C5 Chapter Four
KASALUKUYANG BINABASA NI Zari ang problem solving sa libro ni Jhay-jhay nang silipin niya buhat sa bintana ang abalang paglagare at pagmartilyo ni Gerald sa ilang kahoy sa ilalim ng puno ng mangga. Kanina pa niya napapansin ito roon, hanggang sa makita na niya ang binubuo nito. Isa iyong lamesa at isa ring mahabang upuan.
"Tapos na niya!" bulaslas ni Jhay-jhay sa kanyang tabi, at dali-dali itong lumabas sa likod-bahay.
Naisipan niyang sundan ang alaga dahil naiintriga na rin siya sa ginagawa ng binata.
"Tito, hindi ka lang pala rakista, karpintero ka pa!" buong pagkahanga ni Jhay-jhay sa binata.
"Nambola ka pa!" natatawang ginulo ni Gerald ang buhok ng pamangkin, "Hindi nga ga'nun kaganda eh! Pero tignan mo, makakapag-aral ka rito. Tapos pwede na tayong mag-jamming rin rito! Okay ba 'yun?"
"Oo naman Tito!" umupo pa si Jhay-jhay sa isang mahabang upuan, nagkuyakoy pa ito habang nakatingala sa itaas ng puno.
"Alam ba 'to ni Tita Edna?" biglang tanong niya.
"Hmmm!" tumango si Gerald saka nagpunas ng pawis.
Napatingin siya rito.
"Diyos ko! Ngaa mu na man? Ang mga lalaki sa baryo namon kun balhason daw mga karabaw. Ngaa ang lalaki nga ini kahamot gihapon!? Daw kanami pahiran sang balhas nya kag humuon nga bata?" bulong niya sa kanyang isipan na ang ibig sabihin ay 'Diyos ko, bakit ganoon? 'Yung ilang kalalakihan sa baryo namin, kapag pinawisan nagmumukha nang kalabaw? Bakit ang lalaking ito, parang ang bangu-bango pa rin? Para pang ang sarap punasan ng tuwalya at gawing baby?'
"M-may problema ba?" biglang tanong nito.
"Ay, wala ah!" todo-iling siya at sabay iwas ng tingin rito.
"Teka, jamming tayo! Kukunin ko lang 'yung beatbox mo, Tito!" sabi naman ni Jhay-jhay.
"Oo, sige!" tumango ang binata saka umupo, "Kaya mo ba?"
"Opo!" tumango ito saka tumakbo papasok ng bahay si Jhay-jhay.
"Upo ka," alok naman ni Gerald sa kanya saka tinuro ang katabi nitong espasyo ng upuan.
"Ha?" gulat niya.
"Huwag kang mag-aalala hindi kita kakagatin!" natatawang sabi nito.
Hindi na siya nagsalita pa, tumabi na siya rito. Wala na rin itong sinabi, napasalung-baba na lang ito at tumingin sa malayo. Iyon naman ang pagkakataon niya para matitigan niya ito ng husto.
Hindi niya maiwasan ang pagmasdan ang maganda nitong mga mata na lalong nagpapalakas ng appeal nito para sa kanya. Hindi rin niya maiwasan pansinin ang magandang hubog ng ilong ito, ang tangos.
"Huwag mo akong masyadong titigan," biglang sabi nito saka nakangiting tumingin sa kanya, "Baka matunaw ako."
Napagitla naman siya. Pagkatapos ay natataranta na lamang niyang nilapag ang libro ni Jhay-jhay sa lamesa at umakto siyang may binabasa. Pero ang totoo, ginagawa lang niya iyon para takpan ang kahihiyan na ginawa niya. Nahuli siya nitong nakatitig rito, sinong hindi mapapahiya?
Biglang tumunog ang cellphone nito. Pero kapansin-pansin na pinatay nito ang tawag na iyon. Halos may dalawang pang sumunod na tawag pero hindi iyon pinansin ni Gerald.
"Tito, tara!" aya ni Jhay-jhay kay Gerald bitbit ang beatbox nito.
"Amina..." kinuha ni Gerald ang naturang beatbox at nagsimula nitong umupo sa ibabaw nito.
Hindi na naman niya maiwasan ang mamangha sa bilis ng kamay nito sa paghampas sa beatbox. At talagang napakagaling nito. May background ang pamilya niya sa pagbabanda pero kahit kaylan hindi niya matututunan ang pyesa ng pagda-drum o ng pagbibeatbox.
“I love you baby. And if it's quite all right, I need you baby, To warm the lonely nights, I love you baby. Trust in me when I say..." pagkanta ni Jhay-jhay na siyang kinagulat niya. Hindi niya akalain na may talent sa pagkanta ang pinsan niya. At kung hindi siya nagkakamali, 'I can't take my eyes off you' and titled ng kantang iyon.
Habang masayang nagkakantahan ang dalawa, saka naman muling tumunog ang cellphone ni Gerald. Sa pagkakataon iyon, iba na ang narinig niyang tunog nito. Text message tone iyon, kaya naman binasa lang ni Gerald ang naturang mensaheng naroroon. Kitang-kita na niya ang pagbabago ng reaksyon ng mukha nito.
"Jhay, dito ka muna!" sabi ni Gerald saka tumayo, "Kapag nandito na siya, alam mo na ang sasabihin mo!"
"Dadarating siya?" gulat ni Jhay-jhay.
"Oo," tugon nito saka nagmamadaling umalis, "Ikaw na ang bahala!"
"Oo," tumango naman ang bata.
Nagtataka siyang napatingin sa kanyang pinsan. Wala siyang ideya kung sino ang darating, at kung makareact naman ang isang iyon parang may malaking atraso sa isang tao.
Ilang saglit pa'y narinig nilang may nagdoorbell sa gate. At nang tignan nila iyon ni Jhay-jhay, bumungad sa kanila ang isang babaeng nakabonnet na pula at jeans. Halos umabot hanggang tenga ang pagkakangiti nito sa kanila.
"Ano'ng kailangan po nila?" magalang niyang tanong.
"Ammm... nandyan po ba si Gerald?" magalang din nitong tanong.
"Wala eh! Umalis!" biglang sagot ni Jhay-jhay na siyang kinagulat niya.
"Ay, ganun?" napasimangot ang babae, "May dala pa naman akong ice cream para sa kanya. Kung gusto mo sa'yo na lang, Jhay! Kase baka matunaw na 'to. Kainin natin sa loob ng bahay nyo!"
"Wait, Miss!" awat niya, "Sorry, pero hindi po kami pwede magpapasok ng ibang tao na hindi naman namin kakilala."
Gulat naman itong napatingin sa kanya, "Ikaw ba si Zari? Tama ba? Ikaw 'yun?" paniniguro nito saka siya tinignan nito mula ulo hanggang paa, "Ang Maria Clara na lumabas sa history book!"
Nagulat siya dahil alam nito ang pangalan niya.
"I'm Aira Marie Arienda!" pagpapakilala nito, "Nabanggit ka na sa akin ni Ryulito!"
"Ryulito?" napakunot ang noo niya.
"I mean, ni Ryu!" pagtatama nito, "Kababata ko siya."
"Ahhhh..." tumangu-tango siya.
"Hindi ito ang unang punta ko rito, right Jhay?" napatingin ito sa bata.
"Madalas siyang nandito para huntingin si Tito Gerald," sabat ni Jhay-jhay.
"May utang ba siya sa'yo?" tanong niya.
"Ay, oo! Ninakaw niya 'yung puso ko!" sabi nito.
"Huh?" gulat niya.
"I'm just kidding!" bawi nito.
"Ahhh... girlfriend ka ba niya?" parang tumamlay bigla ang himig ng boses niya.
"Ay, sana nga!" sabi nito saka mabilis na hinawakan ang magkabila niyang kamay, "Simula nung makita ko siya school namin 'nun, hanggang magtayo na siya ng sarili niyang banda, pangarap ko nang maging girlfriend niya. Iniimagine ko, paano kaya kung makapangasawa ako ng isang drummer? Ang astig 'nun diba? Naku, kung makita mo lang kung paano magperform si Gerald on stage? Naku, baka mainlove ka na rin."
"Hindi pa niya napapanuod pero may gusto na siya," biglang sabi ni Jhay-jhay.
"Oi, hindi ah!" kaagad niyang tanggi.
"It's okay," sabi nito, "Sino bang hindi magkakagusto sa kanya, eh....ang guwapo-guwapo! Saan daw siya pumunta?"
"Hindi namin alam, eh!" napakibit-balikat si Jhay-jhay.
"Ahhh...." Pagkadismayang sabi nito, "...O, pa'no? Mauna na ko. Iiwan ko na lang 'tong ice cream paki-ref na lang kase baka matunaw. Pwede kayong kumuha, basta tirhan n'yo si Gerald, ah!"
Tumangu-tango siya saka kinuha na niya ang isang plastic bag na inaabot nito na naglalaman ng isang galoon ng ice cream. Kumaway-kaway pa ang babaeng nagpakilala sa kanilang Aira bago ito umalis. Pagkaraa'y sinara na niya ang gate.
Nagtungo ulit sila sa likod-bahay para iabot kay Gerald ang pinapabigay ng babae. At naabutan nilang naroroon ito, at nabi-beatbox. Inis niyang nilapag sa lamesa ang naturang ice cream para iparating ang pagkainis niya.
Napatingin naman ito sa kanya.
"Alam mo bang kabastusan ang hindi pagharap sa bisita?" nakakrus pa ang mga braso niya, "At isa pa, tinuturuan mo ang pinsan kong magsinungaling sa iba."
"What are you talking about?" nagtatakang tanong nito.
"Y-you...you..." napalunok siya. Hindi niya mahalungkat ang gusto niyang sabihin rito.
"Me?" maang tanong nito.
"Ewan ko sa'yo!" galit niyang tugon saka niya padabog na naglakad palayo rito.
"Ano'ng nangyari 'dun?" tanong ni Gerald kay Jhay-jhay.
Napakibit-balikat lang ang bata.
"Ay, sandali lang..." bumalik siya sa binata hindi para pagsabihan ito, kungdi para kunin ang libro ni Jhay-jhay sa lamesa. At sa pangalawang pagkakataon, inirapan niya ito.
"Nagseselos 'ata!" bulong ni Jhay-jhay.
"Really?" tuwang bulong din ni Gerald sa pamangkin.
Tumango ito.
"Apir!" umarko ang kanang kamay nito pataas.
Nag-apir ang dalawa.
----------♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥----------
ITUTULOY...