalandi.

"E, ano ngayon kong makipaglandian ako? Hayaan mo, sa susunod doon na kami sa labas." Naiirita kong sabi. Padabog akong tumalikod. Bahala na. Magpapaliwanag na lang ako kay Madam kung ipatawag n'ya man ako at baka magsumbong ang unggoy.

"Kahit saan hindi ka pwedeng lumandi." Sabi n'ya at napatigil ako sa paglalakad.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height