Promise of Memories/C1 Promise of Memories
+ Add to Library
Promise of Memories/C1 Promise of Memories
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Promise of Memories

FIVE YEARS LATER...

BENJIE'S POV

"Sir, I'm sorry! Wala parin pong lead sa investigation po kay Ms. Clea Reneva,"

Halos maglilimang taon ko ng pinapahanap sa mga investigator si Clea pero hanggang ngayon iisa lang ang sinasabi nila na posibleng patay na siya. ero hanggang sa makakaya ko hinding hindi ko pakakawalan ang pangako ko na babalik siya sa akin.

Clea is the only reason why I keep fighting at siya lang ang gusto kong maging asawa at ina ng mga anak ko pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

"Bumalik ka nalang sa trabaho mo," I stated without looking at his eyes.

Agad naman umalis ang private investigator ko na syang pagpasok ng mga kaibigan ko.

"Oh Bro! Mukhang problemado ka naman. Hulaan ko... Wala parin lead kay Clea noh?" Bungad na tanong sa 'kin ni Xeto, isa sa mga kaibigan ko.

Isa siyang sikat na abogado sa local man o international. Mayroon narin siyang sariling firm na. Sikat din ang angkan nila sa Spain dahil sila lang naman ang may-ari ng napakaraming malls doon.

"Oo nga noh! Alam mo Bro siguro ito na ang tamang panahon para kalimutan mo na siya. It's been five years pero hindi na siya bumalik... Kaya please lang Bro i-enjoy mo na ang life mo... Bahala ka, tatanda kang binata! You're already twenty-nine years old, isang taon na lang wala ka na sa kalendaryo!" Parangal pa ng isa kong kaibigan, si Manolo.

Siya naman ay isang sikat na Pilot sa buong mundo meron rin siyang sariling airline sa iba't ibang country sa Asia. Kilala din ang pamilya niya sa larangan ng politika.

"Hindi ko parin kaya! Hangang ngayon nagsisisi ako kung bakit ko sinabi ang mga salitang alam kong hindi ko kayang panagutan!" Bakas ang lungkot sa aking mukha habang inaalala ang aking mga nakaraan.

Ako naman si Benjie, isang sikat na business man sa buong mundo. Pag-aari ko ang lahat ng naglalakihang kompanya sa London, America at Italy. Sikat din ang angkan ko dahil sila ang nagmamay-ari ng napakaraming paaralan sa Asia.

"Alam mo, mas magandang mag bakasyon tayo since it's summer and wala naman masyadong work dahil vacation. So, why don't we go on a trip nang sa ganon e makapag relax ka naman diyan," Sabat na sabi ni Matteo, sikat na secret agent.

"I think that's a good idea! Tutal e malapit na ang birthday mo Ben, so tara! Doon tayo sa isang sikat na beach sa Palawan na kakabukas pa lang last summer!" Suggest ni Manolo

"Saan mo naman yan nalaman?" Chismosong tanong ni Matteo.

"Well, kagagaling lang doon ang kapatid kong si Mica at sabi niya e maganda at aproachable ang mga taga doon so why not diba!" sabi ni Manolo na mas pinipilit kaming sumama, kaya wala na kami magawa kung hindi sumama. Napagdesisyonan naming umalis bukas ng gabi para kinaumagahan ay nandoon na kami.

Nakabook nadin kami ng room para doon. Mukhang pinaghandaan na ng mga kumag!

MAKALIPAS ng pitong oras nakarating na kami sa resort. Mapapansin ang kagandahan na ito kahit nasa labas palang kami, makikita mo rin na sadyang hindi masasayang ang oras mo dito sapagkat napaka aliwalas sa paningin. Agad kaming nag lakad at pumunta sa lobby upang hingin ang key-card ng ni-rent naming villa.

"Good morning Sir, any reservation?" Tanong ng receptionist.

"Yes, we have reservation for Mr. Reyes and that's me," sabi ko sa babae.

Agad naman niyang tiningnan sa computer ang pangalan namin at nang makita na niya agad niyang sinabi at binigay ang key-card nito. Umalis agad kami at sinundan ang boy na nagdadala ng gamit namin papuntang villa.

"Bro! Grabe ang ganda pala talaga dito, kaya pala gustong gusto pumunta ulit dito ni Mica!" May pagka manghang sabi ni Manolo

"Siguro marami ditong chicks noh? Hay tiba tiba na naman ako nito o!" Yabang na sabi ni Matteo, nagtawanan naman kami.

Panay ang libot ko ng paningin habang naglalakad kami papunta sa tutuluyan namin. Tunay ngang maganda ang lugar na ito at napaka sarap na gawing bakasyonan.

"Sana kung chicks lang ang gusto mo... Pumunta ka na lang sa club! Dun maraming chicks" sabi ko kay Matteo sabay tawa sa kanya.

Huminto na ang mga lalaking nag dadala ng mga gamit namin. Mukhang nandito na kami dahil binuksan na nila ng villa.

Pinili lang namin na villa is yung magiging comfortable kami. At saka hindi mahilig matulog ang mga barkada ko, mas pipiliin pa nilang mag inuman at mag party buong magdamag kaysa matulog. I am the only one who's into sleeping.

"Alam mo Ben, sa totoo lang... Ang kill joy mo Pre! It's time to party! Kaya kung ako sayo... Hahanap na ako ng chicks dito." Pabirong sabi ni Matteo.

Loko loko talaga...

Nang makapasok kami ay muli kami'y napabilib dahil sa angkin nitong ganda. Maliwanag ang kapaligiran at nakaka relax sa paningin. Agad naming binaba ang mga gamit namin at nilibot ang buong villa.

It's really beautiful and relaxing. Nakakatamad tuloy umalis dahil dito pa lang solve kana!

Nang okay na kami sa paglilibot ay nagsimula na kaming mag ayos ng mga dala naming gamit. Magkatabi kami ni Xeto habang magkatabi naman sa kabilang kwarto sina Manolo at Matt.

Bago kami lumabas at maglibot ay napagpasiyahan muna naming magpahinga ng saganon ay may energy kami mamaya tutal mag lulunch pa naman, maaga pa naman.

Let's start the day with a Good day!

JESSA'S POV

"Good morning, Ma'am," bati sa akin ng mga staff, waitress, and guards sa akin.

Lagi nila itong ginagawa kapag pumapasok na ako sa aking trabaho. Dumeretso ako sa lobby para icheck kung maayos naba ang lahat.

"Good morning Ma'am, gusto ko lang po sana sabihin po sa inyo na dumating na po ang bagong turista galing Maynila po," Bungad sa akin ni Myla, receptionist ng hotel.

"Maayos niyo bang inasikaso ang mga bisita natin?" Mahinahon kong tanong habang tinitingnan ang mga checklist sa counter.

Ako nga pala si Jessa Torres, isang business woman at may ari ng isang resort. Kaka-start palang last year but it's already published all over the Philippines.

"Maayos po Ma'am, ngayon ay baka nasa kanilang room na po sila at nagpapahinga," Masayang sabi ni Myla. Tumango nalang ako at dumertso sa opisina kung saan naroon din ang special room.

Pagpasok ko ay agad akong umupo sa aking upuan at binuksan ang aking laptop upang ayusin ang mga papers na hindi ko pa naaayos.

Makalipas ng ilang minuto ay bumukas ang pintuan at pumasok ang aking secretary slash bestfriend.

"Good morning, Ma'am, coffee?" Alok niya sa akin ng kape sabay latag nito sa aking table at umupo. Kapansin pansin ang ngiti sa mga labi nito na siyang parang nanalo sa lotto.

"Bakit parang ang saya mo yata ngayon?" Hindi mapigilang tanong ko sa kanya. Mas lalo tuloy lumawak ang mga ngiti nito na kulang nalang ay makita ang mangigilid nito.

"Kasi Bessy... Yung mga bagong turista sa atin naku... Ang ga-guwapo! Para silang mga artista as in Hollywood artist..." Tili nito sabay hiyaw pa. Siya nga pala si Khylie, nakilala ko siya noong bagong bili ko pa lang nang lupa para ipatayo ang resort na ito.

"Eh? Ano naman... Bakit? Type mo silang lahat? Hay naku Khy, kapag nasaktan ka naman ay ewan ko na sa iyo," sabi ko sakanya na may pag ka maldita. Nagsimula na ako sa aking gagawin.

"Grabe ka naman sa akin Jess, ang sabi ko lang ay guwapo... wala akong sinabing jojowain ko!" Nakangusong sambit nito. "Bakit ba kasi napaka bitter mo kaya yan hanggang ngayon ay wala ka parin jowa." Tumawa na lang ako.

Tsk!

"Porket walang jowa ay bitter na agad? Hindi ba pwedeng wala akong nagugustuhan at saka sinabi ko na sayo na kapag nag ka jowa na ako ay dapat mahal ko hindi dahil gwapo siya, kundi dahil mahal ko siya!" Paliwanag ko sa kanya.

Napabuntong hininga ako sapagkat hindi ko alam kung tama ba lahat ng sinabi ko kasi pakiramdam ko ay nasasaktan ako ng sa mga binitiwan ko.

Mayroong nagsasabi sa sarili ko na parang may mali. Pero hindi ko alam kung ano ito.

"Pero bessy paano mo nga malalaman kung mahal mo kung hindi ka naman nag hahanap, kapag naman may nag a-attemp na ligawan ka ay basted na agad. Bes, if you want to find the one that you really love, you have to get hurt first because that's the first step in finding you're the one," Mahinahon na parangal sa kaniya ni Khylie.

Totoo naman kasi ang sinabi nya, na kapag may manliligaw sa akin ay babastedin ko na agad ni hindi ko nga muna kinilala.

Matapos ang usapan namin ay lumabas na siya at ako naman ay tinuloy ang aking ginagawa.

Pag-ibig?

_________________________________________________________

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height