+ Add to Library
+ Add to Library

C5 Chapter 5

Huli na upang itago ni Pennee sa kanyang daddy na siya'y nakasimangot pagkasalubong sa kanya nito sa parking area.

"O, anong nangyari, Pennee?" Kinuha niya ang bag ng anak. Hinalikan pa ito sa buhok at inakbayan habang papunta sila sa nakaparadang SUV. "Hindi ba maganda ang resulta ng exam mo?"

Pinilit ni Pennee na ngumiti, sabay iling. "Hindi po 'yon, Daddy. Actually, hindi pa naman naibibigay sa amin ang mga result ng exams. Pero alam ko namang matataas ang mga 'yon." Kompiyansa siya rito dahil ilang gabi rin siyang nagpuyat upang mag-review. Kaya batid niyang hindi lang siya pasado, posibleng perfect pa.

Ngunit ang magandang vibes na dulot ng exam ay agad na naglaho dahil kay Scarlet. Ayaw man niyang maglihim sa ama, minabuti na muna niyang itago ito sa kanyang sarili upang hindi ito mag-alala. She knew she could handle the bratinella by herself.

"Pero, bakit matamlay ka?" muling tanong ng kanyang daddy nang nasa loob na sila ng sasakyan. Pinapaandar na nito ang makina at nag-uumpisa nang lumiko papunta sa exit ng parking area.

Sasagot na sana si Pennee nang muling magsalita ang kanyang ama. "Alam ko na, nagugutom ka na siguro. Kahit noong maliit ka pa, ang dahilan lang kapag nakabusangot ka pagkagaling sa school ay gutom, tama ba ako?" he grinned at her.

"Exactly po, Daddy." Mabilis na sumang-ayon si Pennee dahil ito naman talaga ang nadarama niya ngayon. The three-day period of exam was indeed brain and stomach-draining. Batid niyang ito rin ang makakabalik sa kanyang mood. "Pero gusto ko, sa bahay tayo kakain this time."

"Oo naman, anak. Ang totoo niyan, maraming niluluto ang mommy mo ngayon. Nasa bahay nga rin si Nana Linda mo para tumulong. Espesyal ang araw na 'to dahil may darating na bisita mamaya."

Her spirit started to lift. "Talaga po? Nasa bahay si Nana Linda?" Ngayon mas kumbinsido na siyang espesyal ang araw ngayon dahil nagpatawag na ng back up ang kanyang ina sa kusina. At sabik na rin siyang makitang muli ang babaeng naging yaya ng kanyang ina magmula pa noong bata ito.It was like a family reunion. Kulang na lamang ay ang kanyang grandparents, mga tiya at tiyo, at mga pinsan. Ngunit batid niyang imposible sa ngayon dahil kung hindi nasa abroad, nasa iba't ibang siyudad sa buong bansa ang mga ito dahil sa family business. She wished to see them altogether in one event, though. Sa sobrang excitement ay napapangiti na lamang siya habang nakatanaw sa bintana ng sasaktan.

But then, her eyes grew wide upon spotting a familiar male figure from afar.

Unang nakakuha ng atensyon niya ang matikas nitong tindig at ang malawak na mga balikat. The guy was wearing a black button-down shirt and clutching a notebook in his hand. Hindi siya sigurado kung sa kanya rin ito nakatanaw, ngunit tila naglalakd ito papalapit sa kanya.

Siya 'yong nagtanggol sa akin kanina — 'yong college guy.

Napakurap siya ng mga mata nang biglang may dumaan na sasakyan. Nang muli siyang tumanaw sa direksyon ng binata ay wala na ito.

"Anong nililingon mo diyan, Pennee? May naiwan ka ba sa school?"

Mayroon nga po. 'Yong name ng lalaking tumulong sa 'kin. Napailing si Pennee upang ipagpag ang ideya sa kanyang isipan. "Wala naman po. Akala ko lang, nakita ko si Dolly. Kakawayan ko po kasi sana." aniya at umayos na sa pagkakaupo. Humugot siya ng malalim na hininga at mahigpit na kinapitan ang seatbelt. Ano ka ba, Pennee. Huwag mo na siyang isipin. Ginugulo na kaya niya ang isipan mo. Siguro ay hindi mo na siya destined na makita pa dahil napakalaki ng school. Makuntento ka na lang dahil natulunan ka niya minsan.

She closed her eyes as they drove though the other lane. Pinilit niyang i-divert sa ibang bagay ang kanyang isipan. Hindi naman mahirap gawin iyon dahil ang sunod niyang naisip ay ang pagdating ng kanyang Ninong Nolan at Ninang Innah, pati na ang dalang regalo ng mga ito. She wished, hindi sila mag-agawan ni Kiel sa mga iyon. A sweet smile curved across her face without her knowing.

Matapos ng masayang tanghalian ay ginugol ni Pennee ang maghapon na nakakulong sa silid. Kung noong mga nakaraan ay todo-review siya, ngayon na tapos na ang 'dilemma' ay panahon naman ng relaxation. Kaya nga, nakahiga lamang siya sa kama. Blanko ang kanyang isipan habang nakatitig sa kisame.

Mayamaya'y nakarinig siya ng pagkatok sa kanyang pinto. She knew it was either her mom or dad. Dahil kung si Kiel ito ay basta-basta na lang pumapasok nang hindi kumakatok.

"Pasok po. Bukas 'yan," she informed, still staring at the ceiling.

Pagbukas ng pinto ay humalimuyak agad ang matamis na pabango. Kahit hindi niya ito tingnan, she knew it was her ever lovely mother.

"Pennee, I want to show you something..."

"Ano po 'yon?" Dahan-dahan siyang bumangon at naupo sa gilid ng kama paharap sa kanyang mommy. Bukod sa napansin niyang nakadamit pang-opisina pa ang ina, may hawak itong photo album. Napako ang paningin niya rito hanggang sa tabihan siya nito.

"You know, Pennee, hindi ko lahat ina-upload sa social media ang mga picture mo noong bata ka pa. 'Yong mga pinakamahalaga, pinapa-develop ko at inilalagay dito sa album..."

Her mother, Persy, opened the book. Halos matawa siya sa unang litrato na tumambad sa kanya. It was the photo of her and her cousins. Madungis sila dahil sa nagkalat sa sauce ng spaghetti sa kanilang mga damit at icing ng chocolate cake sa kanilang mga mukha. They were as adorable as ever in that shot, though.

"I get it," Pennee chuckled. "Masyadong nakakahiya ang mga mukha namin diyan kaya hindi mo pinost. Buti na lang, dahil baka tawanan lang ako ng mga kaklase ko kapag nakita 'yan, Mommy." Ngayon pang may kaklase siyang bully, hindi niya ma-imagine na gamitin ito laban sa kanya.

"Hindi ko 'to in-upload dahil masyadong priceless ang memories mo noong bata ka pa. I don't want to share these treasures with random people on the net, Pennee."

Muling pinihit ng kanyang ina ang mga pahina. Sa bawat litrato ay hindi mapigilan ni Pennee na mapangiti. Mas malaki na sila ng kanyang mga pinsan sa mga sumunod na larawan. Ang iba ay kasama na rin ang kanyang mga lolo at lola, pati na ang mga tiyuhin. However, she couldn't pinpoint the difference between her two uncles, dahil identical twins ang mga iyon. Itatanong na sana niya ang tungkol doon nang muling ilipat ng kanyang ina ang pahina.

"Siya ba, naaalala mo pa?"

Dahan-dahang nalusaw ang ngiti ni Pennee habang tinititigan ang sunod na larawan. She knew the girl was her. Ngunit hindi niya matandaan ang batang lalaki na nakaakbay sa kanya. Although, the dark wavy hair and the chocolate brown eyes of the boy was familiar. Tila nakita na niya ito kailan lamang. "Hindi po. Sino siya?"

Tinuro ng kanyang mommy ang batang lalaki. "This boy is Yigo. Playmate mo siya noong maliit ka pa. Actually kalaro ninyong magpipinsan, pero mas close siya sa'yo."

"Yi...go." Sadyang kinakaladkad ni Pennee ang pagbigkas sa pangalan nito. She was hoping to remember something about him. However, she failed. May kaibigan ba talaga siyang Yigo dati? Hindi kaya imbento lang ito? Pero imposible dahil kasama niya sa larawan, at kung pagmamasdan ay tila close na close nga sila roon. There was even a stolen photo of them as they assembled a sand castle. Hindi niya napigilang matawa nang ang sumunod na larawan ay tagpo na tumatakbo sila palayo sa malaking alon na sumira sa kanilang kastilyong buhangin. Who on earth is that Yigo again?

"I really don't know him." Napakunot na ang noo ni Pennee nang pagmasdan ang kanyang ina. Isinara na rin nito ang album at itinabi sa gilid. "Bakit hindi ko siya maalala?"

Percy sighed. "That's because you have undergone treatment before, Pennee."

Lalong nalito ang isipan ni Pennee. "A-anong klaseng treatment?"

"Okay..." Inipon ng kanyang ina ang lahat ng lakas ng loob bago magkuwento sa dalagita. "Noong five years old ka, na-kidnap kayong dalawa ni Yigo."

Pennee parted her mouth but no words came out. Kaya nagpatuloy ang kanyang ina.

"After the incident, nagka-trauma ka. Halos gabi-gabi kang sumisigaw. Ayaw mo na ring pumasok or makipag-usap sa teachers mo at classmates. Kaya nga, napilitan kami ng daddy mo na ilapit ka sa resident pedia ng foundation na nagha-handle ng mga batang may traumatic experiences. Thank God at naka-recover ka. Bumalik ka sa pagiging masayahing bata at naging stable na rin ang perforance mo sa school. Pero ang kapalit ay nakalimutan mo si Yigo."

"Why?" Pennee asked, frowning.

"The doctor intended to do that. Siya kasi ang kasama mo noong nangyari 'yon at kapag nakikita mo siya ay bumabalisa ka. Kaya nga noong mag-migrate sila sa States, his parents advised him to cut the communication between the two of you."

Pakiramdam ni Pennee ay ibang tao ang kinukuwento ng kanyang ina. Hindi niya lubos maisip na sarili niyang karanasan iyon. Goodness, kung ipapasa niya ang kanyang life story sa writing competition sa Filipino subject ay posibleng manalo pa siya. Pero hindi na niya nais balikan pa iyon. Mabuti na lamang at kahit sinasalaysay ng kanyang ina ay hindi na siya apektado. She had indeed moved on from that crisis of her life.

It was seven in the evening. Habang naghahanda sa mesa ang kanyang ina at ang matandang yaya nito ay nasa sala siya. Nakapatong sa kanyang kandungan ang photo album at nakapihit sa larawan nila ni Yigo. Kahit anong pilit at kahit anong piga niya sa isipan ay hindi niya talaga maalala ang kababata. Ngunit ang mga features ng mukha nito ay talagang pamilyar.

Sa sobrang konsentrasyon sa larawan ay hindi niya narinig na may nagbusina sa labas ng bahay. Ni hindi niya napansin na dumaan sa kanyang harapan ang kanyang ina upang pagbuksan ang mga bisitang hinihintay.

"Ano na kayang itsura mo ngayon, Yigo?" she said. "It's been teen years according to Mommy at ten years old ka rito sa photo. Ibig sabihin pala, twenty ka na ngayon? Ano na kayang itsura mo? Cute ka pa rin kaya? Payat ka ba or mataba? Baka naman, balbas-sarado ka na rin katulad ng iba na gustong magmukhang matured kahit hindi pa naman matanda."

Itinaas niya ang larawan. At doon niya napansin ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. For a moment, her sight bounced between the picture of Yigo and the familiar young man beaming at her. Nakapamulsa ito at titig na titig din sa kanya.

"Bakit pictures ang kinakausap mo? Bakit hindi na lang ako?"

She couldn't believe her eyes! Ang binatang nasa harapan niya ay ang lalaking nagligtas sa kanya kanina laban kay Scarlet. "I-ikaw si... Yigo?"

"Penpen, right?"

Halos mapatalon si Pennee nang tumabi sa kanya ang binata. Gusto niyang kurutin ang sarili sa pag-asang namamalik-mata lamang siya. Ngunit palagay niya'y hindi dahil malinaw niyang nararamdaman ang pagtapik nito sa kanyang balikat. Malakas iyon ngunit hindi masakit. At ang malinis na amoy ng pabango nito ay nagpapatunay din na ang lalaki kanina sa campus at ang katabi niya ngayon ay iisa.

Hindi niya batid ang eksaktong nadarama ngayon. Ngunit isa ang sigurado—sa tuwing makikita niya ang binata ay hindi normal ang kabog ng kanyang dibdib. Dapat ba niyang ipag-alala ito? The feeling was a new thing to her.

"So, how are you now, Penpen?"

Ilang beses na kumurap si Pennee bago niya mapagtantong kinakausap siya ni Yigo. She wanted to touch his face. Ngunit ano't tila nanginginig at nagyeyelo ang kanyang mga kamay?

"O-okay lang ako," she whispered and urged herself to smile. Kung hindi ay baka maiyak siya sa nerbiyos. "S-sorry nga pala dahil tumakbo ako kanina. Sobrang nagmamadali ako kasi mahuhuli na ako sa exam that time."

Tumaas ang mga kilay ni Yigo. "Oh, I see. Well, at least makakahinga na ako nang maluwag. Akala ko kasi kung napano ka na." Bumaba ang kanyang paningin sa mga kamay ng dalagita. Walang anu-ano'y hinawakan niya ang mga iyon. "Mabuti naman at hindi na namumula ang mga kamay mo. Pero ngayon, bakit nanlalamig naman?" He gazed back at her flushed face.

"H-huh?"

Bago siya makasagot ay muling bumukas ang pinto. Inihayag nito ang kanyang ina na hawak-hawak ang kamay ng isang magandang babae. That woman looked a bit like Yigo so she assumed that she was her Ninang Innah. Kasunod naman ng mga ito ang kanyang ama na kasama ang isang matangkad na lalaking may suot na salamin.

"Mukhang mahaba na ang napagkuwentuhan ng mga anak natin, ah." anang babae na kasama ng kanyang ina. "Hello, Pennee? I'm your Ninang Innah?" Inilahad nito ang mga braso, marahil ay iniimbitahan siyang yakapin ito.

Dahil dito'y bumitiw si Yigo sa dalagita. Tumayo siya at yumakap din sa mga magulang ni Pennee. "Hello po, Tita Persy, Tito Ezekiel."

"Natutuwa akong makita ka, Yigo," bati ng mommy ni Pennee. She scanned the young man. "You're such a handsome young man. At ang tangkad mo na! Malalagpasan mo na yata ang dad at ang Tito Ezekiel mo."

"I agree, Persy. Si Pennee rin, napakaganda na ngayon. Parang ngayon pa lang, gusto ko na silang ipagkasundo sa isa't isa. What do you think, Sanches?" Her Ninong Nolan was beaming at her daddy.

While they all laughed, Penelope was inwardly melting on the spot. At mas lalo niyang nais maglaho dahil sa sinabi ng kanyang Ninong Nolan.

Seriously, what on earth is happening?!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height