+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Chapter 4

Kung minamalas nga naman, hindi akalain ni Pennee na ang muling pagkikita nila ng babaeng bully ay doon pa mismo sa klase. Kaklase pa pala niya ito.

So, siya pala ang tinutukoy ni Sir Carlos na anak nitong bagong transfer. Pailing-iling siya habang tinungo ang basurahan at hinulog ang bola ng papel. Nais niyang ibato ito pabalik kay Scarlet. Ngunit ano ang susunod na mangyayari kung ibabalik niya rito ang kalokohan? She sighed and looked at Scarlet. "Sa susunod, matuto kang magtapon sa trash bin, okay? Kahit may janitor na pumapasok dito, wala sa mga kaklase ko ang nagkakalat."

"Anong sabi mo?" Scarlet gritted her teeth. Tumayo siya at nilapitan si Pennee. "At sino ka para pagsabihan ako ng dapat kong gawin? May tumulong lang sa 'yo na makalabas, matapang ka na. Hindi ka rin nagtatanda. Gusto mo sigurong hindi matahimik ang natitiramong months dito, ah!"

"Bakit? Ano na namang balak mo? Kabago-bago mo sa campus, naghahasik ka na ng lagim." Pinagsalikop ni Pennee ang mga braso at taas-noo na tiningnan ang kaharap. "Subukan mong manakit ulit, kahit tatay mo pa si Sir Carlos, hindi ako natatakot. Akala ko pa naman, mabait ka. Pinagmamalaki ka pa naman niya. 'Yon pala, kabaligtaran ka ng ugali ni Sir. Siguro, hindi ka niya napapagalitan, 'no?"

Doon nag-umpisa na magbulungan ang kanilang mga kaklase. Ang iba'y nagtatawanan pa. Si Dolly ay hindi nakaimik. Samantala, si Tala na nakaupo sa unahan ay tila naninigas sa puwesto nito.

"Huwag mong isali sa usapan si Dad, you b*tch!"

"At bakit hindi? Anak ka ng guidance counselor, you are supposed to be a role model to all of us here. Pero unang salta mo pa lang, hinihiya mo na si Sir Carlos."

"Sinabi nang huwag mo siyang idadamay!" sa galit ay itinulak ni Scarlet si Pennee.

"Pennee, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Dolly nang umupo siya sa tabi ng natumbang dalagita.

"Okay lang ako." Pinilit ni Pennee na ngumiti sa kaibigan kahit bahagyang kumirot ang kanyang likuran. Hindi biro ang tumama sa upuan. Iniinda man ang sakit nito, tumayo siya na hindi nagpapaalalay kay Dolly o sa iba nilang kaklase na lumapit din sa kanya. Matapos niyang magpasalamat sa mga ito, bumaling siya kay Scarlet na tila sinisilihan sa pamumula. "Mahilig ka ba talagang manakit? Nagiging masaya ka ba kapag ginagawa mo 'yan? Alam mo ba na—"

Biglang natigilan si Pennee. Sumingit kasi sa mainit nilang komprontasyon ang tunog ng nagri-ring niyang cellphone. She took a deep breath when she read the name of her father on the screen. "Si Daddy."

"Hayan, sige, magsumbong ka na!" pang-aasar ni Scarlet, at nag-back up din ng pang-aasar ang mga kabarkada nito.

"Huwag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan," ani Pennee at kinuha ang bag sa upuan. "Pero kung manakit ka ulit ng iba, hindi ako magsasawa na pagsabihan ka at dalhin ka sa office ng guidance counselor." Nginitian niya ang bully na kaklase at lumabas na.

***

KUNG GAANO KASAYA ang iba dahil sa wakas ay tapos na ang boring na klase, si Iñigo ay nananatili pa ring nakasalampak sa kanyang upuan. At dahil wala na ang matandang guro ay itinaas niya ang mga binti sa mesa katabi ng kanyang keyboard. By the way he pressed his chin with his fingers, halatang malalim ang iniisip niya. Iyon nga lang, hindi ito tungkol sa iniwang activity sa kanila tungkol sa programming. Actually, he knew more than their textbook contained, or maybe more than his professor was teaching them. He could hack the school's system if he wanted to. Para saan pa't anak siya ng isang computer genius at kasalukuyang CEO ng FlexiRadix , ang nangungunang IT company sa buong bansa. Ito nga rin ang pinakamalaking supplier ng hardware products sa Kamaynilaan, kabilang na ang unibersidad niya ngayon.

Inigo sighed. Bumaba ang kamay niya sa keyboard at sinalat ang ibaba na parte nito kung saan nakaukit ang salitang FlexiRadix IT. Ngunit sa pagkakataong ito, mas laman ng kanyang isipan ang babaeng matapos niyang tulungan kanina ay tinakasan lamang siya.

She didn't even manage to thank me. Are the girls in this school similar to her? Bahagya siyang natawa sa naisip. Ano naman kung tinakbuhan siya nito? Dahil ba kahit luhaan na ito ay maganda pa ring titigan ang mga mata? The girl had silvery gray eyes, unlike those regular Pinay girls with black to dark brown eyes. Natutukso nga siya kaninang pahirin ang mga luha sa pisngi ng dalagita, ngunit mas concern siya sa mga kamay nito. Well, I hope she's okay now. Sa bilis niyang tumakbo, mukhang hindi naman siya nasaktan, he thought. Mayamaya'y napangisi na naman siya. Funny, she is the first ever girl to run away from me. Literally.

Sanay kasi siya na siya mismo ang tumatakbo palayo sa mga ito. Mabuti na lamang at nakauwi na sila sa bansa at hindi siya sinundan ng mga babaeng kanyang pinaasa doon sa New York.

Pero ngayong nasa Pilipinas na siya, katulad ng payo—o warning—ng kanyang dad ay dapat mas pagtuunan niya ng pansin ang pag-aaral. Ito ay dahil siya rin naman ang magmamana ng kompanyang nagmula pa sa kanyang lolo. Nakahanda na nga ang kanyang upuan sa administration office dahil sa susunod na taon ay makaka-graduate na siya sa kolehiyo.

Speaking of his lolo, ito rin ang dahilan kung bakit sila biglaang bumalik sa bansa. The old man was sick, seriously sick. Hindi naman problema ang pampagamot, gayunman, tila pagod na ito at nais na lamang maghintay na sunduin ng liwanag.

Biglang nanlumo si Inigo nang sumagi sa isipan niya ang kalagayan ng kanyang lolo. Kailangan ko na palang umuwi. Dadalaw pa pala kami sa ospital.

Akmang tatayo na siya nang biglang may babaeng umupo sa bakanteng puwesto sa tabi niya. Her hands had already landed on his arm, giving it a hard squeeze. Kunot-noong binalingan niya ang babae. "Yes?"

Malawak na ngumiti ang babae at ipinamalas ang perpektong set ng mga ngipin niya. She was one of those browned-eyed ladies that he expected. Ngunit may kakaibang charm ang malagkit nitong pagtitig—it was intense and mesmerizing. "I've been in Alta Gracia since grade school, pero ngayon lang kita nakita. May I know your name, handsome?"

Imbes na sumagot ay tinitigan ni Inigo ang kamay ng babae na ngayon ay nakapulupot na sa kanyang braso. Sigurado ba siyang pangalan ko lang ang gusto niyang kunin? "Bitiwan mo muna ako."

The lady with thick lashes and bright red lips was taken off guard. Bahagya mang nadismaya ay pinilit niyang muling ngumiti. "Oh, sorry kung nabigla kita. Ganito lang talaga ako ka-friendly. I'm Vanessa, by the way. And you are?" Inilahad niyo ang kamay.

Nagbuntong-hininga ang binata. "Iñigo." Kahit napipilitan ay tinanggap niya ang malambot na kamay nito. Ngunit mabilis din niya itong binawi at isinilid sa bulsa ng kanyang pants. "Nice meeting you, but I have to go."

Hindi pa man siya nakakapihit ay isang lalaki naman ang humarang sa kanya. Humihingal ito habang tinatapik sa balikat ang dalagang nagpakilalang Vanessa. "I think, hindi pa sinasabi ni Vanny kung bakit ka nilapitan?" anang nakasalamin na lalaki. Simangot siyang sumulyap sa dalaga, sabay balik kay Iñigo. "Hi. ako nga pala si Peter, assistant couch ng Alta Gracia Devils. Gusto sana kitang imbitahan na sumali sa team namin. Sa tangkad mong 'yan, magandang asset ka. Have you been playing basketball in your previous school?"

Iñigo tilted his head. Mas nakuha ni Peter ang kanyang interes dahil sa alok nito. Oh, how he loved basketball, bukod sa gaming. "Sure. I'm in."

"Alright!" Nakipag-fist bumped si Peter sa kanya. "Ngayon pa lang, nakikita kong magiging champion na ang school natin sa darating na tournament. Ang mga kalaban natin ay mga taga-ibang universities sa NCR. Pero sa araw din ng intrams gaganapin 'yon."

"Sabihin mo lang kung kailan ang practice. Darating ako." Iñigo was so interested, pero hindi niya ipinapahalata sa kanyang tinig.

"Nice," nakangising sabi ni Peter at muling bumaling kay Vanessa. "Do your work, honey."

"I'm not your honey. Ambisyoso!" Vanessa rolled her eyes and pulled the little notebook from her handbag, saka nguniting muli kay Iñigo. "Um, honey... I mean, Iñigo, can I interview you for a while? Don't worry, para 'to sa profile mo for the team and not for my personal interest." She beamed sweetly.

Bago sumagot ang binata ay tinapik siya ni Peter sa balikat. "Sige, maiwan ko na kayo, ha? Si Vanny na ang bahala sa 'yo." Kumindat siya at umalis na kasama ang mga lalaking naka-jersey na naghihintay sa may pinto.

"Okay, let's start. Mabilis lang 'to." Vanessa cleared her throat and blinked her eyes sexily. "What's your full name?"

"Iñigo Allan V. Rosales. Twenty years old. 6 feet," aniya at biglang tumalikod upang damputin ang kaisa-isang notebook na dala niya sa klase. Then, he stormed out the class room, ignoring Vanessa who was calling from behind him.

"Hey, hindi pa ako tapos! Sige ka, sasabihin kong huwag ka na nilang isali kapag hindi ka bumalik!"

"Bahala ka," he whispered. "Masyadong maraming oras na ang nasayang ko ngayong araw na 'to." He wasn't just thinking about how Vanessa was delaying her. Hindi man aminin, bahagyang nayayamot siya dahil sumagi na naman sa isip niya ang dalagitang ipinagtanggol niya nitong umaga.

Kung bakit masyado siyang drawn dito ay hindi niya alam. Pero marahil ay nakikita niya ang dalagitang iyon sa kababata niyang na-kidnap kasama niya sampung taon na ang nakararaan. Gustuhin man niyang damayan ito upang mabilis na maka-recover, sakto namang isinama siya ng mga magulang sa ibang bansa. Pero ngayong nakabalik na siya ay gagawa siya ng paraan upang makitang muli ang kababata.

Saan na kaya sila nakatira? Hindi na siya makapaghintay na makauwi, magkulong sa kanyang silid, at buksan ang kanyang laptop. Paniguradong may social media account ito. Ang problema'y hindi niya batid ang tunay na pangalan nito. He only knew his childhood friend as PenPen. Her mother's name was Persephone and her father was Ezekiel.

Wala namang imposible. I'm sure makikita ko rin siya within this...

Iñigo paused when he was about to approached his car on the parking area. Paano'y sa 'di kalayuan, nahagip ng kanyang paningin ang pigura ng dalagitang ipinagtanggol niya kanina. Kahit sa malayo ay halata niyang malumbay ang ekspresyon ng mukha nito. Ngunit agad na ngumiti nang makasalubong ang isang matangkad na lalaki sabay yakap dito.

"Wait, I know him." Humakbang pa si Iñigo habang kinikilala ang malaking lalaki. Doon niya napagtanto kung sino ito. "That's right. He is Tito Ezekiel, Dad's bestfriend." Muli siyang tumingin sa dalagitang kaakbay ng kanyang tito at biglang sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. "Penpen? Ibig sabihin, 'yong girl na kinulong kanina sa banyo ay walang iba kundi siya?"

Masaya niyang namukhaan ang kababata kaya hindi na siya nag-aksaya ng pagkakataon at lumakad papunta rito. Ngunit sumakay na si Penpen sa kotse at ilang sandali lang ay papalayo na ito.

Worried to lose her again, Iñigo quickly slid inside his car, twisted the key in the ignition, and followed the SUV where Penpen was. Matiyaga niya itong sinundan kahit na ilang beses lumiko sa highway. Ang balak niya ay businahan ang nagda-drive kapag malapit na siyang dumikit. Ngunit akmang tatapatan na niya ang bintana nito nang maabutan siya ng traffic light sa intersection. Tuloy, muling nakalayo ang sasakyan hanggang sa mawala sa kanyang paningin.

He lost her... again.

"Damn it!" bulong niya at hinampas ang steering wheel. Nasita pa siya ng katabing sasakyan nang umalingawngaw ang kanyang busina.

He decided to go home. Pagbungad pa lang niya sa sala'y namataan niya ang kanyang mga magulang na nag-uusap at magkahawak ang mga kamay. It had been years, pero hanggang ngayon ay halata niya ang pagka-sweet ng mga ito sa isa't isa, bagay na lubos niyang ipinagpapasalamat. Hindi katulad ng iba niyang mga kaibigan sa abroad na kung hindi may kabit ang isa sa magulang ay broken family naman.

"Oh hi, son!" bati ng kanyang ina. Kahit na lagpas na siya sa pagiging teen ay niyayakap pa rin siya nito na parang paslit. Gayunman, hinahayaan lang niya basta huwag lang may makakakitang ibang tao. Nakakahiya.

"M-mom..." humihingal na bulong ni Iñigo. "I saw her."

Kumunot ng noo ang kanyang ina ngunit nakangiti pa rin? "At sino naman ang nakita mo? Teka, bakit parang pagod na pagod ka? Parang may humabol sa 'yo."

"It was the other way around, Mom. Ako ang may hinabol pero hindi ko naabutan—it was si Penpen. I saw her, dahil sa Alta Gracia rin siya nag-aaral," Iñigo panted. Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa mga magulang. "Pero hindi ko alam exactly ang classroom niya. At sa labas, nakita ko rin siya with Tito Ezekiel."

"Oh, really?" Tumayo ang kanyang daddy at lumapit din sa kanya. "Matagal-tagal ko na ring hindi nakikita si Sanches. But it seems like their doing great."

"Ako nga rin, nami-miss ko na si Persy. At dahil diyan kaya tinawagan ko siya ulit kanina," masiglang sabi ng kanyang ina.

"At ano naman ang sinabi mo sa kanila, Mom?" Iñigo asked. "By the way, can I have her number? Or Tito Ezekiel's number. Mangangamusta lang naman."

Nagkatinginan ang kanyang mga magulang at bumaling sa kaya ang kanyang ama. "No need, Yigo. Dahil bibisita tayo sa kanila ngayon."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height