C8 Chapter 7
Pilit kong kinukuskos ng yelo ang gilid ng leeg ko habang busangot na nakatitig sa aking repleksyon sa salamin. Nang makitang wala pa rin nagbabago ay inis kong ibinalik ang yelo sa mangkok.
"Bakit ayaw mong mawala!" asik ko, iritado sa itsura ng leeg.
Kinamot ko ang ulo at padabog na hinablot ang cellphone. Gritting my teeth, I searched for his number and typed a message.
Me:
Why did you leave a fucking hickey on my neck? My boyfriend will see this!
Padabog kong ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng table at muling tiningnan ang leeg ko. Mas lalo lang itong namula, kitang kita dahil sa kaputian ko. Sa dami ng puwedeng paglagyan ng marka, bakit doon pa sa puwedeng makita?
My phone beeped. Salubong ang kilay ko itong dinampot at nakita ang isang text mula sa kanya.
Zadriel:
Tell him you have been bitten by a vampire.
Me:
Zadriel!!!
Zadriel:
Just kidding, baby. Just wear something that will cover your neck. It will be gone in a few days.
Hindi na ako sumagot at ibinalik na lang ang cellphone sa ibabaw. For some reason, I don't mind having sex with Zadriel. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay normal lang na gawin namin iyon. I don't have something in him. Hindi ko siya gusto o ano pa man. Kumportable lang talaga akong kasama siya na tila ba matagal na kaming magkakilala. Ayos lang kahit ilang beses naming gawin iyon dahil iyon rin naman ang gusto ko pero ang mag-iwan siya ng marka sa balat ko ay ibang usapan na.
Paano kung makita ni Cade? Nila Mommy at ng pamilya ko? My parents would think that Cade did this. Ayos lang. Paano kung si Cade na mismo ang makakita? He never leave hickeys all throughout our relationship. Kapag nakita niya ito ay siguradong bistado na ako. Ihahatid pa naman niya ako sa trabaho ngayon!
I am already planning to break up with him. Naghahanap lang ako ng magandang tiyempo.
Anong klaseng tiyempo, Tate? Iyong siya mismo ang makahuli sa inyo ni Zadriel na may ginagawang kababalaghan? Hanggang kailan ka ba kasi makikipaglaro ng apoy sa kanya? May girlfriend rin siya, baka nakakalimutan mo.
I don't know. There's really something in him that made me want to continue playing the damn fire with him.
Magkakasunod na katok mula sa labas ang pumukaw sa pagiisip ko. Napalingon ako roon.
"Tate?"
Sunod-sunod ang naging pagkalabog ng puso ko nang maulinigan ang boses ni Mommy. Dali-dali akong tumayo, iniikot ang paningin at naghanap ng bagay na puwede itakip sa leeg ko. I am just wearing my underwear and Mommy can't see my hickey!
"Open the door, Tate. I have something important to tell you." si Mommy ulit.
"Mommy, itext mo na lang po!" sigaw ko pabalik, abala pa rin sa paghahagilap ng kahit anong puwedeng itakip.
"Stop fooling around, Tatiana!"
Napanguso ako. Nakahinga ako ng maluwag nang makakita ako ng floral scarf at agad itong ipinulupot sa leeg ko. Ilang katok pa ang narinig ko, malalakas at tila naiinip na. Mabilis akong tumakbo patungong pinto at agad na pinihit ang seradura. Mommy's strict face greeted me.
Agad nagsalubong ang kilay niya nang hagurin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Her sharp eyes stayed longer on my neck, probably on my scarf.
"Why are you wearing a scarf?" she asked disgustingly, like what I look like now makes her want to vomit.
Kesa hayaan na mapangunahan ng kaba, I striked a pose and acted like a super model.
"What? I'm just trying this scarf, My. I feel wearing it today. Is it bad?"
She sighed. Sa paraan ng pagbuntong hininga niya, para bang lubos ang pagiisip niya kung bakit siya nagkaananak ng katulad ko.
"No. I just think it doesn't look good on your underwear..." she said rolling her eyes. "Anyway, Abigail dropped a call. Hindi ka raw niya ma-contact dahil kaya sa akin siya tumawag."
Abigail is my secretary. She's the daughter of Tita Shey, mommy's secretary back when she's still managing the Fine and Lite Designs.
"Why can't she contact me? Wala naman akong ibang kausap. Baka eme-eme niya lang 'yon..."
Mommy glared at me. "Street language, young woman."
Natawa ako at nag peace sign sa kanya. "Joke lang, My. Ano po bang sabi ni Abigail?"
She leaned the side of her body beside the door and crossed her arms above her chest. Her long red nails grazing the smoothness of her skin.
"Your client Dianara Assistores has already moved the schedule on your house visit. Nine o'clock instead of one."
Kumunot ang noo ko. "What's with the sudden change?"
"Personal matters," she uncross her arms and stood straight. "Get ready. You only have an hour."
Pagkasabi noon ni Mommy ay dali-dali na akong nag ayos. She taught me not to be late in appointments like this. Kapag nahuhuli ako ay nagagalit siya. Kung bakit naman kasi bigla na lang nag iba ng oras ng house visit ang kliyente naming iyon.
I don't have any turtle neck clothes with me so I just decided to tie the floral scarf around my neck. Mukha tuloy akong si Donya Buding dahil sa ayos ko.
"What's with the scarf?" Isang ngisi ang pinakawalan ni Cade pagkakita sa akin. His pair of eyes drilled into my neck that made me feel conscious.
Huwag kang ngingisi-ngisi diyan. Baka maglaho iyan kapag tinanggal ko ito at makita mo kung anong mayroon sa likod nito.
"Why? Don't you like it?" sagot ko. Pumasok ako sa passenger’s seat pagkatapos niya ako pagbuksan ng pintuan. When I'm done settling myself, he leaned down and planted a kiss on my lips. Sumimangot ako nang makita ang ngisi ng pang-aasar sa mukha niya. "Stop mocking me!"
He chuckled. "I'm not. I'm just not used to it. I striked you as a woman who likes to expose her cleavage."
"Siyempre! I am blessed witha nice cleavage so might as well show it."
Humalakhak siya, pinasadahan ng dila at ibabang parte ng labi niya. "And a nice ass, too." Pinatakan niya ulit ako ng halik sa aking labi. It's a warm and sensual kiss that lasted for a minute before he pulled away and stared intensely into my eyes. "Sleep in my bed tonight."
Normal lang ang mga salitang iyon sa pandinig ko... Noon. Bakit ngayon ay parang hindi na ako nakakaramdam ng kasabikan? Bakit may parte sa akin na hindi na gusto ang ideya na iyon?
"I will..." labag man sa isip ko ay pumayag pa rin ako. Siguro, puwede kong gamitin ang mga ganitong pagkakataon para unti-untiin na ang pakikipaghiwalay sa kanya. Sa kung paanong paraan, hindi rin ako sigurado.
Hinatid ako ni Cade sa bahay ng kliyente namin. Abigail is already outside waiting for us. Tumingin ako sa kabuuan ng lugar. It's a contemporary mocha shade house. There's a mixture of brown that made it look a bit dark. Kung ako ang tatanungin ay walang kabuhay-buhay ang kulay ng bahay. Matanda na siguro ang may ari. I haven't seen her yet. Si Abigail lang kasi ang madalas nakikipagkita sa mga kliyente namin.
"Text me when you're done for today. I'll fetch you." Cade uttered as I unbuckled my seat belt.
Tumango ako. "Sige. Bago siguro mag alasais ay wala na akong gagawin."
"Hmm. What do you want to eat for dinner? I'll cook for you."
Ngumiti ako. "Anything is fine, Cade."
"Alright..." He crouched a bit and planted a light kiss on my lips. "I love you, Tate."
Kinagat ko ang labi ko, huminga ng malalim at tipid na ngumiti. "Love you back."
Bumaba na ako ng sasakyan, mabigat ang loob dahil sa salitang binitawan. Pagkasara ko ng pinto ay kumaway sa akin si Abigail.
"Kanina ka pa?" tanong ko sa sekretarya habang naglalakad na kami patungong gate.
"Hindi naman, Miss. Ilang minuto pa lang rin."
Abigail pressed the doorbell twice. Napatingin ako sa gilid. Isang itim na luxury car ang nakita ko. It kinda looks familiar but I know for sure that there are lots of them around.
Bumukas ang gate, naglikha ng kaunting ugong dahilan para mapatingin ako sa aking harapan. Isang unipormadong kasambahay ang bumungad sa amin.
"Good morning. Is Miss Dianara Assistores here?"
Ngumiti ang matandang kasambahay. "Opo. Nasa loob po. Kayo po iyong mag-aayos ng bahay niya?"
Hindi po. Mga tubero po kami.
"Yes. Kami po iyon." sagot ni Abigail.
"Tuloy po kayo."
Pinapasok kami agad ni Manang. She guided us towards the main door and I'm starting to feel irritated for some reason. Marahil ay dahil sa scarf na nasa leeg ko. Naiinitan ako at pakiramdam ko ay sinasakal ako ng telang ito. Kapag naiisip ko talaga ang dahilan ay gusto kong makita si Zadriel at hilahin siya sa tainga niya.
Bumukas ang pintuan, nagtuloy kami sa pagpasok ni Abigail. Malawak ang kabahayan, maraming paintings ang nakasabit sa dingding. Napangiwi ako dahil halos magmukha na itong art gallery. Hindi ko inaasahan na kung gaano kawalang buhay ang itsura ng labas ng bahay ay mas matindi ang sa loob.
I don't mind having paintings in the house but what she has is too much. Ang dilim-dilim at ang sakit sa mga mata na maraming nakasabit. Kung si Mommy ang makakakita nito, siguradong mas matindi pa ang lait na gagawin niya.
"Maupo muna kayo. Tatawagin ko lang si Ma'am Diana." sabi ng kasambahay na nakapagpahinto ng kasamaan ko sa isip.
Naupo kami ni Abigail. Maging siya rin ay nagmamasid-masid.
"Ang pangit ng taste niya sa bahay..." puna nito.
Natawa ako. "Exactly."
My phone vibrated inside my pouch. Tumungo ako at kinuha ito. There's a message from Cade.
Cade:
I have already told Tita Trinity about your sleep over in my house. You don't have to inform her anymore.
Natawa ako. Naririnig ko na ang ilang yabag ng mga paa na animo bumababa ng hagdan pero ang atensyon ko ay nasa cellphone. Nagtipa ako ng mensahe.
Ako:
Ang bilis mo talaga pagdating sa mga ganiyan.
"Good morning!"
Nag angat ako ng tingin matapos marinig ang mahinhin na boses na iyon, nananatiling nakangiti.
"Good mor-"
Naudlot ang pagbati ko nang mula sa pamilyar na babae ay dumapo ang mga mata ko sa lalaking katabi niya. Kusang nawala ang ngiti sa aking labi. My eyes widened a bit as my lips seperated in total surprise. Nagkatitigan kami, ang mga mata ay bahagya rin namimilog.
"Good morning, Ma'am. I'm Abigail and this is my boss Tatiana Follosco." pakilala ni Abigail ngunit ang paningin ko ay nananatiling nakapako sa mga tao sa harapan namin, partikular sa lalaki.
"Hi! I'm Dainara Assistores and this is my boyfriend, Zadriel Monasterio." the familiar woman slash my client introduced that made me damn speechless.
Fuck it.