C50 She wants
Shone's POV
Pagkarating ko sa bahay nakahanda na ang dinner at ang maamong mukha ni Chloe ang bumungad sa'kin na papalabas ng kusina namin na may dalang tray ng iba pang pagkain. Makita ko lang siya sa araw-araw masaya at nawawala na ang pagod ko sa buong maghapon na pagtatrabaho. Malambing naman ako nitong nginitian saka nilapag ang tray sa mesa at sinugod ako ng yakap at halik
