C15 EYES
Mag-iisang oras na ata akong nakababad sa aking paliguan para lamang masiguro na wala na sa aking pakiramdam ang nakakadiring suka ni Mino. Sa pang-apat na pagkakataon ay muli akong kumuha ng katas ng bulaklak na mabango at mabula tsaka ko ito muling pinahid sa aking leeg at likuran. Hanggang ngayon ay nandidiri pa rin ako at tila ba nararamdaman ko pa din ito sa aking katawan