+ Add to Library
+ Add to Library

C9 Chapter 9

Nang matapos ang klase ay si Iñigo pa ang unang lumabas ng pinto. Tiningnan niya ang wrist watch—it was 2:30 p.m.. Mabuti na lamang at tugma ang schedule niya kay Pennee kaya matutupad ang appointment niya rito.

"Iñigo, hintayin mo naman ako!"

Bumuntong-hininga si Iñigo pero hindi siya huminto sa paglalakad. Binagalan niya lamang nang kaunti upang makasunod ang babaeng literal na humahabol sa kanya. Hanggang ngayon, hindi niya lubos maisip kung bakit pinatulan niya ang kalokohan nito. Wala pa siyang isang linggo sa campus ngunit heto siya't may bago na namang babae. Mabuti na lamang at bago siya umalis sa US ay pormal siyang nakipag-break sa huling kasintahan o fling niya roon. Kahit naman hindi na niya mabilang ang mga babaeng dumaan sa kanyang buhay ay ni minsan ay hindi siya nagsabay-sabay.

Problem with him was his relationships with women usually lasted for more or less than five months. At sa mga relasyong iyon ay siya ang madalas na nakikipaghiwalay. The reason was he either felt toxic or bored.

Nadama na lang niya na kumapit si Vanessa sa kanyang baywang at sinabayan ang kanyang paglakad. Tila proud na proud ang dalaga na ipinapakita sa ibang tao na 'jowa' nito ang hot na newly transferred at ang bagong recruit sa sikat nilang basketball team na Alta Gracia Devils.

"Ikaw ha..." Vanessa said, panting. "Nakalimutan mo agad na may girlfriend ka na. Bakit ka ba nagmamadali?"

"Nakapangako kasi ako sa kapatid ko. Pagkatapos ng klase, kakain kami sa labas"

Halos malaglag ang panga ni Vanessa. Hindi niya batid ang pagkagulat kung dahil ba sa may kapatid pala si Iñigo o dahil sa inaalala pa nito ang kapatid, kung sino man ang tinutukoy nito.

"O-oh, wow. May kapatid ka pala dito sa school. So, susunduin mo pa pala siya? Nasa nursery ba or kinder?" curious na tanong ni Vanessa habang abala sa paglalapat ng kanyang mga daliri sa kamay ng binata. After she intertwined their fingers, she made their hands sway in the air.

"What? Nursery?" Hindi napigil ni Iñigo ang matawa. Mariin siyang umiling habang papasok sila sa main building. "She's already grade ten. But actually, she's not my sister. Pero close friends kasi ang parents namin kaya magkaibigan din kami. Childhood best friend ko kasi siya." Though he hated to explain about his personal life, ginawa na rin niya upang hindi na muli magtanong ang babaeng ito.

"I see." Mabagal na tumango si Vanessa. Lihim niyang itinatago ang pagkayamot. Hell, akala niya'y dahil sa mag-boyfriend na sila ni Iñigo ay masosolo na niya ito, o mati-take home ngayong araw. Ang dami pa namang masasaya at maruruming ideya na naglalaro sa kanyang isipan. Paniguradong magugustuhan ito ng binata at mas mahuhumaling ito sa kanya. Ngunit ang mga plano niya'y nasira dahil lamang sa isang tenth-grader. Ano ba si Iñigo, babysitter?

"Um, hindi ba puwede na ipasundo mo na lang siya?" Vanessa suggested. "Eh, kasi... baka mailang lang siya sa ating dalawa. You know that I like you a lot, don't you? At alam mo rin na hindi ko itinatago ang affection ko sa 'yo. Kaya kapag nakita niya na niyakap or hinalikan kita, baka ma-corrupt lang natin ang pure mind ng—"

"Hold on a sec, Vanessa." Bumitiw si Iñigo sa dalaga at tumigil din sa paglalakad. "I just wanted to clarify a few points with you before I get enraged and end anything between us before it even begins. Kaya ako pumayag sa gusto mo ay dahil ini-expect ko na magwo-work tayo. Na nariyan ka lang para mapasaya ako at vice versa. Pero kung ngayon pa lang ay kokontrahin mo ako at mag-uumpisang maging toxic, for the record, my relationship's span with you will be my shortest." His voice held some warning

Napalunok si Vanessa. Namula pa ang kanyang mukha dahil sa loob ng kanyang sistema ay biglang sumuot ang pagkalito at panic. Bakit napaka-exaggerated ng reaksyon ng kanyang kasintahan patungkol sa sinasabi nitong kababata? Ganoon ba ito kahalaga sa kanya? Hindi ba, siya dapat ang priority nito dahil siya ang girlfriend? Gusto man niyang mangatuwiran pa ay nagpahinuhod na lamang. "F-fine, sorry na." Hindi man niya ganap siya sang-ayon sa inilatag na arragement ng binata ay tinanggap niya... sa ngayon.

Hindi bale. Gagawin ko ang lahat para ako na ang pinaka-priority mo sa susunod. Na-convince nga kita agad na maging boyfriend ko. Mas marami pa akong magagawa para ako na lang lagi ang isipin at sundin mo.

***

Pakiramdam ni Pennee ay wala siyang gaanong naintindihan sa lecture ng guro. Mabuti na lamang ay regular discussion lang sila ngayon at hindi graded recitation. Kung nagkataon ay sa unang pagkakataon ay tumataginting na itlog ang magiging marka niya.

Kasalanan 'to ni Yigo! Nagngingitnit siya habang isinusuksok sa bag ang kanyang notebook. Isang minuto pa lang ang nakararaan nang lumabas ang kanilang guro. Bakit niya kailangang gawin 'yon kanina? Sobrang lakas naman ng loob niya? Paano kung lalo akong kantiyawan ng mga kaklase ko?

Ngunit hindi nangyari ang kinakatakot niya. Dahil pagkatapos ng klase ay tila nalimutan na ng mga ito ang ginawa ni Yigo. At si Scarlet naman ay hindi siya kinibo hanggang sa magdabog ito palabas ng pinto ngayon lang.

"Himala, ah," natatawang bulong ni Dolly at lumingon kay Pennee. "Tumitiklop din pala ang bruha na 'yon. Si Yigo mo lang pala ang katapat."

Halos magsalubong ang mga kilay ni Pennee. "Anong Yigo ko? Ikaw, kung ano-ano na naman ang sinasabi. Why don't you just keep your comments to yourself, Dolly? Hindi naman nakakatulong."

Narinig niyang tumawa lang ang kaibigan. Hanggang sa tumayo na ito bitbit ang bag. "High blood ka pa rin kahit wala nang mambu-bully sa 'yo? Naku naman, girl. Baka defense mechanism mo lang 'yan, ha. Kunwari naiinis ka sa ginawa ni 'Yigo mo' kanina. But deep inside, kinikilig ka dahil ang astig lang niya sa harap. Tama ba ako?"

"May tama ka na nga... sa ulo. Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Pagod na akong mag-oppose," ani Pennee. Nakayuko siya habang sini-zipper ang bag pero nakaupo pa rin.

"Hay naku, tara na nga. Ili-libre na lang kita ng burger at float. Samantalahin mo nang galante ako ngayon kasi kabibigay lang ng allowance ko." Dolly winked.

"Thank you, girl. Pero next time na lang. May hinihintay pa kasi ako. Sabi niya, susunduin niya ako pagkatapos ng klase." Pagkasabi niyon ay biglang tinakpan ni Pennee ang kanyang bibig. Huli na upang bawiin ito dahil tumatalon na sa pagkakilig si Dolly.

"OMG, girl! Ang sweet naman talaga ng Yigo mong 'yan. Sige na nga. Mauuna na ako at may iba naman palang manlilibre sa 'yo." Isinukbit nito ang bag sa balikat at kumindat pa sa kanya bago umalis. Humirit pa ito ng isa. "Goodluck sa date with Yigo mo, ha!"

Pennee tried to smile, though she was gritting her teeth. "You witch. Pasalamat ka, wala akong time pumatol sa kalokohan mo ngayon," bulong niya at sinulyapan ang relos sa braso. She frowned. It was five minutes after three. Nasan na siya? Nakalimutan kaya niya? Or baka may class pa siya. Hindi naman niya puwedeng ipagpalit ang pagsundo niya sa 'kin sa lessons niya. She sighed in dismay when she fished out her phone. Wala ring text galing sa kanya. Ano kaya kung magpasundo na lang ako kay Daddy?

"Pennee!"

Dahan-dahang inangat ni Pennee ang mukha niya. She was unaware of the smile that curved across her face when Yigo appeared by the door. Papasok na sana ang binata nang biglang natigilan dahil may babaeng umangkla sa braso nito.

Pennee blinked. Bigla ring naglaho ang matamis na ngiti sa kanyang mukha. Sino 'yong kasama niya? Hindi na niya hinayaang pumasok ang binata. Siya na ang lumabas ng classroom. Kahit tila hindi siya komportable sa presensya ng matangkad at magandang babae ngunit tila naka-glue kay Yigo ay pinilit niyang ngumiti.

"Baka may klase ka pa, ha."

"Hello too, Pennee," natatawang bati ni Yigo sabay kuha sa bag ng dalagita. Narinig niyang tumikhim si Vanessa kaya bigla siyang nagpormal. "Oh, by the way, this is Vanessa, my... girlfriend." Tila hindi maisatinig ni Yigo ang kanyang mga salita.

"Hi, Pennee! Nice to meet you. Vanessa here." She stuck out her hand. "Ikaw pala ang sinasabi ni Iñi... I mean, ni honey."

Girlfriend? Honey? Kailan pa? Bakit walang nababanggit si Yigo tungkol sa kanya? Samu't sari pa ang katanungan sa isipan ni Pennee. Ngunit pinilit niyang hawiin ito, kung hindi ay baka matulala na lang siya dahil sa hindi inaasahang balita ng kababata niya.

"H-hello, Ate Vanessa. Pennee po." Tinanggap niya ang pakikipagkamay ng isa na agad ding binawi.

"Oh, please. Just Vanessa. Don't call me ate kasi parang nakakatanda. Isa pa, mukhang hindi mo naman tinatawag na kuya ang honey ko kaya call me by my name too." Vanessa wrapped her arms around Iñigo. Tila ipinapakita nito kung gaano siya kalambing sa nobyo.

"O-okay, V-Vanessa," sambit ni Pennee at mabagal na tumatango. Bagay nga naman sila. Parehong maganda at guwapo. Parehong matangkad. Para silang Petrona towers. Sa kabila ng pagpuri ng dalagita sa dalawa, bakit may kurot sa loob ng kanyang dibdib?

A couple of minutes later, they arrived at a fast food restaurant just nearby the campus. Pennee was happy that Yigo fulfilled his promise to take her out after the class. Pagkakataon na nila ito upang muling kilalanin ang bawat isa. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging awkward ang pagsasama nila dahil sa eksena sa kanyang harapan.

"Honey, try this chicken. Napaka-juicy, parang ako lang."

Hindi na nakatanggi si Iñigo dahil pagkabuka ng bibig niya ay isinubo na ni Vanessa ang drumstick sa binata. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ngunit hindi bumabaling kay Pennee ang babae. Tila invisible siya ganoon din ang ibang customers. Walang nakikita ito kundi si Iñigo at kung asikasuhin niya ito ay tila hindi marunong kumain mag-isa.

Itinuon na lang ni Pennee ang kanyang atensyon sa float. Habang sinisipsip ito ay sa labas nakatanaw. Ang saya maging chaperon!

"Pennee, gusto mo ba ng extra fries? Kukuha kasi ako sa counter."

"Hmm?" Napaarko ang mga kilay ni Pennee nang hawakan ni Iñigo ang kamay niyang nakalapat sa mesa. Mayamaya'y pinisil na nito ang kamay niya.

"Sabihin mo lang kung ano pa ng gusto mong order."

Gusto niyang tumanggi. But she was really fancying eating fries hours ago so she nodded and smiled. "Sige, Yigo. Isa pa sa 'kin. Okay na 'yong regular na lang pero mas maraming cheese."

"Copy," Iñigo said and winked at her before standing. Tinapik niya sa balikat si Vanessa bago humanay sa pila.

Ngayon lang naisip ni Pennee na hindi pala magandang ideya na hinayaan niyang maiwanan silang dalawa ni Vanessa sa mesa. Kung kanina ay daig pa nito ang kinikiliti sa kakatawa, ngayon ay tila binagsakan ng langit at lupa kung makasimangot.

Dapat pala ako na lang ang pumila sa counter. Ang awkward naman kasi ng isang ito. Pero ha, pakitang-tao lang pala siya kanina. Ang bilis magbago ng mood dahil wala si Yigo. Hindi na niya matiis ang nakakailang na katahimikan sa kanilang dalawa kaya naisipan niyang magbanyo muna. Ngunit akmang tatayo siya nang magsalita si Vanessa.

"So, hindi mo naman pala talaga brother si Iñigo," ani Vanessa. Now she was gazing at Pennee while playing with the curly locks of her long hair. "If you don't mind me asking, mag-ano ba talaga kayo?"

Bakit niya tinatanong? Hindi pa ba naikuwento sa kanya ni Yigo? Bakit ako pa ang magpapaliwanag. Limited kaya ang memories ko tungkol sa amin. Sa kabila ng tanong sa isip ay sinikap niyang sagutin ito. "Magkalaro kami dati. Ten years old siya at five years old naman ako noon. Mag-bestfriends kasi ang mga tatay namin kaya close din kami. Pero ngayon lang kami uli nagkita kasi nag-migrate sila sa US."

"O-okay..." Mabagal na tumatango si Vanessa. Ngunit sa tono niya ay halatang hindi kumbinsido.

"You know what, bihira lang ang mga naririnig ko na friends noong mga bata pa sila, tapos paglaki nila, close pa rin. People change, you know. Puwedeng kaibigan mo sila noon, but as time pass by, magkakaroon tayo ng mga bagong kakilala at 'yong friends natin dati, wala na sa isip natin. Not unless, nag-level up na ang friendship."

Pennee frowned. Sa hinaba-haba ng speech ni Vanessa ay hindi niya mawari kung ano ang nais tumbukin nito. Kaya kahit ayaw niya ay tinanong pa rin ito. "What do you mean?"

"Simple lang naman, Pennee," Vanessa continued. Pinagsalikop niya ang mga braso at lumingon sa kinaroroonan ni Iñigo. Nasa unahan na ito ng counter at kausap ang crew. "Iñigo is such a hot guy. Kahit sinong babae ay hindi gugustuhin na friend lang ang io-offer niya. Tama ba ako?"

"I don't know," maagap sa sagot ni Pennee. This time, heat was creeping up her face, kaya muli siyang sumipsip sa kanyang float. Goodness, kung puwede lang ihilamos niya ang ice cubes sa iniinom niya upang humupa ang init ng mukha niya. "I don't know why you talk to me that way, Vanessa. Pero hindi ko iniisip 'yan dahil katulad nga ng sinabi ko, kababata ko si Yigo. We are almost brothers and sisters."

"Well, dapat lang, Pennee," Vanessa snapped, one brow arched upward. "Dahil kahit special ka sa kanya, remember that I'm still the girlfriend between the two of us. Understood?"

"Huwag kang mag-alala, Vanessa," Pennee said. Matunog niyang ipinatong sa mesa ang plastic cup ng float. "Yigo is simply a friend to me, believe me. So I'm not sure why you sound threatened since according to you, you are the girlfriend. Now if you will excuse me..."

Mabilis na pumihit si Pennee at sumugod sa direksyon ng comfort room. Goodness gracious! Ngayon ay totohanan na ang pagtawag sa kanya ng kalikasan. Hindi ito dahil sa inubos niya ang float, kundi dahil sa tensyon sa girlfriend ni Iñigo na ubod pala nang selosa.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height