+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Fun

Shone's POV

Ang pagkaka-alam nang lahat sa akin ay isa akong strikto, sarkastiko at imperfectioness na CEO. Kaya napanatili ko ang aking personalidad na ganito dahil ayokong makita nila ang weaknesses ko. Ayoko rin makita nila na ikanasisiya ko ang mga effort nila inside my company. Sapat na para sakin ang mapasalamatan sila for being a good employee on my company. But this fast few days ginugulo nang babaeng 'yon ang isipan ko, at halos hindi ako makapag-focus sa trabaho ko dahil bigla nalang akong napapangiti sa tuwing sumasagi siya sa isipan ko. And this lady named chloe is really captivating. yung kahit simpleng ngiti niya lang parang nabubuo niya na ang araw ko, kaya heto kami minamasdan ko lang siya habang ninanam-nam niya ang pagkain ng almond cake, at nang siya'y matapos saka pa siya nagsalita. Inaantay ko lang na siya ang unang magsalita O magtanong kasi alam ko naman kung ano ang gusto niyang itanong.

"Hmm! Pwedeng magtanong? Sana di ka magalit? Okay lang ba?"

She softly smiled.

"Sure, Spill??"

Agad ko namang sagot. Kitang-kita kong napalunok muna siya bago magsalita.

"May alam ka-- ba sa nangyari nung sa Bar?I mean dun sa bahay mo-- O sa mansion ba? Ah- kasi lagi kong naiisip pero nahihirapan akong ma-recall kung ano talaga ang totoong nangyari,"

She bluntly asked. Alam ko na yan ang itatanong niya sakin kaya Alam ko rin kung ano ang nararapat na isagot sa kanya.

"Yeah! kung ano nasa isip mo yun ang nangyari satin."

Simpleng sagot ko sa kanya para makita ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Namilog ang kanyang labi na halatang hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

"Pinagloloko mo ata ako-- eh!"

Napapahilaw na ang pagngiti nito.

"Nakita mo naman siguro na wala akong saplot at wala ka ring saplot pagkagising mo diba?ano paba ang pwedeng maaring gawin ng lalaki at babae na naka hubot'hubad? Manalangin sa loob ng madilim na silid?"

I act so serious para hindi niya isipan na binibiro ko lang siya. I just want to make fun of her. Namula naman agad ang kanyang pisngi na halatang nahihiya sa kanyang mga narinig mula sakin.

"P-pero --- Imposible y-yan! Bakit hindi ko maalala? and besides wala naman akong nararamdamang kakaiba sa sarili ko!"

Natutuliro na siya. And it finds me interesting.

"Are you implying that my words are all lies?"

On my serious tone. Natahimik siya at parang naiiyak na,

"P-pero buong buhay ko iningatan sarili ko Tapos mawawala lang ng ganun -- Sa hindi ko pa kilala."

Napahikbi na nga siya.

Ako naman itong nagulat sa inamin niya hindi ko akalain na may katulad pa niyang babae sa mundo. All I thought ang mga babaeng mahilig gumimik at nagpapakalasing tuwing gabi ay yung mga babaeng walang ibang gusto kundi ang magsaya at maging iresponsable sa buhay nila. tulad ng gabing nakita ko siya sa bar na lulong sa alak. Tama nga marahil ang kasabihang 'You can't judge the book by its cover.'

"Hmm! Sorry k-kasi ang burara ko masyado, Nagpakalasing ako ng husto at dinamay pa kita Sorry talaga."

Saka madaling pinunas ang kanyang luha na unti-unti nang pumapatak.

"It's fine, the damage is done, but no worries i'll be responsible for everything, kung kailangan mo ng counciling I'm here for---"

Naputol agad ang aking sasabihin nang bigla siyang tumayo at umalis. Mabilis ko naman siyang hinabol at hinawakan ang kanyang braso saka nagsalita.

"Wait,it's fine, i-im sorry! I--"

"Okay lang I understand kasalanan ko naman eh! naging careless ako, I'm fine t-thank you for you help."

She simply smiled. Parang natunaw ako sa ngiting pinukol niya sakin, saka ko siya binitawan at malalaking hakbang siyang lumabas rito sa cafe. Habang ako naman ay bumalik na nang sasakyan at dumiretso sa mansion.

----

Kahit sa opisina naiisip ko pa rin ang bawat kilos at ngiti niya sakin, hindi ko alam kung anong klaseng alindog ang meron siya na nakakapagpasaya sa akin. Hindi lang sa isipan ko kundi sa buong pagkatao ko, wala akong affection na nararamdaman sa kahit kaninong babae, kahit gaano pa sila kaganda at ka sexy. But to her? She's really something that i can't even explain. Bigla kong pinindot ang intercom at pumasok ang sekretarya ko, may pinahanap ako sa kanya at agad naman niyang sinunod.

Tinatapik-tapik ng daliri ko ang mesa habang naghihintay sa files na inutos ko sa sekretarya ko, at ilang minuto lang pumasok na siya dala ang ibang files inilapag niya ito sa mesa ko saka umalis.

"Chloe Nicole santillian, 23 yrs. Old living alone, -----.......

Agad akong tumayo tsaka bumaba ng building at dumiretso sa parking lot ginamit ko ang black hammer ko na Sasakyan saka umalis.

------

Chloe's POV

Wala akong pasok kaya kahit mainit na sa labas hindi pa rin ako bumangon kahit agahan hindi pa ako naghanda. sa mga narinig ko kahapon kay Mr.Shone parang gusto ko na lang ilibing ang sarili ko sa lupa.

"Hissh! Ikaw kasi eh' Nagpapakalasing hindi naman pala kaya 'ayan tuloy, disgrasya ka. Paano na lang ako mag-aasawa nito? Wala na akong maipagmamalaki sa kanya. Ay naku naman eh!"

Pagdadabog ko sa sarili.

"Pero may tatanggap naman siguro sakin nito kahit ganito lang ako."

Nalungkot ako bigla at ang dami na tuloy malungkot na alaala ang pumasok sa utak ko at halos napapahikbi na ako nang may biglang kumatok sa pintuan. Kaya nagmamadali akong bumangon dahil baka si Angel at Shana 'yon kasi alam nilang day-off ko, pagkabukas ko nangg pinto nagulat ako ng bahagya sa hindi ko inaasahang bisita.

"Hi"

He smiled.

"Sir.Shone?"

Tanging nasambit ko. Bigla naman niya akong niyakap at siya pa ang umakay sakin papasok ng bahay ko. mabilis ko naman siyang natulak.

"Anong ginagawa mo rito Mr.Shone? At a-ano 'to? may kailangan ka po ba sakin?"

Nagtataka kong tanong dahil sa mga kakaiba niyang kilos.

"From now on you're under my responsibility, so dont say NO to me, understand?"

Bigla nitong turan sakin. Gulong-gulo naman ako sa mga sinabi nito at ni hindi ko na nagawang makapagsalita pa.

---------------

By the way guys free to comment po and suggest po kayo nang gusto niyong scene para magawa ko sa ibang stories 😊

Hope you'd like it lovies! :)

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height