+ Add to Library
+ Add to Library

C2 Chapter One

Chapter One

HINDI NA ALAM NI ZARI KUNG gaano na siya katagal na nakatayo sa harapan ng kulay berdeng gate sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung tama ba ang address na pinuntahan niya sa address na nakasulat sa pirasong papel na kanina pa niya hawak. Pero sabi naman ng taxi driver na sinakyan niya ito daw iyon.

May kalakihan ang bahay sa kanyang harapan, kahit hindi pa niya nakikita sa loob, alam na niyang maganda ito.

"Miss, sino'ng hinahanap mo?"

Gulat siyang napatingin sa matangkad na lalaking hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya. Pero para ring huminto ang oras sa pagitan nila nang magtama ang kanilang paningin.

Ang tangos ng ilong nito. Tapos, ang puti-puti! Iyong mga mata nito, parang iyong katulad sa prinsipe sa panaginip niya.

"Ka gwapo man sang lalaki nga ini!" wala sa loob niyang bulong na ang ibig sabihin ay 'Ang guwapo naman ng lalaking ito.'

Ito na ba ang Prince Charming niya?

"Miss, hello?" kumaway-kaway ito sa harapan niya na siyang dahilan para mapatingin ulit siya rito, "Sino'ng kailangan mo?"

"Ammm...ano kase..." napakamot siya ng ulo, "...Dito ba nakatira si Edna Tamayo? Pamangkin niya po kasi ako."

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

Lihim siyang napalunok.

Hindi niya maiwasan ang mailang dahil sa tanang buhay niya ngayon lang siya tinitigan ng ganun ng isang lalaki. At yung mga mata nito, bilugan na mapungay-pungay. At parang inaantok.

"Ikaw pala 'yun," sabi nito saka lumapit sa gate at may dinukot ito sa loob para mabuksan iyon, "Pasok ka!"

"Sandali-Sandali!" bulaslas niya saka niya mabilis na hinawakan ito sa braso.

"Ha?" natigilan ito, pero ilang saglit pa'y napatingin ito sa pagkakahawak niya.

"Sorry!" mabilis siyang bumitaw rito, "I mean - Pabigla-bigla ka naman Kuya! Papasok ka rin sa loob?"

"Oo," nagtatakang tumango ito, "Dito kase ako nakatira?"

"Eh?" gulat niya, "Sino ka ba?"

"Sino ako?" tinuro nito ang sarili.

"Oo," tumango siya, "Alam kong hindi ikaw si Jhay-jhay. Dahil huling kita ko palang sa kanya noong nakaraang taon ay beywang ko lang siya. Pero ikaw..." sinukat-sukat niya ang tangkad nito sa tangkad niya sa pamamagitan ng kamay niya, "...Ang tangkad mo! Kamag-anak ka po ba ni Tito Felix!"

"Oo," tumango ito saka ngumiti.

Hindi na naman niya maiwasan ang natulala nang makita niya ang pantay-pantay nitong mga ngipin na parang dinaig pa ang endorsement ng toothpaste.

"Kapatid ko si Felix Tamayo. Sister-in-law ko naman si Edna Tamayo. I'm Gerald Tamayo! And you are?" pagpapakilala nito at nilahad nito ang kamay sa harapan niya.

Tinitigan lang niya ang kamay ito na parang may kung anong kilig siyang nararamdaman.

Aktong makikipag-shakehands na siya rito nang bigla siyang tawagin ng isang pamilyar na boses.

"Zari!"

Bigla siyang napalingon. At halos mamilog ang kanyang mga mata nang makita niya ang kanyang tiyahin na si Edna. Nagmamadali na niyang sinalubong ito at binigyan niya ito ng mahihigpit na yakap. At para pa silang mga batang nagtatalon dahil ang tagal-tagal nilang hindi nagkita.

Niyaya na siya ng kanyang tiyahin sa loob ng bahay na ito na hindi na niya naaalala na may tao pala siyang naiwan sa labas.

"Nandito na siya! Nandito na ang pinsan mo!" parang batang hinila-hila siya ni Tita Edna sa sala kung saan seryosong naglalaro ng tablet roon ang walong taong gulang niyang pinsan na si Jhay-jhay, "Say Hi to Ate Zari!"

Pero napatingin lang ang bata sa kanya at muling tumingin ito sa nilalaro.

"Come," hinila muli siya ni Tita Edna paupo sa sofa katabi ni Jhay-jhay, "Pagpasenyahan mo na."

"Okay lang po," ngumiti siya.

"Jhay, from now on dito na titira si Ate Zari mo..." malumanay na paliwanag ni Tita Edna sa anak, "... At siya muna ang mag-aalaga sa'yo habang nasa work si Mommy, ah!"

Saglit itong napatingin sa kanila, pero muling tumingin sa nilalaro.

"Tara, doon tayo sa magiging room mo!" excited na sabi nito.

"Po?" gulat niya, at hindi na niya magawa pang tumanggi nang hilahin na siya nito paakyat ng hagdanan.

Pagtungtong palang ng mga paa niya sa second floor ng bahay ng kanyang Tita Edna ay hindi na niya maiwasan ang mamangha dahil sa ganda at ang linis nito. At lalo pa siyang nagulat nang dalhin na siya nito sa magiging kuwarto niya. Bumungad sa kanya ang maala-prinsesang istilo nito. Napakaraming teddy bear sa paligid, at ang kama niya ay sobrang lambot. Malayung-malayo sa lumang kamang hinihigaan niya sa probinsya.

"Sobra-sobra naman po ito Tita!" nahihiyang sabi niya.

"Ano ka ba, hindi noh!" saway nito, "Actually, ito sana 'yung magiging silid ng magiging anak naming babae ni Tito Felix mo. Kaso diba? Ilang beses akong nalaglagan ng bata? But blessed pa rin kami kase biniyayaan pa rin kami ni God kahit isang anak na lalaki."

"Sabagay po," ngumiti siya, "Super cute po ni Jhay-jhay!"

"Sana magkasundo kayong dalawa!"

"Gagawin ko po lahat ng makakaya ko!"

"Aasahan ko 'yan!" panatag nitong sabi, "Feel at home, sweetie! Huwag kang mahihiyang magsabi sa amin kung ano ang problema, okey?"

"Opo," tumango siya.

"Pa-hug nga ulit!"

Niyakap naman niya ito.

"Ahhh.... At last, may anak na rin akong babae!" tuwang sabi nito.

Ulila na siya sa kanyang magulang. Halos sa kanyang lolo at lola na siya lumaki. At nito lang nakaraang buwan, kinausap siya ng kanyang Tita Edna kung maaaring siya muna ang mag-alaga sa nag-iisa nitong anak na si Jhay-jhay. At dahil malaki rin ang utang na loob niya rito, hindi na siya nagdalawang-isip na pumayag.

Magti-twenty na siya this coming October. Pero sabi Tita Edna niya, handa daw siya nitong pag-aralin ulit sa anumang kursong gusto niya. Sa ngayon gusto niyang mag-aral ng dress making at magpatayo ng sariling boutique sa baryo nila. Alam niyang hindi na siya masyadong mahihirapan sa kursong iyon dahil mananahi ang Lola niya, at may konting alam na rin siya kahit papaano sa pananahi.

"Feel at home, sweetie!" muli siyang niyakap ng kanyang Tita Edna.

Itutuloy ...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height