Nanny and the Beast/C9 Kabanata 9
+ Add to Library
Nanny and the Beast/C9 Kabanata 9
+ Add to Library

C9 Kabanata 9

Hawak hawak niya ako sa beywang at nando'n lahat ng atensyon ko. Paminsan-minsan niya itong pinipisil kaya napapabaling ako sa gilid at pumipikit ng bahagya. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin, kahit madalas kaming hindi magkasundo?

Inaatake naman ang ilong ko ng mamahalin niyang pabango. It's intoxicating and very manly. Wala sa sarili kong inalis ang kamay niya ng papasok na kami sa isang bulwagan sa mansyon nila Sofiya.

Hindi ko na tiningnan kong anong magiging reaksyon niya sa pagtanggal ko sa kamay niya dahil natigilan siya ginawa ko. Sigurado akong hindi na naman kaaya-aya ang mukha ng unggoy na 'yon.

Bumungad sa amin ang napakalaking chandelier sa gitna. May mga bilog at malalaking mesa at may tao na bawat isa no'n. Nagsusumigaw ng karangyaan ang paligid. Bawat damit ng mga tao ay makikilala mo'ng mamahalin ito.

Nakita ko sa gawing kaliwa ang mesa na may nakalagay na "Hernandez' at doon nga kami dumiretso. Ang mesa ay may anim na upuan, kaya pinili ko ang katapat ng inupuan ni Madam. Para magkatabi silang tatlo ni Taiden at Sir Darius. Ayokong tumabi sa kanila at baka ano pa ang isipin ng mga taong nakakakilala sa akin. Lalong lalo na si Sofiya.

Kumunot ang noo ni Madam dahil sa ginawa ko. Mali ba ang ginawa ko?

"Bakit ka and'yan? Dito ka sa tabi ni Taiden." utos ng madam at ngumisi doon si Taiden.

Madam, kaya nga ako dumidistansya d'yan sa anak n'yo dahil bukod sa naiinis ako. Hindi din kami magkasundo. Sabi ko sa isip ko at hindi na isinatinig.

Wala akong nagawa kundi ang tumayo at lumipat sa tabi ng unggoy na pangisi-ngisi lang sa tabi. He leaned closer and whispered something. I immediately went frozen when I felt his breath in my neck.

"Told you earlier to sit beside me, didn't I?" aniya at umirap lang ako. Wala akong masabi. Masyado akong nabibingi sa pintig ng puso ko dahil sa ginawa niyang pagbulong sa akin. Ayoko talagang magkalapit kami.

Nagsimula na ang programa sabay sa pagbati ng lahat kay Sofiya. Siyempre andito din ang mga kaibigan niya. Kung sana andito lang si Suzie ay hindi ako mababagot.

Matapos mai-serve and last meal course ay nagsimula na ang pagtugtog ng musika. Bawat isa'y may dalang kapares sa dancefloor. Nakita kong napunta sa table namin ang paningin ni Sofiya. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang backless silk dress na hapit na hapit sa katawan niya. Maganda nga si Sofiya, inaamin ko. Pangit nga lang ng ugali.

"Happy Birthday, hija." bati ng Madam sabay halik sa pisngi niya at napunta sa akin ang tingin niya. Hinagod niya 'ko ng tingin at inikotan ng mga mata.

"Thank you, Ninang, Tito." aniya sabay dako niya ng tingin kay Taiden na nakatitig lang sa kanya at walang emosyon sa mukha. Siguro ay nalula sa ganda ba naman ni Sofiya.

Kumunot ang noo ni Madam ng makitang hindi pa bumabati si Taiden dito.

"Hindi ka ba babati kay Sofiya, Taiden?" anas ng madam

Inilahad niya ang kamay niya na animoy makikipag hand shake at nagulat ang mukha ni Sofiya doon pero agad niyang pinalitan ng matamis na ngisi ang gulat at sabay niyakap si Taiden at halik sa pisngi.

"Thank you." ani Sofiya. Hindi ko naman narinig na nagsalita si Taiden, ah.

Napahalakhak doon ang madam.

"Kayo talagang mga bata kayo, para kayong may mga sariling mundo. Ang ganda n'yong tingnan." giit ng madam

Bahagyang kumirot ang puso ko sa sinabi ni Madam sa sinabi niya. Ang ganda nga'ng tingnan ni Taiden at Sofiya. Bagay na bagay. Puro mayayaman.

Tumingin siya sa akin. Wala akong choice kundi batiin din siya.

"Happy Birthday." tipid kong sabi pero hindi ko inaasahang yayakap siya sa akin.

"Mukha ka pa ding basura kahit maganda ang damit mo. Wag kang feeling." bulong niya bago kumawala sa akin ng yakap.

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Kahit pala anong ganda ng damit mo kung ang tingin sayo ng tao ay basura ka. Basura ka talaga. Hindi kayang baguhin ng damit ang katayuan sa buhay.

Agad akong nagsisi sa pagpunta sa party. Gusto ko lang namang maranasan ang makasuot ng ganito ka eleganteng damit.

"Taiden, let's dance?" aya ni Sofiya.

"No thanks. I'm good." sagot niya agad.

Nalukot ang mukha ni Sofiya.

"Taiden, it's her birthday. Pagbigyan mo na." si Sir Darius iyon.

"I said, I'm good. Ayokong makipagsayaw." iritado na ngayon ang boses niya.

"Son, please..." si Madam at nagpakawala ng buntong hininga si Taiden sabay tayo at higit sa kamay ni Sofiya papuntang dancefloor.

Humawak si Taiden sa beywang ni Sofiya at ang kamay naman ni Sofiya ay napunta sa leeg niya na nakakapit. Sobrang lapit ng katawan nila.

Hindi ko nagustohan ang nakikita ko at

hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako ng ganito. Wala naman akong pakialam kahit sino pa ang isayaw o kasama ni Taiden. Pero bakit ganito? Bakit....masakit.

Yumuko ako at napainom sa wine na nasa harapan ko. Iginiya ko sa ibang dako ang mga mata ngunit bumabalik pa rin kela Taiden ang paningin ko.

Nahanap ng mga mata niya ang paningin ko. Nag-iwas agad ako ng tingin. Ilang sandali pa ay bumalik ulit sa kanila ang titig ko at nakitang nakatingin pa rin sa akin si Taiden.

Bakit ba siya tumititig sa akin ng ganyan? Ayoko sa mga titig niya. Nag-iiba ang pakiramdam ko. At ayoko 'yon.

"Aww, look at them,Darius. Bagay na bagay sila ni Sofiya." si Madam iyon.

Sumang-ayon naman si sir Darius sa sinabi ng Madam.

"Ano sa tingin mo, Zella? Bagay ba sila?" nangapa agad ako ng isasagot kay Madam. Hindi ko naman inaasahang tatanungin niya ako. Paki ko ba sa kanilang dalawa?

"Uh...opo Madam. Bagay na...bagay." mapait kong sinabi at huminga ng malalim. Bakit bumigat ang kalooban ko ng sinabi ko 'yon? Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako ganito? Ayoko nito!

Naupo ulit si Taiden sa tabi ko matapos nilang magsayaw ni Sofiya. Ang matandang mag-asawa naman ang tumayo at nagsayaw.

Biglang kinuha ni Taiden ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko. Pinisil-pisil niya ito. Binawi ko ito pero mahigpit niya itong hinawakan.

"Bitawan mo ang kamay ko." sabi ko.

"Stay still, please...Zella." nabitin yata ang paghinga ko ng banggitin niya ang pangalan ko. May kung ano sa boses niya na nagpapakalma sa kalooban kung kanina pa naiinis.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Bakit mo ba nilalaro ang kamay ko? May kamay ka naman. Bakit hindi na lang yan ang paglarua-."

"I'm sorry...nakipagsayaw ako sa kanya. Si Mommy kasi... hindi ko mahindian." He cut me off. Bakit siya nagso-sorry? Okay lang naman sa akin ang pagsasayaw nila ah! Oo, naiinis ako pero mamamatay muna siya bago ko 'yon aminin.

"Bakit ka nagpapaliwanag?" tanong ko.

Bumaling siya sa akin at binigyan ako ng isang malumanay na tingin. Na para bang mababasag ako kapag diniinan niya ako ng titig.

"Because you look upset. I don't like it." he said in his deep cold voice.

Parang nag hyperventilate ang paghinga ko. Nagpa-panic ang kalooban ko at nagkakarera na ang puso ko sa lakas ng tibok nito, para akong mabibingi.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa 'twing malapit siya sa akin? Sa t'wing kinakausap niya ako. Mas lalo na kapag hinahawakan niya ang alin mang parte ng katawan ko. Hindi pa nakatulong ang mga sinasabi niya sa akin ngayon.

Kahit pa ganito, ayoko pa ring mag assume. Base sa sinabi ni Madam, parang gusto niya si Sofiya para kay Taiden. Ayokong bigyang pansin ang kung ano man itong gumugulo sa puso ko. Ayokong umasa at... masaktan.

Dahil alam kong hindi ako nababagay sa mundong ginagalawan niya.

"Are you okay? Mainit ka." aniya at napunta ang kamay niya sa noo ko. Bakit naman hindi naman ako magiging okay. Ayos lang naman ang pakikiramdam ko.

"Umuwi na tayo. May lagnat ka." hindi pa man ako nakakasagot ay hinigit na niya ako palabas ng bulwagan.

Lagnat? Paano naman ako lalagnatin e okay lang naman ako, ah. Biglang sumagi sa isip ko ang bawang. Ngayon pa lumabas ang epekto!

Napapikit ako ng maalala ang ginawa kong paglalagay ng bawang sa aking kili-kili.

"Taiden? Saan kayo pupunta?" si Sofiya iyon na nakasunod pala sa amin.

"She's hot. I'm gonna take her home."

sagot niya kay Sofiya.

Bakit parang double meaning ang pagkakaintindi ko sinabi niya?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height