+ Add to Library
+ Add to Library

C7 Chapter 7

Friday was Pennee's favorite day. Hindi ito dahil huling araw ng klase sa loob ng isang linggo, kundi dahil nagkakaroon siya ng pagkakataon na maisuot ang mga paborito niyang damit. In Alta Gracia University, Friday was washday. Sa college man o sa high school building, binibigyan ang mga estudyante na magbihis sa gusto nilang pamamaraan. The administration wasn't bothered whether they show some skin as long as they could bring themselves properly. Ito ay dahil saklaw ng unibersidad na iyon ang kurso sa pagmomodelo.

Gayunman, hindi nais ni Pennee na magsuot ng katulad sa mga estudyanteng modelo sa kanilang school. The pink dress she was wearing now was enough to turn everyone's head towards her. Isa pa, regalo ito ng kanyang Ninang Innah.

"Are you ready to go to school, Pennee?"

Awtomatikong ngumiti ang dalagita sa kanyang mommy nang pumasok ito sa kanyang kuwarto. Maluwag na nakabukas ang pinto kaya nagtuloy-tuloy ito hanggang sa makatayo sa kanyang likuran. Ngayo'y nakaharap sa salamin ang mag-ina at tila walang pinagkaiba ang mga mukha.

"Yes, Mommy. Hinihintay ko na lang po si Yigo." Sumilip si Pennee sa kanyang relos at sumimangot. "Ang sabi niya kagabi, narito na siya thirty minutes before eight. Pero bakit wala pa rin siya? Baka ma-late ako nito." She gazed at her mommy through the mirror. "What if, sa inyo ni Daddy na lang ako sumabay?"

Her mom tapped her shoulder while chuckling. "Pennee, kanina pa nasa ibaba si Yigo. Naliligo ka pa lang, dumating na siya."

"What?" Namilog ang mga mata ng dalagita. Her chest was suddenly attacked by panic. "Bakit hindi n'yo po ako kinatok agad para nagmadali ako?"

"Pupuntahan na sana kita kanina pagdating pa lang niya. But he said, you can take your time because he don't want to rush you. Sinabi niya ring sinadya talaga niyang agahan ang pagpunta para makipagkuwentuhan sa daddy mo at kay Kiel."

Lalo tuloy siyang nag-alala nang marinig ang huling sinabi ng kanyang mommy. Dahil paniguradong puro kalokohan lamang ang babanggitin ni Kiel tungkol sa kanya. How she wished, hindi maniwala si Yigo sa mga kuwento ng kanyang 'bully' na kapatid tungkol sa kanya. "Baka gusto lang niyang makikain ng breakfast," bulong niya.

"Which is a good thing for us too," her mommy said, beaming. Sinusuklay niya ng mga daliri ang malambot na buhok ng dalagita kahit kasusuklay lamang nito. "Na-missed din namin ng daddy mo ang batang 'yon. Ngayon, nakakatuwa at lumaki siyang mabait. Kahit nasanay sa US, he knows how to treat others politely as if he grew up here."

Pennee just shrugged off. Ano pa ba ang kailangan niyang sabihin kung puring-puri naman ng kanyang parents ang binata? She couldn't blame them though, because Yigo was a natural charmer. Alam niya iyon dahil noong unang beses pa nga lang na magkita sila'y natulala siya rito nang ilang segundo. At kahit sa pangalawang pagkakataon ay ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. She knew what she felt for him was something knew. However, she was also alarmed at the same time.

"Anyway, mauuna na kami ng daddy mo. Dadaan pa kasi kami sa bagong foundation na in-acquire namin." Her mother kissed her head and gave her a sweet smile before stepping out of the room. Nagpahabol pa siya bago tumalikod. "Isasama na rin namin si Kiel, okay? See you later, Pennee. Have a nice day in school."

Pagtango ang itinugon ni Pennee habang nakangiti. Nang mag-isa na lamang siya ay humugot ng malalim na buntong-hininga. This will be the first time na ihahatid ako ni Yigo. I don't know exactly why I feel a bit conscious. Dapat masanay na ako dahil araw-araw niya akong ihahatid at susunduin.

Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung papaano napapayag ng binata ang kanyang ama tungkol sa paghatid-sundo sa kanya. How would they trust him to someone who just showed up after so many years. Oo't matalik na kaibigan ng kanyang daddy ang ama ni Yigo. Pero sapat na dahilan na ba iyon upang ipagkatiwala siya rito?

Hindi kaya napapagod na ang kanyang parents sa pagdadala sa kanya sa school?

She shook her head to erase that negative thought. Kung pinagkakatiwalaan nila si Yigo, ganoon din dapat siya, kahit na hindi pa rin niya ito naaalala.

Pagbaba niya ay wala na ang kanyang mga magulang, ganoon din si Kiel. Nang dumiretso siya sa dining ay halos mabuwal siya nang pumasok sa pinto dahil sa masiglang sigaw ni Yigo.

"Good morning PenPe— I mean, Pennee. Have a seat." Halos mapunit ang bibig nito dahil abot hanggang mga tainga ang pagngiti. Ipinaghila pa siya ng upuan at pagkatapos ay tumabi sa kanya. "Anong gusto mong kainin? Ituro mo lang at ako na ang maglalagay sa plato mo."

Tila titindig ang mga balahibo ni Pennee dahil sa masusing pag-aasikaso ni Yigo sa kanya. She shook her head and smiled at him, awkwardly. "N-no, thanks. Ako na ang bahalang kumuha ng kakainin ko. Sa pagkakaalam ko, nandito ka para ihatid ako. Hindi naman kita yaya... I mean, yayo."

Yigo chuckled. Binitiwan niya bigla ang serving spoon at prenteng sumandal sa upuan. "Sorry naman. I'm just happy because after so many years, hindi ko akalain na magkakasama ulit tayo, PenPe— I mean, Pennee. Damn, I need to be used to calling you Pennee. Kailangan ko na talagang paalalahanan ang sarili ko na hindi ka na uhuging paslit."

May pagkain si Pennee sa loob ng kanyang bibig pero natigilan siya sa pagnguya. Bigla siyang napainom ng tubig, dahil kung hindi ay baka maubo siya nang malakas hanggang sa masira ang poise niya. Nang mas-composed na siya ay bumaling sa binata. She gave him a smile, only to hide her budding irritation. "Pennee, okay? Please don't forget that. At fifteen na ako, not a five-year-old kid."

Ang aga-aga pero halatang inaasar siya nito. Gayunman, kahit bahagya siyang naiinis ay hindi niya maitatanggi na humahanga sa pormahan nito ngayong umaga. Bagay sa binata ang uniporme ng Alta Gracia. Pero higit na lumulutang pala ang karisma nito kapag naka-casual attire. Gray shirt na naka-tucked sa jeans, at pinatungan ng black jacket. Yigo was like attending a date. But who knew? Baka may naka-schedule talagang romantic date ito mamaya.

"May dumi ba ako sa mukha?" kunot-noo na tanong ni Yigo.

Pennee blinked a couple of times. "H-huh?"

"Titig na titig ka kasi sa akin."

"Wala." Bumalik si Pennee sa kinakain niyang bacon. "Nagtataka lang ako kasi ako lang ang kumakain. Ikaw hindi."

"Oh, gano'n ba? Actually, I'm full. Gusto sana kitang hintaying bumaba kanina, pero nahihiya naman akong tanggihan si Tito Ezekiel. Kaya heto, nauna na ako," he said. "By the way, nakakatuwa rin si Kiel, 'no?"

Pennee paused again. Even her fork and knife froze on her plate. "What did that inse— I mean, what did Kiel say to you? Tungkol ba sa akin?"

"Nothing bad," ani Yigo sabay kindat.

Itinuloy na lamang ni Pennee ang agahan at pinipilit na hindi mamula sa mga inaakto ng binata. She knew, Yigo had no intention of showing her how charismatic he was. Gayunman, bakit iba na naman ang takbo ng kanyang puso?

A couple of minutes later when they arrived at school. Pagkalabas pa lang nila ng sasakyan ay si Yigo na ang nagdala ng bag ng dalagita, bagay na tinututulan niya.

"Yigo, give me my bag. Hindi naman mabigat 'yan. Ako na ang magdadala."

"Really, huh?" Yigo chuckled. Huminto siya dahil naiiwanan na sa paglakad si Pennee. "Hindi ka nga makahabol sa 'kin, ikaw pa ang magdadala ng bag mo?"

Pinanliitan ni Pennee ng mga mata ang nang-aasar na binata. "Sorry naman po kung isang hakbang mo lang ang katumbas ng tatlong hakbang ko," bulong niya. Hindi na niya pinilit na agawin ang bag at nagdiretso na lang maglakad papunta sa entrance ng main building. Siya naman ngayon ang hinahabol ng binata dahil halos tumakbo siya sa paglalakad.

"Hey, wait for me. Ikaw naman, napipikon ka na naman. Gusto ko na tuloy maniwala kay Kiel. Huwag daw kitang asarin dahil madali kang mapikon."

That insect. Napakadaldal!

But seriously, kay Kiel lang naman siya pikon. Dahil kung madali siyang maasar sa ibang tao ay matagal na niyang pinatulan ang mga bully sa kanilang school, lalong-lalo na ang bagong kaklase niyang si Scarlet. Siguro ay talagang naiilang pa siya kay Yigo kaya ganito ang asal niya.

"Hindi ako pikon, okay?" she finally said. Binagalan na niya ang paglalakad at ngayon ay magkahelera na sila ni Yigo habang papasok sa main door ng gusali. "Hindi lang talaga ako sanay na may ibang nagdadala ng bag ko, bukod kay Daddy."

"Well, dapat masanay ka na. Dahil simula ngayon ay ako na ang tagabitbit ng bag mo at tagahatid-sundo pa. Get that?"

"Oo na po," bulong ni Pennee pero batid niyang naririnig siya ng binata. "I guess, I'm lucky after all, dahil may yayo ako na libre ang service fee."

Narinig niyang tumawa nang malakas ang binata.

Pansin ni Pennee na bawat nadadaanan nilang estudyante ay nakatingin sa kanila. Dahil ba habang naglalakad siya ay may tila higanteng pader ang nakabuntot sa likuran niya? Hindi naman kasi maitatanggi ang height nito at porma. He was indeed a head turner.

Nanginginit pa rin ang pakiramdam ng mukha ni Pennee nang maihatid siya ni Yigo sa mismong classroom nito. Doon nito inabot sa kanya ang bag.

"Thanks," ang tanging sinabi ni Pennee at pilit na ngumiti.

"It's no big deal," tugon ni Yigo na sumandal sa may pinto. Nagsalikop siya ng mga braso habang sinusulyapan ang loob ng klase. "So, what time will I pick you up here?"

"Oh, no. Huwag dito. Please, sa parking area na lang tayo magkita," mariin siyang umiling. "Katulad ng ginagawa ni Daddy. Hinihintay na lang niya ako sa sasakyan."

"It's because Tito Ezekiel isn't a student. Hindi niya kailangang pumunta rito. Eh, ako, student ako at nasa kabilang building lang kami. Kaya whether you like it or not, susunduin kita. Okay na?" Sinulyapan ni Yigo ang papel na nakadikit sa pinto. He grinned. "Every Friday pala, three p.m. ang quitting time n'yo. Good!"

Napataas ang isang kilay si Pennee. "Anong good?"

"May time pa tayong mag-snack sa labas bago kita ihatid sa inyo. Huwag kang mag-alala. Libre ko. Lahat ng ituturo mong food, ako ang bahala." He winked down at her.

"Yigo, you don't have to do that. Masyado na kitang naaabala niyan. Nakakahiya na kina Ninong at—"

"I insist, alright?" Yigo said in low brows. Banayad ang tinig niya ngunit pabagsak. Tila hindi na niya nais masundan pa ito ng isa pang protesta mula sa dalagita. "Wala pang three p.m., nandito na ako sa labas." He pinched her chin at turned to his back.

Tulala pa rin si Pennee nang pumihit siya at diniretso ang kanyang upuan. She knew the cause of the low groans and giggles was her, or Yigo himself. Sigurado siya rito dahil narinig niya ang kanyang pangalan. Nahagip din ng kanyang pandinig ang salitang 'suitor' mula sa kung saan.

"Pennee, sino 'yon?" bulong ni Dolly na lalong inilapit ang upuan sa kanya. "Totoo ba ang sinasabi nila? Suitor mo 'yon? Or bf mo na?"

Nanlaki ang mga mata ni Pennee na bumaling sa kaibigan. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ko boyfriend ang Yigo na 'yon. At hello, ang bata pa natin para diyan," she hissed on her friend's face. Muli siyang umayos ng pagkakaupo at yumuko. She could feel her cheeks burning again. "Fine. Kababata ko siya. Kinakapatid, something like that since ninong at ninang ko ang parents niya."

"Yon naman pala, eh," Dolly said nodding. Iniurong niyang muli ang upuan nang kanyang sulyapan ang orasan. Ilang minuto na lang at papasok na ang kanilang guro. "Kinakapatid mo lang pala, ang dami mo pang sinasabi. Bakit ba ang defensive mo ro'n? Crush mo ba ang kinakapatid mo?"

"Hindi ah!" Sa lakas ng boses ni Pennee ay nagsitinginan sa kanya ang mga kaklase. Dahil dito, tila gusto niyang matunaw. Muli na naman siyang napayuko nang may marinig na boses sa kanyang likuran.

"Wow, that guy looks familiar..."

Hindi na kailangan pang lumingon si Pennee sa likuran upang alamin ang nagsalita. Si Scarlet lang naman ang bukod tanging laging may sarkastikong undertone sa likod ng mataas na tinig.

"Siguro, nagmakaawa ka sa kanya na bantayan ka. Sabagay, napakasumbungero mo kasi. Akala mo naman, matutulungan ka niya kapag may ginawa ako sa 'yo."

"Is that a threat?" tanong ni Pennee ngunit hindi niya ito nililingon. Her eyes were even shut to save her patience. Goodness gracious, she needed to think of creative ways on how to prevent this brat from agitating her. Siguro ay kailangan na niyang mag-report sa guidance office gayong ama nito mismo ang naroon. Sumbungera na kung sumbungero. "...kasi hindi ako natatakot sa 'yo."

"You b*tch!"

Pennee gasped when Scarlet kicked her chair from behind. Hindi man ito masyadong malakas, ngunit sapat na upang bigla niyang ikairita.

Tatayo na sana siya nang biglang tumunog ang bell. Ilang saglit pa ay may mataas na lalaking pumasok sa silid at pumuwesto sa harapan. Napayuko na lang si Pennee dahil hindi niya nais makita ng guro na namumula sa pagkainis ang kanyang mukha.

"Pennee, hindi ba siya 'yong kinakapatid mo. Ano nga uli ang name niya?"

"Huh?" Inangat ni Pennee ang mukha at laking gulat niya na imbes guro ang nakatayo sa harapan ay walang iba kundi si Yigo. She swallowed. Hard.

"Good morning," anito at iginala ang seryosong paningin. "I just want everybody to know—whoever bullies Pennee will suffer the consequences. At hindi ninyo magugustuhan ang gagawin ko. Malinaw ba!" He slammed his hand on the table.

Bago siya lumabas ng classroom ay tinapunan ng matalim na tingin si Scarlet. Everyone, on the other hand, was silent and dumbfounded of what had just happen.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height