C75 WOUNDS
Third Person's P.O.V
Agad na tinawag ni Mino si Alonzo upang makiusap dito na tulungan siyang mailipat si Vreihya. Hindi niya basta-basta mabubuhat ang kaawa-awang binibini dahil sa malalim na mga kalmot sa likuran nito na patuloy na nagdurugo.
Mas pinili nilang dumaan sa veranda ng silid ni Mino upang maiwasan na makakuha ng atensyon lalong higit na ng reyna