Promise of Memories/C3 Promise of Memories
+ Add to Library
Promise of Memories/C3 Promise of Memories
+ Add to Library

C3 Promise of Memories

BENJIE'S POV

Hanggang ngayon ay tulala parin ako at hindi makagalaw. Tinatanaw ang babaeng tumatakbo papalayo sa kinakatayuan ko.

Bakit mo siya kamukha? Bakit pareho kayo ng itsura?

Pilit pinapaintindi ko sa aking isipan na baka namamalikmata lang ako... siguro ay labis lang akong nangungulila sa kaniya kaya ako nagkakaganito.

Pero kahit alam kong imposibleng siya iyon, umaasa parin ako. Umaasa akong babalik na siya sa 'kin.

Bagsak ang balikat ko ng maglakad ako papunta sa restaurant ng resort. Hindi nakaligtas sa paningi ko ang pagiging busy ang lahat ng tao dito. Dahil sa pagiging curious ko ay lumapit ako doon sa may sound system at tumabi sa DJ.

"Good afternoon, matanong ko lang, may ano po ngayon?" Magalang na tanong ko sa DJ. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.

"Tuwing gabi ay may sayawan dito, pero dahil special ang araw bukas ay napag desisyonan ni Ma'am Jess na gawing bongga ang party ngayon." sabi niya sa akin na may ngiti sa labi.

Napangiti ako dahil napaka-genuine ang kaniyang ngiti.

"Bakit po special ang araw bukas?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga taong nagsasabit ng ilaw.

"Bukas ay ang unang anibersaryo ng resort na ito. Gusto kasi ni Ma'am Jess na maging masaya at maganda ang lahat bukas. Naku! kung makita mo lang si Ma'am Jess ikaw na mismo mag sasabi na napaka hands-on niya, na kahit secretary niya ay walang ginagawa kasi siya ang gumagawa ng lahat... Maganda, mabait, sexy, at matalino! Na kay Ma'am Jess na ang lahat," sabi niya na para bang idolo nila ang kanilang amo.

Hindi ko maintindihan kung bakit kapag sinasabi niya ang pangalan ng kanilang amo ay bigla na lang bumibilis ang aking puso.

Kanina pa to ah, nung una doon sa babaeng nakita ko sa dalampasigan ngayon sa babaeng pangalan.

Nahahawa na yata ako sa pagiging babaero ni Matteo

Nagpaalam na ako sa DJ dahil hahanapin ko pa ang mga kaibigan ko.

Tinawagan ko si Matteo at sinabing papunta na ako sa restaurant. Ang mga mata ko ay naglilibot sa resort, nagbabakasakaling makita si Clea.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dito, baka dito siya nagtatrabaho pero nakapa imposible. Clea is a rich woman. Isa siya sa kinikilalang sikat na business woman but since she's gone for almost 5 years, unti-unti ng bumabagsak ang Reneva Clan of Company pero hindi ko yun hinayaan, hindi maatim ng konsensiya ko na bumagsak ang kanyang kumpanya kaya binili ko ito at pinag patuloy hanggang ngayon.

Pagpasok ko sa restaurant ay hinanap ko ka agad sila. Nakita ko silang nagtatawanan habang kumakain. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Manolo. Hindi ko magawang ngumiti o tumawa sa kanila dahil hindi pa rin maalis sa isipan ko si Clea.

"Bro, san ka nagpunta kanina? Bumalik kami sa villa pero ang sabi ng guard ay lumabas kana," Tanong sa akin ni Xeto. Alam kong naguguluhan sila dahil sa inaasta ko.

"I saw her..." Biglang sambit ko. "Nakita ko si C-Clea... p-pero parang hindi niya ako k-kilala!" Pagkukuwento ko sa kanila.

Bigla naman sila natahimik at muntikan pang mabilaukan dahil sa sinabi ko. Bakas ang gulat sa kanilang mga mukha na animoy nagbibiro lamang ako sa mga sinabi ko kanina lang.

"Habang naglalakad ako sa tabing dagat kanina ay may nakita akong babae. Because of my curiosity nilapitan ko siya pero I'd never expect na siya ang makikita ko! Na mukha niya ang matatagpuan ko... Pero nung niyakap ko siya ay bigla niya akong tinulak at tinanong kung sino daw ako at bakit ko daw siya niyakap." May lungkot sa boses ko habang inaalala ang nangyari kanina.

"Baka bro namamalikmata kalang dahil sa pangungulila mo sa kanya?" Nag-aalangang tanong ni Xeto.

"Hindi. Alam kong siya iyon!" I stated.

"Ang problema lang ay kung kausapin niya ako para bang ngayon niya lang ako nakilala. She even ask who I am! I want to talk her but bigla na lang siyang tumakbo. Hindi ko na siya nahabol dahil hindi parin mag-sink in sa utak ko ang nangyari! I saw her with my two eyes. I even hold her! But the way she talk to me... Para akong estrangherong ginambala lang siya."

Habang sinasabi ko iyon ay kusang nililipad ang utak ko sa nangyari kanina. Malinaw na malinaw pa rin sa 'kin ang mukha niya... Nasilayan kong muli ang mga mata niya.

Seryosong tumingin sa akin ang mga kaibigan mo. Masuyo nila akong tiningnan na animoy sinisiguro kung totoo at tama ba ang sinabi ko.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may lumapit sa amin ng isang magandang babae. Base sa tindig niya ay para siyang employee dito.

"Good afternoon, Sir, I hope you enjoyed your stay here in our resort," Masayang sabi nito. "Oh I forgot, I'm Khylie Santos, secretary of Miss Jess, the owner of this resort... And I want to invite you all to attend our party later." Pakilala niya sa amin at may binigay na invitation card.

Nakalagay dito ang pangalan ng Resort at ang entrance card para makapasok.

Paradise resort...

Weird...

"Yeah! Pupunta kami, mukhang masaya yun!" Sabat agad ni Xeto sa babae. Mukhang attracted si Mokong ah!

"Of course masaya talaga sapagkat makiki hang out sa atin ang may-ari ng resort. Big deal kasi 'yun sa amin kasi minsan lang siya lumabas ng hotel lalo na kapag normal days. Kaya hindi siya madalas makita dito." Tango-tangong sabi ni Khylie.

Bigla kong naalala si Clea, baka kilala niya.

"Miss Khylie, can I ask something?" I asked her politely.

Tumingin sa direksyon ko ang sekretarya ng resort at malawak na ngumiti. Tumango ito sa 'kin hudyat na pinapayagan niya akong tanungin siya ng kahit ano.

"It's my pleasure to answer your curiosity," She smiled widely.

I nodded. "Miss Khylie, may kilala ba kayong Clea Reneva dito?" I asked calmly.

She looked at me seriously. Bakas ang malalim na pag-iisip sa mukha niya. I wait her patiently until she finally spoke.

"For all I know is that there's no Clea Reneva here. Pero Clea Cruz meron dito but she's no longer here since last month dahil manganganak na siya. Kaya I'm pretty sure na walang Clea dito." She replied. May pagtataka sa mga mata niya pero binalewala niya lang ito. "Kung gusto niyo ay pupunta ako sa lobby at titingnan ko kung meron Clea dito at sasabihin ko nalang sa inyo. So, mauuna na ako... Enjoy your food!" sabi nito sabay pagtalikod sa amin, kumaway pa ito bago umalis. Jolly girl.

Pagkaalis ni Miss Khylie ay mabilia ko ding ibinalik ang atensyon ko sa mga kaibigan kong mokong. Mabilis na nalukot ang kilay ko ng makita kung gaano kalawak at katamis ang ngiti ni Xeto.

Hmm Something fishy!

"Bro, ano yang ngiti mo? Nakakadiri! Parang biglang nagtinding ang mga balahibo ko sa 'yo!" Maarteng sabi ni Matteo habang puno ng pandidiri ang mukha niya. Natatameme pa ang labi niya.

I know they are all confused because of Xeto. Alam namin kung gaano kapihikan sa babae ito. Sabi pa nga niya "Woman is sacred." He kept believing that hurting woman means you're gay. And cheating is like a crime, need a law for that.

"Bakit? May masama ba sa ngiti ko? I'm just happy. The reason why I am smiling." Depensa nito pero hindi parin mawala ang mga ngiti sa labi. Patago na lang akong napailing. Xeto and his lies!

"Whatever Bro!" I rolled my eyes.

We just kept eating. Since we were so hungry, we ate as much as our stomach can take it. Muntikan na naming hindi mapansin ang oras kung hindi lang namin narinig ang malakas sa ingay sa labas.

Mabilis naming inubos ang pagkain na in-order namin at binayaran ito bago tuluyang umalis sa resto ng resort.

Since malayo ang ni-rent naming villa sa resto ay kinailangan pa naming maghanap ng available cab. Mabuti na lang at may na tyempuhan kami.

When we entered the room, Matteo was the first one who use the bathroom because he was the slowest of us to move and Manolo was the fastest. Minsan nga ay nagtataka kami kung pati ang loob ng tiyan nito ay sinasabon na niya sa sobrang bagal maligo.

Habang hinihintay namin si Matteo na matapos ay inabala ko ang sarili ko sa pagpili ng susuotin. I chose to wear the unbottoned polo shirt which was paired with my black shorts and sneakers.

Nang matapos na ang lahat maligo ay ako na ang sumunod. Mabilisang ritwal lang ang ginawa ko dahil mabagal akong magbihis.

Nang makitang ready na kaming lahat ay napagpasyahan na naming umalis at pumunta sa venue ng party.

Mabilis naming pinakita ang invitation card na binigay sa 'min ni Miss Khylie ng makarating kami sa venue. As soon as we walked in, we were greeted by the noise of the sound system, which was accompanied by the screams of the people present.

We looked for a table right away, and luckily there were a few available. Drinks were ordered.

My vision is blurry. I can tell that it's well-organized, and it appears that good people are present.

"Bro, there's a lot of sexy women out there! Come on, let's go!" Matteo said playfully. I just nodded.

I don't want to hang out with anyone, to be honest. When I think back to the last time I hang out with a girl, it was always Clea... her reflection and her sweetest smile. Afraid that I'm betraying her trust.

I had no idea that the others next to me had already left because they had stated that they were looking for a woman. Only Xeto and I are here, but it appears that this man is looking for someone as well.

Mabilis na tumahimik ang buong paligid ng may biglang lumabas sa stage. Napalingon ako kay Xeto ng marinig ko ang mahihina niyang pag ngiti. Napailing na lang ako at ibinalik ang tingin sa unahan na kung saan ay naruruon si Miss Khylie suot suot ang malawak na ngiti.

"Good evening, everyone! So, how's your night? Are you having a good time? I guess everyone is having a good time!" Khylie said at first, with all eyes on her. "Before we begin, let me call the party's guess... Please greet Miss Jessa Torres! Please give her a round of applause," She exclaimed cheerfully.

Mabilis na tinuon ng lahat ng tao ang atensyon sa front gate ng venue dahil doon tumapat ang spotlight na galing sa itaas.

Kapansin pansin ang gulat at paghanga sa mga mata nila. Hindi ko mawari ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso ko na wariy hinahabol ako ng isang aso.

Dahan-dahan kong nilingon ang babaeng pumasok sa mismong main gate. At halos kapusin ako ng hininga ng unti-unti kong makilala kung sino ang babaeng pinagmamasdan ngayon ng buong tao.

Y-You?

JESSA'S POV

Pagsakay ko sa aking kotse ay dumeretso ako sa may malapit na park, mga sampung minutes ang binyahe ko papunta doon.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang sumakit ang ulo ko na para bang bibiyakin sa sobrang sakit. At mas lalong hindi ko mapaliwanag kung bakit iba ang naramdaman ko ng masilayan ko ang mga mata ng lakaking iyon.

Lumabas na ako ng kotse at pinark sa katabing bahay. Pumunta ako sa may malapit na bench at doon umupo. Tumingin tingin ako sa palagid at napansin kong ako lang pala ang nandidito.

Biglang pumasok sa isip ko ang lalaki kanina na yumakap sa akin sa hindi ko alam na dahilan. Base sa reaction niya ay parang kilala niya ako and funny to say that, I think I even know him kahit ngayon ko lang siya nakilala. His face is looks very similar to me. It feel like I already know him nad his life.

Ikaw na ba ang solusyon sa problema ko? Ikaw na ba 'yung matagal ko ng hinihintay? Ikaw na ba ang magbibigay ng kaliwanagan sa kung sino ba talaga ako?

Sa lalim ng aking pag-iisip ay biglang napawi lang ito ng malakas na tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa pouch bag na dala ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.

BESSY CALLING...

Umayos muna ako ng upo at huminga ng malalim bago sinagot ang tawag.

"Bes, asan kana?" Tanong nito sa akin matapos kung sagutin ang tawag niya. I can't keep but to smile. Khylie is the only person I can trust. I know she wouldn't betrayed me. She hate liars. Me as well.

"Nandito ako ngayon sa park, malapit sa resort!" I replied, roaming the the beautiful and relaxing park.

"Bes, okay ka lang? Bakit ang tamlay ng boses mo? May nangyari bang masama? Kanina umalis ka na lang bigla na para bang nagmamadali ka!" May pag-aalalang tanong niya sa akin. "Kung may problema ka, sabihin mo lang sa 'kin. Pupunta agad ako diyan!"

"Bes, I'm fine. Bigla lang sumakit yung ulo ko kaya umalis na muna ako. Sakto namang naisipan kong pumunta na lang dito sa park. H'wag ka nang mag-alala! Mamaya babalik na ako. Uuwi muna ako sa bahay para maligo. Kaya sige na! Kita na lang tayo mamaya," Paliwanag ko na may halong pilit na ngiti ng sa gano'n ay maniwala siya.

"Sigurado ka ba? Gusto mo samahan kita papunta sa mansion mo? Maaga pa naman e!" Makulit na tanong ulit sa 'kin ni Khylie.

Napangiti na lang ako at napakamot ng noo. "Okay lang ako, Bes! At saka alam kong marami ka pang ginagawa. Kaya ko ang sarili ko."

"If that’s what you want, them fine. Basta mag-iingat ka ah? Always maintain the speed of your car. Kapag sa tingin mo ay may sumusunod sa 'yo, open mo lang yang GPS mo o di kaya ay tawagan mo 'ko." Parang nanay na asta ni Khylie.

"Opo, mother." Sarkastong sagot ko sa kaniya.

"Sige na. Ingat ka ah? Yung bilin ko sa 'yo! Bye!" Mabilis na binaba ni Khylie ang linya.

Muli akong napatingin sa tanawin na nasa harapan ko. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at ninamnam ang sarap at sariwa ng hangin na nanggagaling sa mga punong nakapaligid.

Isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan kong tumira sa probinsiya ay dahil sa malamig at sariwa nitong hangin.

Daglit akong tumingin sa aking relo upang tingnan kung anong oras na. Medyo nagulat pa ako ng makitang mahigit apat na oras ang itinagal ko sa lugar na ito.

Matamis na ngumiti ako at malalim na bumuntong hininga. Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang aking sarili bago tuluyang bumalik sa sasakyan.

Mararamdaman ko na namang muli ang lungkot ng isang tahanang walang laman.

I was the only one there. My two maid was the one took care of everything while I was away. I don't usually go home. I always stay in my resort. I'll just get some clothes and stay for four to five days. Depends on my mood.

Sino ba kasing mananatili sa isang bahay na parang walang tao. Masyadong mabigat! Hindi kinakaya ng mahinang kagaya ko.

Nasa harapan na ako ng malaking gate na humaharang sa mansiong hindi naman tunay na sa 'kin. Napatingin ako sa pangalang nakaukit sa pinaka tuktuk ng gate.

Familia Torres y Salvacion

Kay gandang pangalan. Hindi nararapat na para sa katulad ko.

"Good evening Ma'am, maghahanda po ba ako ng makakain ninyo?" Bungad na tanong sa aking ni Manang. Alam kasi nila na bihira lang ako kung kumain kaya kinakailangan pa nila ako tanungin para aware sila.

"No need manang. Maliligo lang naman ako and then aalis na." Walang emosyon na sambit ko. Mabilis kong iniwan si Manang sa sala at dumeretso sa second floor ng mansion.

I have a two storey house. From the outside, it looks like a simple house. But once you go inside, you will notice the beauty and quality.

I have three rooms, two upstairs and one downstairs since I only live alone. My closet is next to my bedroom on the second floor, and it contains clothes, bags, and shoes, as well as my jewelries. The other room is my library. When I'm at home, that's my favorite spot.

When Khylie is too lazy to go home, she sleeps in the guest room downstairs. There's also a room next to it that's only for workouts, but I don't use it very often since I'm not a big fan of working out.

I also have a mini-bar in case I have a visitor. My mini garden is located at the back of the house, and the swimming pool is located to the left. The garage and stock room for the old equipment we donated to the orphanage are located in the frontyard together with the fountain I personally made.

I walked right into the room when I opened the door. My room is decorated in a Scandinavian style. I have a Queen-size bed, a small vanity table on the left side, and an art work by a famous artist on the right side. I also have a flat-screen television in case I'm too lazy to go out and sit in the living room. My bathroom is in the center of my room.

I placed my bag and key on my center table and walked into C.R. I took a quick shower because I only had an hour to prepare.

I changed my clothes and exited the room. I went to my closet to find something to wear.

I chose to wear a floral maxi dress where my tummy is visible. And one pair of gladiator sandals to go with it. I let my long wavy hair hang loose. I also wore my earrings and necklace with pendant J, as well as simple make-up. I went with the Gucci clutch bag I bought last last year.

After finishing my rituals, I exited the room and went downstairs. I haven't seen my maid... Maybe they're already in their room. I got into my car and drove away. I arrived at the resort after thirty minutes.

I called Khylie as soon as I got out of the car, and she said it was about to start. I arrived late, so I told them I'd go straight to the venue.

Nang saktong paghinto ko sa front gate ay sakto ding pagtawag ni Khylie ng pangalan ko.

Huminga muna ako ng malalim at mahinang kinukuyom ang aking kamao.

Napatingin ako sa mga nagbabantay sa labas at matamis na ngumiti. Nginitian naman nila ako. Tumango muna ako sa kanila bago deretsong pumasok.

Hindi na ako nagatubiling pumasok, tuloy ay na sa 'kin ang mata ng lahat. Mahahalata na sa akin ang tingin nila dahil sa hindi inaasahang doon ako dumaan, hindi sa stage.

Sorry naman, na late lang!

______________________________________________________________

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height