C23 FALLEN KINGDOM
"Kamusta ang kagatan?", nakapanlolokong bati sa amin ni Tiyo pagbaba ko pa lamang sa hagdan habang nasa likod ko lamang si Mino. Agad kong tinapunan ng nanlilisik na titig si Tiyo na siya naman sinuklian niya ng pagngisi. "What? Nahihiya ka pa ba Vreihya?", panloloko nito sa akin at agad niyang nasalo ang isang malaking tinik ng halaman na siyang aking ibinato sa kaniya
