C47 GUNS
Vreihya' P.O.V
"Weak!" malamig na saad sa akin ni Mino habang nakaamba na muli ang kaniyang punyal. Hawak ko ang aking balikat na siyang nasugatan habang ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa aking tagiliran. Iilang sugat na ang aking natamo dahil sa kaniyang pag-atake.
Kanina pa niya ako inaatake ngunit panay pag-iwas lamang ang aking ginagawa
