+ Add to Library
+ Add to Library

C5 Contract

Chloe's POV

Medyo kinakabahan ako sa mangyayaring pirmahan ng kontrata namin ni shone ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mga gusto niyang patakaran, baka siguro gusto niya akong maging sex slave o ibenta sa mga kilalang mayayaman para pagpasa-pasahan. Napalunok ako dahil sa maruming takbo ng isip ko, dumiretso ako sa may refrigerator at kumuha ng pitsel para magsalin ng tubig sa baso, nang biglang may nag doorbell. Kaya nagmamadali ko itong binuksan and there he is. Shone andrade.

"Good pm, baby!"

May bahid ng kaantipatikuhan niyang wika habang may hawak-hawak na isang folder sa kaliwang kamay.

"Hi"

Maikli kong bati sa kanya ng may pekeng pag-ngiti.

"Can I come in?"

Anito, Napangiti ako ng marahan saka sumagot.

"Oo naman, Sino ba naman ako para hindi ka papasukin sa sarili mong penthouse"

Saka tumitig rito. Gumanti rin siya ng titig sakin, at ako ang tuluyang bumigay kaya binaling ko ang paningin ko sa ibang direksyon kaya bigla siyang ngumisi at pumasok ng kaswal. saka ko naman sinara ang pinto at lumapit sa sofa kung saan siya nakaupo. Nilapag niya ang kontrata at inilabas niya ang kanyang signpen sa loob ng kanyang suit.

"Here, read it. Para maintindihan mo ang mga nakasaad sa kontrata. And what's my do's and dont's, may pwede ka rin baguhin diyan pag may hindi ka nagustuhan."

Seryoso niyang turan, Agad ko naman itong kinuha at binasa. lahat ng nakasaad ay okay naman ngunit may iilan din na hindi ko gusto. So i frowned.

"Bakit kailangan ko sumama sa mga outdoors party mo? And do I need to wear mask? So people won't able to see me. Is that for real?"

Napa english ako nang di inaasahan, kahit ako gulat sa mga lumalabas sa bibig ko.

"Ayaw mo ba? Babayaran naman kita sa bawat lakad natin eh' just say it, besides ayaw mo rin naman sigurong makilala ka ng mga tao?gusto mo ba malaman nila ang identity nang ka date ko?"

Paliwanag nito sakin na may bahid pa nang pagmamayabang.

"Ow! Okay, may ganyan ba talagang magaganap? I mean bayaran talaga?s-syempre ayokong may makakilala sakin baka isipin pa nila gold digger ako."

Halos nahihiya ko pang banggitin. Tumango lamang siya at tinitigan ako straight unto my eyes, nahihiya na ako sa kanyang ginagawa kaya bumalik ako ng tingin sa kontrata.

"Ano to?"

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

"Pag di ako nag-obey sayo lahat ng nakasaad sa kontrata mawawalan ng bisa at ikakalat mo yung nangyari sa atin? At sa lahat ng nakasulat dito itong last pa talaga ang hindi pwedeng palitan?"

Para akong mababaliw sa nakasaad dito. And then again he just smirked, parang gusto niya nga talaga itong mangyari. at sa lahat ng naturan dito, wala akong nabago. 'businessman nga siya at sa katunayan kikita din ako with him by my side.

Pagkatapos kong mapirmahan ang kontrata ay nagdaum-palad kaming dalawa at nang naglapat na ang aming kamay nakaramdam ako ng goosebumps. dahil marahil sa ibang sensational touch na mayroon siya, hindi ko naman ito na fe-feel sa ibang boys na friends ko. Sa kanya ko lang ito naramdaman.

"Nice dealing with you Ms. Chloe Nicole santillian."

Then he smiled.

"Same to you Mr. Shone Andrade!"

Gumanti rin ako nang ngiti sa kanya.

Nang gabing 'yon we settled all the things that had written on that contract. nagpalitan kami ng numbers at pati ang pagtira namin sa iisang bubong, dapat may pagitan kahit we lived in one roof at kahit pa din may nangyari samin. We try to stay behave para hindi kami magulo sa loob ng penthouse at kung mag-uusap man kami walang sigawan o gulo na mangyayari.

------

Maaga akong nagising dahil sa kailangan kong pumasok sa trabaho. dahil dalawang araw na akong absent, kaya bumangon ako at diretsong tumungo sa kusina gustong-gusto ko ang kusina dahil comfort zone ko 'yon at maluluto ko ang lahat ng gusto kong lutuin dahil kompleto ang kitchenware at stress reliever ko rin ang pagluluto. Pagkabukas ko ng ref. kinuha ko ang sliced chicken at ilang gulay, masarap kasi sa agahan ang tinolang manok, saka nagsaing na rin ako ng kaunti para may mabaon ako papuntang work.

Pagkaluto ng tinola at kanin, diretso ako sa kwarto para ihanda ang uniform ko at ibang gamit ko saka ako dumiretso sa banyo at naligo. Pagkatapos ko maligo nagbihis ako at nag-ayos ng buhok saka nagmake-up at dumiretso sa hapagkainan para mag-agahan, buti na lang hindi dito natulog si Shone kasi may out of town meeting siya, pagkatapos kong kumain nag sipilyo ako saka naglagay ng light lipstick at kinuha ang mga gamit ko then umalis,

------

Shone's POV

Hindi ko alam na maaga pala siyang umalis ng penthouse kaya pagdating ko dito wala na siya. pero madali kong napansin ang pagkain na nasa stove at nang binuksan ko di ako makapaniwala kasi hindi ko alam na marunong pala siyang magluto ng tinola. kumuha agad ako ng kutsara at tinikman ito, kahit malamig na siya masarap ang pagkakaluto nito kaya mas naging interesado ako tuloy sa kanya. 'You're really interesting baby.' Bulong ko sa sarili with a sly smile on my face. Naligo at nagbihis lamang ako saka umalis para pumasok na sa kompanya. habang sa loob ng kotse, naisipan kong itext siya, kahit di niya agad mabasa atleast makikita niya pa rin ang text ko,

"Good afternoon baby, how was your day? I'm going home later, can you prepare a dinner for us? I want to taste your food! 😌"

Napangiti ako nang bahagya sa sarili kong text. kahit sa text ang sarap niyang asarin, nagrereflect sa aking isipan ang magiging reaksyon ng mukha ni Chloe kapag nagba-blush o nahihiya man. and it makes me aroused everytime I remember her face flushed in red, natigil ako ng kakaisip sa kanya ng

Tumigil na ang kotse at nagsalita na si jack, na nasa Harap na kami ng aking building. agad naman akong pinagbuksan nang pinto ng kotse, ng gwardiya na naka assign sa entrance saka ako binati, tumango lamang ako at lumabas. saka diretsong pumasok sa loob ng private elevator ko.

Pagkadating sa opisina ko. Napa upo agad ako at sumandal ang aking likod rito para makapagpahinga saka ako pumikit at minasahe ng bahagya ang aking noo. Nang makapagpahinga ako ng saglit agad kong inabot ang mga files na nasa aking mesa at pinagpirmahan,

------

Chloe's POV

Lunchtime na namin kaya agad akong pumunta ng locker at kinuha ang baon ko saka ang phone. ng makaupo na ako, binuksan ko muna ang mensahe ni Shone, at napakunot ang noo sa nabasa ko saka namula ang aking pisngi sa huling mensahe niya.

"May sayad ata ang lalaking 'yon, Issh!"

Bulong kong pasabi sa sarili,

Padabog kong binuksan ang aking baon saka kinain ng walang feelings. Dahil sa inis ko sa mensahe nito 'but deep inside it felt sweet''Duhh! Bulong ko sa sarili.

Pagkatapos kong kumain tumawag sakin si Angel, agad ko naman itong sinagot.

Angel

"Hello, frieny!long time no talk! saan kana ba? Bakit hindi ka namin mahagilap sa tinitirhan mo? "

Confused ito sa biglang pag-alis ko sa tinitirhan ko and i didn't inform them. Napa isip pa ako ng saglit sa sinabi ni Angel, hindi ko nga sila na inform about the slight changes in my life.

Chloe

"Owh, sorry frieny! Sorry talaga di ko kayo na inform sa mga nangyari sakin this fast few days, ayoko kasi maka-abala sa work niyo."

Malambing kong turan.

Angel

" Okay-okay, I see it's fine frieny, ang importante nakapag-usap na tayo ngayon,"

Sabay tawa nito sa kabilang linya.

Angel

"by the way saan ka na pala ngayon nakatira? Para mapuntahan ka naman namin ni Shana,"

Natulala ako bigla sa sinabi ni Angie. Hindi sa ayaw ko silang i-welcome sa bago kong tinitirhan, ayoko lang malaman at makita nilang may kasama akong nakatira sa iisang bahay na lalaki pa.

Chloe

"Ahh-- mag--magkikita na lang tayo sa labas freiny! Di kasi pumapayag yung landlord na magdala ako ng bisita sa bagong inuupahan ko, bago pa kasi ako eh, maybe nextime pag nakabwelo ako, "

Pangiti kong turan.

Angel

"okay, fine! Kailan man tayo magkikita ulit? I mean magbobonding?? "

Chloe

"Hmm! Pag naka day-off na ako frieny. Okay lang ba?, "

Angel

"Sure, basta promise yan ahh! Pinky swear!, "

Chloe

"Yes, sissy Promise!,"

Assurance ko. Nang biglang tumunog na ang bell ng supermarket, kaya agad kaming nagbye's bago ko pinasok ang phone sa locker nagreply muna ako kay shone.

----------

Salamat sa mga masayang nakasubaybay sa aking nobela 😊

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height