+ Add to Library
+ Add to Library

C8 Chapter 8

Kung kanina ay tila mangangain ang itsura ni Iñigo, paglabas niya ay mangiyak-ngiyak siya sa pagpipigil ng tawa.

The reaction of the whole class was priceless to him. Tila nakarinig ng huling sentensya ang mga kaklase ni Pennee nang siya ay magbanta. Ang totoo'y hindi naman niya balak itong gawin, ngunit nang masulyapan niya sa loob ng silid ang nambu-bully sa kanyang kababata, labis siyang nag-alala. Batid niyang sa porma pa lang nito ay hindi palalampasin ang isang segundo na hindi makaisa kay Pennee. Kaya nga ayaw man niyang manakot ay ginawa pa rin niya, alang-alang sa kaligtasan ng dalagita.

Malaman lang niya na inagrabyado nito si Pennee, gagamitin niya ang anumang koneksyon na mayroon siya upang panagutin ito.

Naglalakad sa pasilyo si Iñigo nang bigla siyang matigilan dahil sa guro na humarang sa kanyang dinaraanan. He only nodded at her without saying anything. Ngunit hindi pa rin siya pinaparaan nito. The teacher with a high bun even blocked him whenever he moved.

What's her problem? "Good morning... po," he breathed impatiently. Pinilit din niyang ngumiti nang kaunti.

"Sabihin mo nga sa akin, hijo—anong ginawa mo sa klase ko?"

Luminga-linga si Iñigo bago itinuro ang sarili. "Ako po ba ang tinutukoy ninyo, Ma'am?"

"Kanino pa ba ako nakatingin? Sa 'yo lang, 'di ba?" Halos lumuwa ang mga mata ng guro habang tinititigan siya. "At isa lang naman ang classroom sa dulo ng corridor na pinanggalingan mo. Kaya sabihin mo sa akin, anong ginawa mo ro'n? May nililigawan ka ba sa grade ten ko? Alam mo bang illegal 'yan dito sa school?"

Nanliligaw agad? Diniinan ni Iñigo ang kanyang mga labi upang pigilin ang sarili na magpakawala ng malakas na halakhak. The teacher must be out of her mind. Paano nito naisip na may pinupormahan siya sa high school? Batid niya sa sarili na minsan ay mahilig siyang mang-goodtime. Pero ni hindi pa sumagi sa isip niya na makipag-flirt sa isang minor. For heaven's sake, kasing-edad lang ni Pennee at ng mga kaklase nito ang kanyang kapatid.

"Nagkakamali po kayo, Ma'am. Wala akong ginawang masama sa grade ten. Hinatid ko lang ang kapatid ko. That's all," ani Iñigo. Binanggit niyang kapatid si Pennee upang hindi na humaba ang paliwanag niya. Sagabay ay ito naman talaga ang turing niya sa dalagita—isang kapatid.

The teacher arched her brows. "At sino naman ang kapatid na tinutukoy mo?" She scanned him from head down to his feet, and then back to the face. "Ngayon lang kita nakita. Sino sa students ko ang tinutukoy mo, hmm?"

"Si Penpen... I mean Pennee. Penelope Sanches po." Oh, come on. Just let me go!

Nagsisimula nang mabawasan ang pasensya ni Iñigo. Mabuti na lamang at tumunog ang cellphone ng guro. Sinamantala ito ni Iñigo. Nang kinakausap ng guro ang tumatawag sa kabilang linya ay patakbo siyang lumayo na walang lingon-lingon. Sana naman, kapag bumalik ako mamaya ay iba na ang teacher nila. He sighed inwardly.

Tila pakiramdam ni Iñigo ay minamalas siya ngayon. Dahil nang patungo na siya sa kanilang gusali ay may pamilyar na tinig ang tumawag sa kanya.

"Iñigo, wait!"

Nilingon niya ang nagsalita na nakatayo sa harap ng gusali na may pangalang School of Modelling. Ilang sandali pa, tumatakbo na papunta sa kanya ang babaeng nakasuot ng mini-shorts at crop top. Hindi siya sigurado kung mino-model lang nito ang kakapirasong suot, o talagang gusto nitong ihayag ang buong katawan.

"Vanessa," walang-buhay na bati ni Iñigo . "What's up?"

Malamig man ang bungad niya, hindi ito ininda ni Vanessa. Yumakap pa nga siya sa braso ng binata. Isinandal pa nito ang ulo sa balikat niya. Now they looked like a couple strolling at a park. Ganoon din naman ang eksena ng iba habang naglalakad. The college side of Alta Gracia campus was more matured, after all. Ibang-iba sa nature ng ginagalawan niya kumpara kay Pennee doon sa high school building.

"Hey, may gagawin ka ba mamaya after the class?" Vanessa asked, grinning. Hindi niya alintana ang malalaking hakbang ng binata. Kahit mataas ang kanyang footwear, sanay siyang lumakad nang mabilis at hindi nabubuwal. "I just want to invite you. May party sa bahay ng coach ng Alta Gracia Devils. I guess, dapat lang na makilala ka na nila kahit wala pang practice game. What do you think?"

"Thanks for the invitation. But I have something to do later. Puno na ang schedule ko," Iñigo responded dryly.

"How about tomorrow night? May gagawin ka ba? Sabado naman 'yon. What do you think?" Halata na ang pagkahingal sa tinig ni Vanessa. Pero sinasadya niyang gawing sexy ang pagbuga niya ng hangin. She was even smirking secretly. "So... puwede ka ba bukas?"

"Hindi ako sigurado." That was he said. But inwardly he meant, No!

Halos lumambitin na si Vanessa sa kanyang braso. Ngunit hinahayaan na lamang niya kung ito ang makapagpapasaya sa dalaga. Isa pa'y sanay naman siya sa mga babaeng katulad nito. Iyong gumagawa ng first move at kahit hindi direktang isampal sa pagmumukha niya ay isinisigaw ang motibo sa kanya. Sa unang kita pa lang niya kay Vanessa, batid niyang liberal ito kung sa liberal.

If only he was in the right mood, he would flirt back at her. Vanessa was a nice catch, that was for sure. Ngunit katulad nga ng promise niya sa sarili ay magli-lilo muna siya sa mga babae, at least after he settled his problem about his lolo. Iyon ay ang pagkumbinsi rito na ituloy ang pagpapagamot upang humaba pa ang buhay.

Isa pa'y gusto niya rin talagang bumawi kay Pennee. Wala siyang nagawa noon para sa pag-recover ng kababata. Ngayon man lang ay maranasan nitong may 'kuya' na nagpoprotekta rito.

Kahit nang pumasok si Iñigo sa loob ng kanilang klase ay tila linta na nakadikit pa rin si Vanessa sa kanya. Tuloy, naging tampulan sila ng tukso. Hindi ito pinansin ng binata at umupo na lang sa silya na kanyang nakasanayan. Mabuti na lamang at may katabi siya.

Nagbuntong-hininga na lamang siya nang lumapit si Vanessa.

"You, alis!" angil Vanessa na wari'y galit na pusa sa babaeng katabi ni Iñigo.

Agad na tumalima ang babaeng tila manang kung manamit. Pagkaalis nito'y umupo si Vanessa. She crossed her legs and beamed at Iñigo. Sapo ng kanyang mga kamay ang baba niya habang nakatukod sa desk ang mga braso. "Akala mo ba, titigilan kita?"

"You gotta be kidding me," bulong ni Iñigo habang nakayuko sa kanyang phone.

"Alam kong hindi ka manhid, Iñigo. You are so aware that I like you... big time."

Iñigo smirked. "Really, huh?"

"Yes, really!" Vanessa said proudly. Luminga siya sa paligid upang i-check kung dumating na ang professor. Pawang mga kaklase pa lang nila ang naroon na ngayon ay may kanya-kanyang mundo. Bumaling siyang muli sa binata at inilapit ang kanyang bibig sa tainga nito. She bit her bottom lip and whispered, "You like how I pressed my body to you, don't you? Kasi kung hindi, kanina mo pa ako itinataboy. Pero hindi. Kaya kahit sungitan mo ako, alam kong hindi magtatagal ay bibigay ka rin sa akin. Kaya huwag mo na akong pahirapan pa."

Iñigo gazed at Vanessa without blinking. Her frankness caught his attention. For some reason, it turned him on a bit. He wanted his women confident and assertive. Gusto niya rin iyong outspoken at alam ang sariling gusto. Damn this lady.

"So what exactly do you want again?" Iñigo asked. Kahit batid niya ang sagot ay gusto niyang siguruhin ito.

"Gusto kong maging tayo na."

Hindi mapigil ni Iñigo na matawa. Hell, this wasn't the first time he heard of that line for him. He'd been asked that way before in English, in French even.

"Are you that desperate?" He frowned but still laughing. "Don't you want me to court you first?" tanong niya kahit ni minsan ay hindi pa niya nasubukang gawin iyon.

"God, I freaking don't have time for that! I want you, Iñigo. Ano ba!"She slammed her hands on her desk, gritting her teeth as if planning to eat him alive.

Napahilot si Iñigo sa kanyang sentido. Napapailing na lamang siya at napapangisi. He couldn't f*cking believed that he was beginning to be convinced... again. Hell, hindi niya alam kung kailan siya magbabago. Hindi na siguro.

"Fine, Vanessa. You're my girl from now on." Though, hindi ko alam kung hanggang kailan.

"Oh, sh*t! Really?" Vanessa's eyes sparked. Sa tuwa ay hinalikan niya si Iñigo bago pa man pumasok ang kanilang propesor.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height