C49 DROWN
Vreihya's P.O.V
Hiyang-hiya ako ngayon na humarap at magpakita kay Mino na alam kong nasa likuran ko lang. Tila gusto ko na lamang bumuka ang lupa at magpakain nang buo. Buong akala ko kanina ay isa lamang siya sa mga ilusyon ng diwata.
Hindi ko alam pero parang gusto ko na lamang maglupasay at mamato ng kung ano-ano habang tila nag-iinit nang husto ang aking pisngi
