Perfectly made for you (My boss)/C2 Crossing paths again
+ Add to Library
Perfectly made for you (My boss)/C2 Crossing paths again
+ Add to Library

C2 Crossing paths again

Chloe's POV

Isang linggo na ang nagdaan hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari sa amin ng lalaking nakasama ko sa iisang kama. Hindi na rin ako nag-attempt magtanong kasi ayokong ako mismo ay mandiri sa sarili ko kaya umalis ako dun bigla at heto na nga naiwan akong absent minded parati. Napabuntong hininga na lamang akong nakatayo sa may paninda ng supermarket. Napaigtad ako nang bahagya ng may nagsalita sa likuran ko dahilan para mapalingon ako at matulala. halos walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

"Hey baby,"

Sabay lapit sa'kin ng hindi man lang inaalis ang titig. Napalunok ako at marahang nagsalita.

"Ump! may kailangan po ba kayo sir?"

Pamimple kong tanong.

'parang Tanga ka lang Chloe Nicole!' Bulong ko sa sarili, na siya rin nagpangiti sa'kin.

"Bakit bigla kang umalis ng bahay ko

Without saying goodbye to me?"

Saka siya dahan-dahang lumapit sa akin at inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. napakurap ako at napatitig sa maganda niyang mata.

"H-hindi naman kita kilala eh! p-pero thank you sa pagsagip mo sakin nung nagkagulo sa bar habang lasing ako,"

Pangiti kong turan na napapasabay pa sa mata kong pumikit rin. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing napapangiti ako pati mata ko sumasabay din na napapapikit.

"Hmmm!"

Sabay atras niya ng nakapamulsa pa at ngumiti.

"Anong oras ka matatapos rito?"

Simpleng tanong nito habang nakamasid sa paninda ko.

"Ammp!"

Napangiwi pa ako.

"8pm po sir, bakit po sir? May kailangan ka po?."

Kaswal kong turan.

"Meet me at Cafe La Tino, after work."

Simpleng sabi nito saka tumalikod at umalis ng walang anong sabi.

"Ahh!"

Hindi na ko nakapagsalita pa dahil bigla na siyang umalis at naiwan akong tigagal. 'Ano kaya ang nasa isip ng lalaking 'yon? kabute ba siya? Lulubog lilitaw kung saan-saan. Hish!' Pagmamaktol ng utak ko.

'Makikipagkita kaya ako O Hindi? Pero mas okay yung mag kita kami para matanong ko siya kung ano ang totoong nangyari samin ng gabing 'yon.' Nagregister ulit sa isip ko ang hubo't-hubad niyang katawan. At heto namumula ang pisngi ko sa unexplainable feeling na nadarama ko ngayon.

"Sige pupunta na ako."

I whispered,

---

Exactly 8pm palabas na ako ng supermarket maglalakad na Sana ako ng may bumusina.

agad ko naman itong nilingon at may kotseng huminto sa tabi ko saka nagbukas ang pinto ng kotse sa drive seat at lumabas ang isang matipunong lalaki at agad akong nilapitan.

"Tayo na po sa Cafe at nag-aantay na po sa inyo si Sir. Shone"

Magalang nitong wika.

"O-okay!"

Nagulat man ako pero Tumango pa rin ako at sumakay sa kotse na kung saan siya lulan nito. Pagkalabas ko nang kotse, saka ko pa lang napansin ang ganda at mamahaling kotse na sinakyan ko. sa kabilang banda kitang-kita ko na siya sa loob na cafe na kaswal na kaswal lang ang dating, yung tipong alam mong may table manners. humugot muna ako ng malalim na paghinga, saka pumasok sa loob. at agad ko siyang nilapitan saka nagsalita.

"Sorry! Napag-antay kita tuloy ng matagal, medyo busy kasi sa supermarket at alam mo na."

Pasimple nalang akong napangiti, para di mahalata ang kaba ko.

"Well, it's fine,"

Saka siya tumayo at pinaghila ako ng upuan para ako'y maupo kaharap siya.

"You can now have your sit."

Bakas ang seriousness sa tono nito with his sexy looking eyes.

"Ammp! Thank you."

Ngumiti ako sabay upo.

"Anong gusto mo?ms.---??"

Tanong nito.

"Chloe-- Chloe Nicole santillian, for short Chloe nalang or Nicole-- depende sa gusto mong itawag sakin, pero mostly tawag nila sakin chloe."

Sabay ngiti.

"I see, well umorder kana kung ano gusto mo Ms.santillian,"

Pasimple nitong sabi.

"Ammp! Ikaw nalang pumili kahit ano, sorry diko kasi alam kung anong pagkain at inumin mayroon rito, Mr. ---"

Ganti kong sagot sa kanya.

"I'm Shone Andrade,"

Sabay abot ng kanyang palad sakin. Inabot ko naman ito saka nakipagkamay sa kanya ng may ngiti sa aking labi.

"So what do you want?ms.santillian."

Tanong niya sakin na may nakakamatay na titig.

"Ammp!"

Sabay haplos sa batok ko,

"Pwedeng cappuccino na lang Akin at ikaw na ang bahala sa kapares."

Nakangiti kong sagot. Tumango lamang siya at tinawag ang waiter.

"1 cup of cappuccino 1 almond cake and as always 1 cup of brewed coffee." Saka umalis ang waiter, 2 minuto na ang nagdaan pero wala siyang kibo tinititigan niya lang ako habang ako naman nagkukunwaring tinitignan ang aking phone, hanggang sa dumating na ang waiter at dala na ang aming order, pagkalapag niya sa mesa nagpasalamat naman ako saka mabilis siyang umalis kaya muling nangibabaw ang katahimikan samin. Pero hindi ako nakatagal dahil namangha ako sa almond cake mukha kasing masarap.

"Hmm! Thank you sa almond cake, ah- Mukhang masarap."

Nakangiti kong sabi sabay haplos sa aking batok. Tinikman niya lang ang coffee niya ng bahagya saka nilapag ulit sa mesa,wala man lang siyang anong sinabi at ang ginawa niya lang ay tumitig sakin.

-------------

Hello! Again everyone 👋👋

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height