C6 Chapter Five
ISANG ORDINARYONG ARAW para kay Zari, at silang dalawa lang ni Jhay-jhay ang nasa bahay. Parehas kasing nasa trabaho ang Tito Felix niya at ang Tita Edna niya. Si Gerald naman ay may rehersal ulit kasama ang mga kabanda nito.
Kasalukuyan siyang naghuhugas ng pinggan sa kusina ng mga sandaling iyon dahil kakatapos lang nilang kumain ng pananghilan ni Jhay-jhay. Pero bigla siyang napahinto sa ginagawa niya nang makarinig siya malakas na kalabog mula sa sala.
"Jhay?" nagmamadali niyang pinuntahan ang pinsan niya.
Hindi niya kaagad nakita ito pero nang mapadako ang paningin niya sa hagdanan nakita niyang nakahandusay ito roon.
"Jhay!" napasigaw siya at dali-dali niyang nilapitan ang pinsan at nakita niyang may dugo ito sa ulo.
Nanginig siya sa takot. Halos nanghihinang kinalong niya ito.
"Ate..." tawag nito sa kanya.
"Jhay-jhay!" binuhat niya ito, at kahit nanghihina ay nakuha pa rin niya itong kargahin palabas ng bahay nila, "Tulong!" mangiyak-ngiyak niyang sigaw.
Eksaktong papasok ng gate si Gerald nang maabutan sila. Nang makita sila nito, dali-dali itong lumapit sa kanila.
"Si Jhay-jhay!" mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"My god!" bulaslas ni Gerald saka kinuha sa kanya ang bata, "Tumawag ka ng Taxi bilis!"
Kaagad siyang kumilos. Mabuti na lang at may mabuti silang kapitbahay na tumulong sa kanya para mapadali ang pagtawag niya ng taxi.
Hindi na siya nagdalawang-isip na sumama. Sumakay silang dalawa ni Gerald sa taxi na karga-karga si Jhay-jhay.
Kasalukuyang nasa byahe sila ay hindi na niya mapigilan ang umiyak. Iniisip niya, hindi niya kakayanin kung may mangyari mang masama sa pinsan niya.
"Ate..." tawag ni Jhay-jhay sa kanya na unti-unting tumingin sa kanya.
"Nandito lang ako!" hinawakan niya ang kamay nito at nakita niyang may bahid ng dugo hindi lang siya kungdi pati na rin si Gerald, "Pupunta na tayo ng hospital!"
"Jhay, huwag kang matutulog ah!" mahigpit na bilin ni Gerald sa bata, "Malapit na tayo!"
"Opo, Tito..." tugon nito.
Pagkadating nila sa hospital kaagad silang ina-assists ng mga staff roon. Dinala sa emergency room si Jhay-jhay para gamutin ang nagdurugo nitong sugat. Nasa sa labas sila ng emergency nang tinawagan niya ang kanyang Tita Edna para ipaalam ang nangyari, damit ang cellphone ni Gerald.
"Sorry po..." umiiyak niyang sabi sa kabilang linya, "...Tita, hindi ko nabantayan ng maayos si Jhay-jhay!"
Naramdaman niya ang pag-alo ni Gerald sa likuran niya. Pagkatapos niyang makausap ang kanyang Tita Edna, hindi niya maiwasan ang mapayakap sa binata dahil sa sobrang takot.
Wala na siyang tigil sa pag-iyak dahil pakiramdam niya, siya ang may kasalanan kung bakit nahulog sa hagdanan ang pinsan niya. Hindi niya ito nabantayang mabuti kaya naaksidente ito.
"Aksidente 'yun, Zari..." alo sa kanya ni Gerald, "...walang may gusto sa mangyari. Okay lang si Jhay-jhay, okay lang siya...."
Ilang mimuto pa ang hinintay nila nang lumabas ang doctor mula sa loob ng emergency room. Nagsipagtayo naman silang dalawa ni Gerald at magalang nilang sinalubong ito.
"Doc kamusta po 'yung pinsan ko?" bungad niyang tanong.
"Save na siya," ngumiti ito, "Matapang ang bata, at wala siyang tinatawag kungdi ang ate niya. Ikaw ba 'yun?"
"Opo," tumango siya.
"Kinuhanan namin siya ng ilang test para makasiguro tayo na walang naging damage ang ulo niya sa pagkalaglag niya sa hagdanan. Ihahatid na ng mga assistant ko ang bata sa magiging room niya, doon n'yo lang siya hintayin."
"Salamat po!" sabay nilang sabi ni Gerald.
"Sige..." pagpapaalam nito saka ngumiti sa kanila.
Pag-alis ng doctor saka naman nila pinuntahan ni Gerald ang private room na kinuha nila para kay Jhay-jhay. Ito na rin kasi ang bilin sa kanya ni Tita Edna niya nang tumawag ulit ito.
Pagkadating na pagdating ni Jhayjhay sa room nito kaagad nila itong kinamusta. Halos mangiyak-ngiyak siya sa tuwa na nakikita niyang maayos na ang pinsan niya. At may benda ang ulo nito.
"Ate, napakaiyakin mo naman pala!" komento nito.
"Ikaw kasi..." paninisi niya at hinawakan niya ang kamay nito, "Alam mo bang tinakot mo ko?"
"Nakita ko nga 'yung itsura mo kanina," tumawa ito.
"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa'yong masama!" umiiyak niyang sabi.
"Umiiyak ka na naman!" tawa nito, "Huwag kang mag-alala sasabihin ko kay Mama ako talaga ang may kasalanan kaya ako nahulog sa hagdan."
"Ano ba kasi ang ginagawa mo?" tanong niya.
"Gusto kasi kitang takutin habang naghuhugas ka ng pinggan, kinuha ko 'yung kumot sa second floor..." pag-amin nito, "Tapos pababa ako, sumabit sa paa ko 'yung kumot. Ha'yun."
"Huwag mo nang gagawin ulit 'yun ah!" sabi niya, "Ok lang na ako ang mahulog, huwag ka lang."
"Sorry, ate!" Niyakap siya nito, "Promise ko sa'yo na hindi na kita bu-bully-hin. Magbe-behave na ko!"
"Ikaw talaga," natatawang pinunasan na lang niya ang luha niya.
Ilang saglit pa'y dumating na si Tito Felix para kamustahin ang anak nito. Hindi naman ito nagalit sa kanya, sa halip ay pinasalamatan pa siya nito dahil nandun siya nung mga oras na 'yun. Pati kay Gerald nagpasalamat ito na siyang tumulong sa kanila.
"Nakalimutan kong magpasalamat sa'yo," sabi niya sa binata habang palabas sila ng hospital dahil sila ang inutusan na bumalik sa bahay para kumuha ng ilang gamit ni Jhay-jhay.
"Okay lang 'yun," ngumiti ito, "Kahit sino gagawin ang ginawa ko."
"Hindi ko alam ang gagawin ko kung ako lang ang mag-isa 'nung nangyari 'yun," nakangiting ganti niya.
Dahil mas matangkad ito sa kanya, madali lang nitong naabot ang ulo niya at nakangiti nitong ginulo ang buhok niya, katulad na madalas nitong gawin kay Jhay-jhay.
Hindi naman nagtagal sa hospital si Jhay-jhay. Nang makitang wala naman naging problema sa mga naging test nito, pinayagan na silang iuwi sa bahay ang bata. Hanggang sa huli ay hindi sila iniwan ni Gerald at lihim siyang nagpapasalamat rito.
ITUTULOY....
