+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Coversation

Chloe's POV

Napapayag niya akong maging responsibilidad niya sa kadahilanang bina-blockmail niya ako para lang mangyari ang kagustuhan niyang tumira ako kasama siya. Hindi ko akalain na sa panlabas niyang kaanyuan na disente at kagalang-galang ay may nakatago pala siyang kademonyohan na pag-uugali.

Akalain mo nga naman na ikakalat niya raw ang nangyari sa amin sa mga social sites at dahil sa mayaman nga raw siya pwede niyang ipalabas na kasalanan ko ang lahat at siya ang biktima. WTF! Napapapikit nalang ako sa tuwing naiisip ko yun. At heto nga, nalipat ako agad sa penthouse niya dahil hindi man lang niya pinalagpas ang oras. lahat ng gamit ko ay nalipat na rito habang yung mga luma kong gamit naiwan sa bahay na tinitirhan ko except sa mga damit ko. Namangha naman ako sa interior design ng penthouse napaka-flawless at kahit medyo madilim ang dating para sakin. dahil sa mga gamit na walang ibang kulay kundi itim at gray lang. wala man lang halaman O ano, yung tipong alam mong lalaking-lalaki nga talaga ang Nakatira sa loob ng penthouse. At nang marating ko ang aking silid ganun din parang may darkside ang dating ng kwarto ko marahil siguro dito siya minsan, at siguro galit siya sa mga light colors or happy colors. At dahil nakaramdam ako ng pagod ngayong araw na ito, nagpasya akong humiga sa malapad na kama at pumikit.

------

Shone's POV

Naiinis na ako sa tagal ng meeting matapos, ang sarap nilang sigawan at tanggalin lahat sa trabaho, kundi ko lang iniisip na nasa kompanya ako at wala ako sa mansyon. kaya nagtiis ako hanggang matapos. Almost 1 hour din ang meeting at agad kong tinawagan si jack na driver ko para abangan ako sa entrance dahil di na ko ba-baba ng parking lot, nang nasa entrance na ako sinalubong niya agad ako at pinagbuksan ng pinto ng kotse saka siya dumiretso sa driver seat at nagmaneho.

"Sa penthouse ko jack."

Utos ko.

"Yes boss,"

Tugon niya.

Pagkadating sa building binati ako ng mga tauhan ko at pumasok ako sa private elevator ko kung saan diretso sa penthouse ko dahil pag-aari ko lang naman ang mataas na penthouse na ito. Pagdating ko kumatok muna ako para hindi naman niya sabihin na bastos ako at bigla-bigla nalang papasok, pero walang sumasagot. nag doorbell ako wala pa rin. kaya binuksan ko na lang dahil may susi naman ako rito. Hindi ko alam bakit nagmamadali pa akong pumunta rito, wala namang espesyal sa kanya na dapat kong ika-excite na makita siya, nang nabuksan ko na ang pinto. nagmamasid muna ako sa loob ng condo at nakita ko nga siya sa kwarto nakahiga at himbing na himbing ang kanyang tulog, nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama pinagmamasdan ko ang kanyang maamo at inosenteng mukha, gusto ko siyang dampian ng halik sa kanyang mapulang labi, kaso nagdadalawang isip pa ako baka magising ko ito at ano pa ang sabihin niya. Gumalaw siya ng bahagya at minulat niya ng paunti-unti ang kanyang mga mata, nanlaki ang mata niya ng makita niya ako at agad na bumangon saka tumayo sa gilid ng kama.

"Te---teka a--ano ng ginagawa mo rito?bakit nakapasok ka?"

Bakas ang pagkagulat rito. Tumayo ako at niluwagan ang necktie ko saka siya nilapitan ng dahan-dahan hanggang sa masandal ang kanyang katawan sa pader kong babasagin.

"Bakit hindi na ba ako pwedeng umuwi sa penthouse ko?"

Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Ah-- b-bakit dito ka rin titira? Diba may mansyon ka?"

She's now confused.

"Yeah! But still, this is my penthouse. and I can go here anytime I want."

I sarcastically say. Napapikit nalang siya at napasinghap na sa tantiya ko para siyang bulkan na sasabog.

"Umm!"

Sabay haplos sa batok niya, habang ginagawa niya 'yon palagi. para niya akong inaakit at sa isip ko para niya akong inaaya na kagatin ang kanyang batok sa sobrang kinis at mapipinong balahibo na mayroon rito. Pero pigil na pigil ko lang ang sarili ko. Bumuntong hininga na muna siya bago magsalita.

"Pwede ba kitang makausap ng maayos sir. Shone?yung masinsinan na pag-uusap"

She bluntly say. Tinanggal ko ang aking necktie at lumayo sa kanya saka inilapag sa side table ang necktie at Umupo sa pang-solong sofa.

"Okay! You may talk."

Maiksi kong tugon. Napapansin kong hindi siya lumalapit kaya nagsalita ulit ako.

"Paano tayo mag-uusap ng maayos niyan kung hindi ka lalapit? And don't call me Mr.Shone. call me shone wala tayo sa office ko. nasa bahay ko tayo no need to be formal,"

Maikli kong paala-ala sa kanya, Saka siya dahan-dahang lumapit.

"Upo."

Paanyaya ko sa kanya, dahil alam kong naninibago pa siya sa set-up na ginawa ko at parang lahat ata ng galaw niya dapat may instruction ko. And i find it weird, but interesting. Umupo siya sa gilid ng kama Saka nagsalita.

"Pwede ko ba malaman kung anong ginagawa ko rito at anong gusto mong gawin sakin?"

Diretso niyang tanong, parang hinahayaan na lang niya ang kung anong gustong lumabas sa kanyang bibig. Napangiti ako ng palihim, dahil nagsasalita siya sakin without glancing on me.

"Look!"

Utos ko sa kanya while staring at her.

"Gusto kitang maging babae."

I bluntly answered.

------

Chloe's POV

Halos di ako makapagsalita sa aking mga narinig. nanginginig ako sa galit, sa inis, sa hiya o ano man. Mix emotion ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito at parang hindi ko masikmura ang sarili ko, na parang binenta ko ang sarili ko sa demonyo.

"P-pero bakit ako? saka ayoko! Di ko kailangan ng taong oobligahin ako ng dahil lang sa isang Gabi."

Pag-amin ko. Tinitigan niya lang ako. As in titig na titig, mapupungay ang mga mata nito kaya tiyak kahit na sinong babae hahanga sa kanyang mga mata.

"Ugh! Oh' c'mon! Magsalita kana man?"

Hindi na talaga ako nahihiyang ipakita ang totoong dinaramdam ko sa pananahimik niya at pagtitig.

"What do you want??"

Maikli niyang turan.

"Sa dami ng sinabi at tanong ko ang ikli na nga lang ng sagot mo, patanong pa."

Naiinis kong tugon sa kanya.

"Gusto mo bang may contrata pa tayo? o ikalat ko na lang yung nangyari satin? Okay lang sakin yan lahat"

Prangka niyang sabi. Para akong tanga Napasubo sa sarili kong gawa.

"Issh!"

Nakakadismaya kong reaksyon sa mga tinuran niya.

"It's your choice,"

Segunda niya agad.

"Okay-okay! wala bang ibang paraan?O ano?"

Hindi ko makapaniwalamg sabi.

"Sa contrata pwede mong baguhin ang ayaw mong gawin, pero kung gusto mo ikalat ang nangyari satin, ipapalabas kong ikaw ang nang-akit sa'kin and you purposedly climb at my bed on my own room."

Perpektong alibies nito. Napa isip ako ng ilang minuto at nag stick ako sa kontrata.

"Okay! Sa kontrata na lang ako pero swear pag may hindi ako nagustuhan babaguhin ko talaga."

Pag-amin ko.

"Okay, so the contract will be sign tomorrow,"

Saka siya tumayo at dumiretso sa walk-in closet.

---------------

Another chapter is done! Thank you so much lovies. :) Follow for more updates

Vote if you like the chapter

And share sa may gusto :)

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height