Promise of Memories/C4 Promise of Memories
+ Add to Library
Promise of Memories/C4 Promise of Memories
+ Add to Library

C4 Promise of Memories

JESSA'S POV

Umakyat na ako ng stage at pumunta sa gitna. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa dahil sa mga itsura nila kaya minabuti ko na lang masalita.

"Good evening everyone, I'm Jessa and now let's begin the party!" Pasigaw na sabi ko sabay tugtug ng music na siyang ikinasaya ng mga tao.

I'm happy because everyone looks enjoying. Yung iba pumunta na ng dance floor at sumayaw habang ang iba naman ay nag uumpisahan nang mag inuman at makipag kaibigan.

Pagbaba ko ng stage ay pumunta ako sa table namin ni Khy. Bumungad sa akin ang malakas na tawa ni Khy habang may kausap na guwapong lalaki. Napairap na lang ako.

"Bes!" Tawag ko sa kanya habang papalapit sa table na para sa amin. Lumingon naman siya sa gawi kung nasaan ako, tinaas niya pa ang kamay niya na parang niyaya ako kaya ako naman ay natawa na lang.

Nang makarating ako sa table namin ay nag beso beso pa kami sa isa't isa. Dali-dali naman akong umupo dahil napagod ako sa pagdrive.

"Bakit late ka ha? Siguro may pinuntahan ka no?" Tudyo niya sa akin napara bang may nilandi ako kaya ako na late. Asa!

"For your information Bessy, mahigit thirty minutes ang biyahe papunta dito lalo na kung galing ako sa bahay! Buti nga at hindi traffic e! kasi kung traffic... Hay naku! Makakarating ako dito ay tapos na ang party." Nag rarant na sabi ko sa kanya. Napaka hirap talaga paintindihin ang babaeng to.

Tumingin naman ako sa katabi niyang lalaki. Para bang nakakita ito ng multo dahil gulat na gulat kung makatingin sa akin. Tiningnan naman ako ni Khylie tapos tingin sa lalaki.

Buti naman naka halata na to, parang walang plano sa akin ipakilala

"Ah Bes, siya nga pala si Xeto," Nakangiting sambit ni Khylie. "Xeto Buenaventura. Isa siya sa mga bagong turista natin." Pakilala naman ni Kylie sa kanya. Tiningnan ko ulit yung lalaki na hanggang ngayon ay nakatulala parin.

"Hello, I'm Jessa. Nice to meet you, Mr. Buenaventura." Pormal na pakilala ko sa kanya sabay alok ng aking mga kamay. Tila natauhan na ito dahil kinuha niya na ang kamay ko at nakipag handshake na.

"Hi, n-nice to m-meet you..." Nauutal na sabi nito sa akin. Natawa naman ako sa inasta niya.

"Are you okay?" May pag-aalalang tanong ko sa kanya.

"H-Ha?" Nagtatakang sabi niya.

I laugh because of his facial expression. He looks like a dead person because of his pale and dry lips.

"I said are you okay? Mukhang tinakasan ka na ng sarili mong kaluluwa!" Pabiro kong sabi sa kanya.

Parang naintindihan niya naman ito dahil nakitawa naman siya sa akin.

Umupo na ako at umupo na din siya. Nag usap kami tungkol sa iba't ibang bagay. Mukhang mabait siya at mapagkakatiwalaan. Nahanap na yata ni Bes ang hinahanap niya.

Let's see...

Umorder ulit kami ng wine at habang nag hihintay kami ay nag-usap ulit kami ni Xeto. Ewan ko ba pero parang naiilang siya sa akin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Biglang humangin ng napakalamig, mukhang napansin iyon ni Xeto kaya binigay niya sa akin ang balabal na nasa leeg niya.

Kukunin ko na sana ng pareho kaming napahinto dahil naramdaman namin ang isang napaka talim na titig na alam ko na kung kanino nanggaling.

Sabay kaming lumingon sa parehong gilid namin at doon ay nakita namin si Khylie na nakataas ang isang kilay at ang isa naman ay nakakunot.

As usual! Tsk.

Mukhang masarap asarin ito ah! "Oh! Nandyan ka pala Bessy? Akala ko kukuha ka ng maiinom natin?" May munting ngisi sa aking labi habang nakatingin kay Khylie.

Mas lalo tuloy nagkunot ang noo at ang walang hiya naisipang pang mag walk out.

Nagpaumanhin ako kay Xeto sabay habol kay Khylie. Nakita ko naman siya na nakaupo sa dalampasigan habang pinapanuod ang pag-agos ng tubig dagat. Umupo ako sa tabi niya ng makarating ako doon, nagulat pa siya na parang hindi niya ine-expect na susunod ako.

"Hoy Bes! Galit kaba sa 'kin?" Malambing na tanong ko sa kaniya habang panay ang likot ko upang mapansin niya. Hindi naman ako nag kamali dahil mabilis siyang lumingon sa akin. "Nagbibiro lang naman ako kanina eh at saka bakit ka naman nagalit?" I pouted.

"Eh... k-kasi... wala! Bakit masama bang umalis at magpahangin sa labas?" Mabilis na depensa niya. Mali-mali pa!

"Sige! Maniniwala na lang ako. Sabi mo eh!" Pangiti-ngiting sabi ko habanh tango-tango pa ng ulo. Lumingon ako ng mabilis sa kanya. "Pero bati na tayo? Hindi ka naman galit eh?" I asked her again.

Ngumiti naman siya. "Matitiis ba naman kita? Hay siya balik na tayo! Nauto mo ako doon ah! Sabi mo magpa-party tayo pero ano! Nandito tayo nag e-emote!" natatawang sabi niya. Tumawa din ako.

Sabay kaming tumayo at nagtatawanan habang pabalik sa venue. Nang makarating kami sa aming table ay wala na doon si Xeto.

"Nasaan na si Xeto, Khy?" tanong ko sa kanya habang umiinom ng tequila.

"Baka bumalik na sa mga kaibigan niya. Bakit mo kasi iniwan?" sambit niya habang tinitingnan ang mga nag sasayawan.

"Tanga kaba? Syempre sinundan kita! Alangan namang isama ko pa siya, at saka yung kaibigan mo parang ewan... nakita lang ako natulala na! Siguro type ako nun, noh? Na love at first sight yata sa ganda ko." Mahangin na sabi ko sa kanya na may halong biro.

Alam kong kukunot na naman ang noo nito, masyadong obvious na may gusto sa mokong na yun.

"Really? Asa ka!" Mataray na sabi niya. Tinawanan ko naman siya.

Tinawag ko ang waiter at umorder ulit ng tequila. Hindi ako mahilig uminom but I have a high tolerance in alcohol na kahit eleven shots pa ang inumin ko eh hindi parin ako nalalasing.

Napansin kong kanina pa lingon ng lingon itong babaeng to.

"May hinahanap ka ba Bes? Nandito naman ako ah?" May pagseselos na sambit ko.

"Hindi ko kasi makita yung apat na bagong turista sa atin. Actually isa sa kanila si Xeto pero yung tatlo ay hindi ko pa nakikita, balak ko sana sayo ipakilala! Malay mo isa na doon yung destiny mo, diba!" sabi niya na parang inaasar ako.

Asar pa, ah!

"Posible!" Tango-tangong sabi ko.

"Talaga?" excited na sabi niya.

"Oo naman. Pero si Xeto nga lang. Game ka ba?" Pangiti ngiting sabi ko. Alam ko na kung ano sunod na sasabihin niya.

"Che!" sabi niya sabay punta sa dance floor. Sumunod naman ako at hinawakan ang kamay niya.

"Ang hilig mo talaga mang iwan na babae ka! Hintayin mo na man ako, okay." Nakabusangot na sambit ko.

"Hinahanap ko kasi yung four hottie guys kaya umalis ako. Hindi ko naman kasi inaakala na gusto mo din silang makilala e!" Rinig kong sagot niya sa 'kin habang parang giraffe na sa sobrang haba ng leeg kakahanap sa mga turista na iyon.

Tumigil na siya sa kakalingon ng makita na niya ang hinahanap niya. Bigla na niya lang ako hinablot at sabay punta sa apat na lalaking nagtatawanan.

Nang makarating kami doon ay huminto sa kakatawa ang tatlo sabay lingon sa amin. Para na naman silang tanga dahil sa gulat na nakaukit sa kanilang mga mukha.

Ano bang problema sa mga guwapong ito! Ganun ba kami kaganda ni Bessy at natutulala sila? Oh well, ano pa bang magagawa namin. Pinanganak na kasi kaming maganda! Kaya hahayaan ko na lang.

Natuon ang atensyon ko sa lalaking nakatalikod sa akin. Sa muling pagkakataon, bumilis muli ang tibok ng puso ko. Ang mga braso niya... Masyadong pamilyar sa 'kin!

Unti-unti lumingon ang lalaking nakatalikod sa akin. Deretsong tumingin ako sa kaniya at inaalala kung saan ko ba ito nakita. Medyo nagulat pa ako ng mapagtanto kung sino ito.

Siya diba 'yun?

BENJIE'S POV

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makilala ko ang babaeng naglalakad papunta sa stage. Sinundan ko ng tingin ito hanggang sa makarating ito sa stage.

Hindi ko alam kung papaanong ibang babae ang nasa harapan namin gayong ang mukha nito ay matagal ng pamilyar sa 'kin?

Ang mukha nila ay iisa lang ngunit bakit iba ang pagkatao nila?

Ikaw ba talaga si Clea o baka kamukha mo lang ang mahal ko...

Hindi ko na malayan na nakababa na pala siya, balak ko na sana siyang susundan pero may humarang sa akin na babae. Tiningnan ko ang babae na ngayo'y nakangiting parang nang aakit.

Such A Flirt...

Balak ko na sanang iwasan ang babae ngunit hinarang niya ng kanyang kamay ang dadaanan ko. Halatang lasing na ito dahil sa pagiging mapungay ng kanyang mga mata.

"Hi Hottie, I'm Akira! and you are?" Pakilala nito sa akin sabay lahad ng kanyang kanang kamay. Gumigewang pa ito at muntikan na ding mahulog sa pool.

Hinawakan ko ang kamay niya at inayos ang kaniyang tayo. Mukhang natauhan naman siya at inayos niya din ang suot niya.

Napaiwas ako bigla dahil medyo nakikita na ang tinatago niya. Nang nakita kong maayos na siya at muli akong lumingon sa kaniya, akala ko pa naman ay nasa matinong isip na siya pero hindi pa pala.

Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko sabay lagay sa kanyang bewang . Aalisin ko na sana ng biglang bumulong siya sa tenga ko.

"Not so fast baby!" sambit nito sa akin sabay harap sa mukha ko, balak na sana niya akong halikan ngunit mabilis akong naka iwas.

"Miss, I'm sorry pero may pupuntahan pa kasi ako kaya aalis na ko but nice to meet you." sambit ko habang inaalis ang mga kamay ko sa bewang niya. Nang maalis ko na ito ay agad akong umalis at papunta sa table na kung saan doon ko nakita si Clea.

Nang tingnan ko ang table ulit nila ay hindi ko na sila nakita. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid nagbabakasakaling makita ko siya ulit pero nabigo ako.

Bigo akong bumalik na lang ako sa table namin, doon ay nakita ko silang tatlo na tulala at parang nawalan ng gana uminom.

I know why they are like that, they probably saw Clea but they don't seem to be sure if it's really Clea.

Umupo ako sa tabi ni Matteo at uminom ng isang basong whiskey. Tiningnan ko ulit sila ng binasag ni Xeto ang katahimikan.

"I think you're right, siya si Clea pero bakit hindi niya tayo kilala? Kanina ng makausap ko siya! Hindi ko man lang nakitaan ng gulat o taka kung bakit ako nandito. She didn't even know me." sambit ni Xeto habang nakatingin sa akin.

"Pero bakit hindi ka niya nakilala, lalong lalo na si Ben? Baka kamukha niya lang si Clea at hindi talaga siya si Clea." sabi naman ni Matteo. That makes sense! baka kamukha niya lang si Clea.

"Hay naku! hayaan niyo na muna yan, kung siya man si Clea edi Good kung hindi naman edi bahala na. As long as wala tayong patunay na siya talaga si Clea, manahimik na muna tayo." payo naman ni Manolo sa amin.

Alam kong lahat sila naguguluhan pero pinag sawalang bahala na muna nila ito dahil masisira lang ang kanilang gabi.

Makalipas ng ilang minuto ay bumalik na sa dating katinuan ang mga unggoy na to. Nagtatawanan kami dahil ini-snob si Matteo ng babae sa kabilang table, kaya kami naman ay tawang tawa, ng biglang nahinto ang tawanan nila at deretsong nakatingin sa likuran ko.

I don't know but I'm nervous, I don't feel scared, it's different and I can't explain what kind of feeling is this. I slowly turned around, when our eyes met.

Jessa and Khylie are in front of me now. I don't know why I feel dumb and I can't speak. I know we have the same reaction, who would have thought my suspicious Jessa was in front of me right now.

"Hi guys! Remember me? Ako yung nagbigay ng invitation sa inyo kanina." sambit ni Khylie sa amin.

"Yeah! We remembered you. By the way, I'm Matteo Jose Dela Fuente." Pakilala naman ni Matt sa kanya.

"And I'm Manolo Favis Pedragosa. At your service!" pakilala naman ni Manolo sa kanya.

"Eto nga pala si Jess, siguro kilala niyo na rin siya since nagpakilala na siya sa stage." Pakilala ni Khylie kay Jessa sa amin.

"Hi, I'm Jessa Torres. Sorry if hindi ko kayo na entertain kaninang umaga masyadong naging busy kasi ako for tomorrow's occasion." Paghihingi ng dispensa nito.

"Wala yun! Alam naman kung gaano kahirap mag assist ng isang resort lalo na kung may special occasions kagaya ngayon." sambit naman ni Xeto kay Jessa.

Bigla na lang tumingin sa akin si Jessa, tiningan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang inaalala niya ako kung saan man niya ako nakita.

"I remembere you! Ikaw yung lalaki kanina sa tabing dagat, right?" tanong niya sa akin.

Para akong pinako sa kinalalagyan ko ngayon, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Matagal akong nangugulila sa presensiya mo pero hindi ko maipaliwanag, naguguluhan ako! Umaasang sana ikaw na lang si Clea.

"Ah siya nga pala si Benjamin Reyes." Basag ni Manolo sa katahimikan na namumuo sa pagitan naming anim.

"Hello Benjamin! So, ikaw yung guy kanina diba? Yung tumatawag sa aking Clea?" tanong ulit niya sa akin.

"Ah... O-Oo ako yun! Sorry pala dahil napagkamalan kitang ibang tao! Medyo may pagkahawig kasi kayo eh!" Palusot ko na lang.

Really Ben? medyo may pagkahawig! Tapos sabi mo siya 'yun, tanga ka nga siguro.

"Ako nga dapat ang mag-sorry kasi tumakbo na lang ako bigla! Kaya sorry. Am I forgiven?" Paumanhin din niya.

Parehong pareho kayo! Sa mukha, sa katawan, sa pananalita at higit sa lahat pareho kayo ng ugali.

"You're forgiven," I smiled at her. She smiled at me too.

Nakisali sila sa amin sa table. Nag iinuman kami at nag eenjoy, pero alam ko sa sarili ko na parang may kulang, na may hinahanap ako.

Makalipas ng ilang oras, medyo lasing nadin ang apat at tanging kami na lang ni Jessa ang hindi pa medyo tinatamaan ng alak.

Hindi ko mapigilang tumingin sa kaniya. Gusto kong laging nasa direction niya lang ang mga mata ko. Natatakot na baka bigla siya umalis.

Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Mas mahinhin lang siya ng kaunti kay Clea dahil kahit medyo lasing na siya ay nagagawa niya paring maging professional tingnan. Hindi katulad ni Clea na kung uminom parang bata kung gumalaw.

Napatawa na lang ako habang inaalala ang mga pangyayaring iyon.

Nag-order ulit ng isa pang case ng vodka si Matteo, ayaw ko na sana pero ang kulit. Hindi daw kasi maalis sa isip niya ang babae kanina.

Habang hinihintay namin dumating yung alak ay biglang nagbago ang kanta at naging romantic na ang tugtug. Nang lumingon ako sa gawi nila ay nagtama ang mga mata namin. Biglang tumambol ang puso ko na para bang may karera.

Umiwas na lang ako ng tingin at uminom ng natitirang alak. Nang malagok ko iyon ay pinunasan ko ang labi ko at inayos ang upo. Mukhang may tama na ako dahil hindi ko inakalang masasabi ko iyon.

"May I have dance?" Matapang na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tapang ko, baka umeepekto na ang alak sa akin.

Mas lalong hindi ko inakala na papayag siya. Mabilis akong tumayo at nilahad ang kamay ko para alalayan siya, tinanggap niya naman ito at tumayo. Pumunta kami sa gitna, tanging kami lang dalawa ng oras na 'yon. Mukhang ayaw nila ang kantang ito.

So please keep loving me...

Because our hearts speak fluently...

Wherever I go, whatever I do...

The map on my heart leads to you...

So baby, please keep loving me...

Loving me, loving me, yeah...

Your lips on my smile...

Are like bees 'round a honeycomb...

You see through my heart's misty window...

And out of all the fingerprints, only yours will show...

I put her two hands around my neck, while my two hands were on her waist. We started dancing slowly. I don't know but I can't look right into her eyes. Because by the time I looked, I wasn't sure what would happen next.

"Can you please look at me?" she said slowly and gently. I gazed at her. I saw the pain and longing in her deep set eyes.

I didn't know what happened next, I just felt that my lips were already on her lips. I couldn't stop kissing her for some inexplicable reason. I kissed her with great sincerity and love. My hand went to her head and pressed our kiss even harder. I licked her lips and put my tongue in her mouth and kissed her again but now in a more aggressive way.

We just stopped when we suddenly gasped for breath.

Did we make out here in front of other people?

When our lips parted she also averted her eyes and removed her hands from my neck. I couldn't help but stare at her after what happened earlier.

"Ah balik na tayo!" Pag-aaya ko sa kanya. Tumango lang siya habang malayo ang kanyang mga tingin.

Nang makabalik kami sa upuan ay hindi ko magawang mag salita. Napipi na yata ako ng dahil sa halik niya. Ang kaninang hilo ko ay biglang nawala. Natauhan lang ako ng magsalita siya.

"A-Ah Ben, mauuna na kami! Medyo nalalasing na kasi si Khylie baka hindi ko na mahatid kung biglang ma knock out." sambit niya habang malayo ulit ang tingin.

Hindi ko na magawang magsalita ng mag umpisa na silang mag lakad. Inaalalayan niya si Khylie dahil pasuray suray na ito kung mag lakad. Habang ako ay tinuloy ang pag iinum.

Anong ginawa mo Ben? Bakit mo siya hinalikan! You need to say sorry to her. At ang mas nakakatakot ay bakit mo 'to nagustuhan! Bakit bigla na lang tumigas ang Bataan mo?

_______________________________________________________________

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height