Promise of Memories/C6 Promise of Memories
+ Add to Library
Promise of Memories/C6 Promise of Memories
+ Add to Library

C6 Promise of Memories

JESSA'S POV

AFTER talking with Khylie, I decided to sleep in my room first; after all, the next game will starts at 1:00 p.m. I still remember what Khylie told me.

She's right! Ben kissed me inadvertently, and it has no meaning. I also assured him everything was fine. But what the heck! Parang gusto kong puntahan siya at sabihin na hindi ako okay! Na dahil sa halik niya, nagbago ang nararamdaman ko!

But why is it such a big deal to me? For Pete's sake, it's 2019 na. Everyone kissed for no reason. Everyone do sex for no reason!

Just say you want your kiss to symbolize something! That he would not have apologized for admitting that he, too, wanted to.

Eh, why do I care? Let's say it's my first time falling in love! Are you sure this is your first time? Remember, you've lost your memory, and you're not even sure it was your first kiss. Yeah. I'm already twenty-eight years old.

Dahil sa malalim na pag-iisip ko ay nakita ko na lang ang sarili ko na mahimbing na natutulog. Thanks to Khylie because she woke me up.

She told me that the next game was about to start. Actually, the next game will be for adults like us; we can also participate, but it is entirely up to us.

The resort staff has prepared three games for everyone. The first game will take place in the swimming pool, and you will have to pre-swim and get to the finish line, but there is a twist in the game because you will be wearing a heavy swimming costume that will make swimming difficult for you. The first three players to complete the game are the winners, and the remaining two players will receive a consolation prize.

Since the first game is for boys, the second game is for girls. The next game is to dress up in a bikini and see who can walk and post the best. The game will have five contestants, with only three winning. The last game will be played by the guys and girls; they will dance and if the music stops, they will also stop, and whomever moves will be removed, and the winner will receive a special date. Today, we will be a matchmakers.

We're already prepared for the game in the Tent. The players are also present in the first game, and they are now dressed in their three-times-heavier swimming gear.

We went straight to the swimming area where they would later play after they finished putting on their gear.

Because of their costumes, the game took somewhat longer than two and a half hours to complete.

We are now waiting for the candidates for the second game to be announced. We were afraid since it was going to become dark, and we would not be able to complete because the staff indicated it needed some time for the others to find suitable swimsuits. Fortunately, everything worked out okay in the end.

"Good afternoon everyone, Excited na ba kayo? Well, I know everyone are excited lalong lalo na ng mga boys!" Tudyo ni Khylie. "Look at them, their eyes are shining! Excited to see sexy beautiful girl." Nanunudyong sambit niya "So, huwag na natin patagalin! Let me call the five beautiful candidate! Pasok mga bubuita!" Pasigaw na sabi ni Khylie sabay bukas ng mga ilaw sa stage. Nag silabasan na ang mga candidates.

Their are all beautiful and sexy. The way they walked can make man fall for them. Habang nag rarampa ang mga girls sa stage ay lumapit sa akin si Khylie dahil nandito ako sa gilid ng mini stage namin. Tumabi siya sa akin na nakaupo sabay inom ng tubig.

"Oh! Ano nagkausap na ba kayo ngayon? Dapat pag usapan ninyo ng mabuti yung halik na nangyari! Kahit na sabihin mong humingi na siya ng tawad ay kailangan mo parin ng explanation ng sa ganon ay hindi mo ma misenterpret yung nangyari." sabi niya sa akin habang nakatingin

sa harapan na kung saan nanduduon

ang mga audience.

Naisip ko na rin yan. I want to talk to him and ask him, why he kissed me? But I'm afraid na baka ma mis-enterpret niya din ang nangyari na baka sabihin niya ay napaka big deal sa akin na talaga namang big deal sa akin dahil bigla na lang nag-iba yung nararamdaman ko. Parang biglang lumiwanag yung buhay ko. Na sana siya na talaga ang magiging paraan para maging makulay ang madilim kong mundo.

"Paano? Dapat bang sabihin ko na it's not okay with me... na I don't need your sorry because all I want is your explanation na why... why did you kissed me?" Mahinang sabi ko habang nakayuko. Hindi ko alam pero parang gusto kong umiyak, pinipigilan ko lang ang mga luhang gusto ng tumulo sa mga mata ko.

"No, don't ask him like that! It looks like your demanding. Ask him politely like, 'Ben why did you kiss me?'" sambit niya sa akin at lumapit pa para yakapin ako dahil alam niyang nahihirapan din ako.

Nang dahil sa lakas ng tugtog na nag gagaling DJ ay hindi kami naririnig ng iba, tanging kami lang dalawa ni Khylie ang nagkakarinigan. Matagal ang yakapan namin, at nang maghiwalay kami ay iniangat ko na ang aking ulo at sa hindi sinasadyang pangyayari, siya mismo ang nahagip ng dalawang mga mata ko.

Nakita ko kung paano siya ngumiti ng walang halong problema, parang hindi siya ito nung una kaming nagkita. Base sa mga ngiti niya ay para siyang kinikilig dahil sa mga sinasabi ng kaniyang mga kaibigan. Napangiti na lang ako ng mapait. Doon ko na realize na sa panahon nga pala ngayon ay wala na ang halaga ng halik kasi kahit kanino mo naman ibigay yun e kahit nga sa kambing ay pupwede.

Hindi katulad dati na napaka importante ng halik. Na once you kissed that person it means you loved them. Pero ngayon, hindi na ganon! Marami ng nagbago sa bawat taon na lumilipas, mga importanteng pamamaraan ay natatakpan na ng mga kabuktutang pakikitungo. Hindi lang halik ang tinutukoy ko, kundi pati lahat. Napansin ko kasing tuluyan ng nagbago ang mundo, marami ng magnanakaw at sindikato, marami na ang naninira ng kalikasan na dapat ay pinapangalagaan. Wala na e! Matagal ng wala ang dating panahon at sigurado akong hinding hindi na iyon makakabalik.

Natauhan na lang ako bigla dahil sa pagkalabit sa akin ni Khylie. Agad akong tumingin sa kanya at nakita ko kung paano siya ngumisi ng nakaloloko sa akin.

"Bakit?" Walang emosiyon na sambit ko sa kanya pagkatapos kong bawiin ang tingin sa kanya.

Tumawa na muna siya bago magsalita.

"Bakit ka nakatingin sa kanya? Siguro gusto mo siya no?" sabi niya sa akin habang panay kiliti sa bewang ko. Napatawa ako dahil alam ko naman na hindi niya ako makikiliti dahil wala akong kiliti diyan.

Tiningnan ko siya ng masama para tumigil na at nakita ko kung paano siya kabahan at mabilis na tinigil ang ginagawa sa akin.

Tsk! Bakit ba minsan ay takot ito sa 'kin?

"Dahil ba nakatingin ako sa kanya ay gusto ko na siya? Grabe naman! Kaya ako nakatingin sa kaniya ay dahil..." naputol na sabi ko dahil pinagunahan na niya ako.

"Nakatingin ka sa kanya dahil mahal mo siya. Minahal mo siya Jess!" Mahinahon na sambit niya na mismong nakatingin sa dalawang mga mata ko.

Para akong kinabahan ng dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kinakabahan ba talaga ako kasi napaka bilis ng tibok ng puso ko na parang ilang kilometro ang tinakbo ko kaya ganito ako kapagod at napaka bilis ng tibok ng puso.

"Pa 'no ko naman siya mamahalin? God Khylie!! Kakakilala pa lang namin at mahal na agad. Nahihibang k-kanaba?" Mabagal na sambit ko sa bawat salitang binibitiwan ko.

"Alam mo Jess ikaw na nga mismo nagsabi sa akin na madali akong ma fall kaya may posibilidad na magustuhan at mahalin mo siya kahit ka kikilala niyo palang dalawa. Pero sa totoo lang nung nakita ko kayong dalawa... pagmamahal agad ang nakita ko sa inyong dalawa. Pagmamahal ng naghihintay at pagmamahal ng nag hahanap. Nakita ko sa mga mata ninyo yung kislap na waring matagal na kayong nagmamahalan, pero ayaw kong masaktan ka... kaya dapat kong sabihin ito sa 'yo," madamdaming sambit niya na siyang tumatagos sa puso ko ng sobra.

Natuwa ako ng pagmamahal ang nakita niya din sa mga mata ni Ben. Pero napawi din iyon ng dahil sa nalaman ko.

"Ano yung sasabihin mo Ky?" tanong ko sa kanya dahil para siyang nahihirapan.

"Ben is waiting for someone," mahinang sabi niya pero kahit na ganun ay narinig ko parin. "He's waiting for his love. Paano ko nalaman? Nasabi sa akin ng kaibigan niya. Nadulas si Xeto ng minsang mapag usapan namin siya kanina. Ben is already taken for someone na hinihintay na niya lang bumalik. Ayaw ko sanang sabihin sa 'yo pero mas ayaw kong umasa ka Jess."

Tuluyan ng nawala ang mood ko ngayon ng dahil sa mga sinabi niya. So it's true na he's taken even though hinihintay niya pang bumalik ang mahal niya. Kaya ba sinabi ni Khylie na nakita niya sa mga mata ni Ben ang pagmamahal ng naghihintay, dahil talaga namang naghihintay siya. Hindi ko alam ngunit parang unti unting nadudurog ang puso ko kaya bago pa ako umiyak ulit sa harapan ni Khylie ay minabuti ko ng umalis.

Aakmang susundan niya ako ng pigilan ko siya, ayaw niya pa sanang pumayag buti na lang at nagmakaawa ako na kailangan ko ng mapag isa. Pumayag din siya bandang huli. Tumakbo ako papuntang hotel ng biglang may humawak ng pulsuhan ko.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Mas lalo pa yatang bumilis dahil naamoy ko ang pabangong parang minsan ay naging paborito ko. Unti unti akong lumingon sa taong humawak sa akin at para akong nanghina dahil siya ang nasa harapan ko.

You made me love you in just a freaking one kiss!

BENJIE'S POV

Nang makalapit ako sa mga gunggong kong mga kaibigan ay agad naman ako nilang inaasar dahil puno ng pawis ang aking noo. Ganito talaga ako lalo na kapag kinakabahan ako at alam na alam nila iyon kaya ang mga loko panay pang-aasar sa 'kin.

"Oh! Kamusta ang heart to heart na pag-uusap ninyo?" Nakangising tanong ni Matteo habang kumakain ng barbecue.

Ang mga loko-loko ay malakas na nagtawanan dahil sa mala halong landing sabi ni Matteo. Hindi ko na lang sila pinansin at kumuha na lang ng barbecue. Nagluto pala ang mga kumag hindi man lang ako inalok kung hindi ko pa nalaman.

"Sabi niya okay lang daw yun! Hindi naman iyon big deal para sa kanya!" sabi ko habang ngumunguya ng barbecue.

"Dissapointed ka Bro? Bakit parang may iba ah! Don't tell me, gusto mo siya?" Seryosong sabi ni Xeto sa akin.

Nagugustuhan ko na ba siya? Pero hindi pwede! May hinihintay ako, at nangako akong hinding hindi ko na uulitin ang mga nagawa ko na naging dahilan ng hiwalayan namin. Sapat na ang sakit na idinanas niya, ayaw ko ng maulit ito pero bakit parang ayaw ko. Ayaw kong lumayo kay Jessa, gusto ko lagi ko siyang nakikita. Ayaw ko man maging selfish pero iniisip ko na sana siya na lang talaga si Clea.

"Pero Bro paano si Clea? Akala ko ba siya lang! Bro tatapatin kita, kaya ka ba nagkaka-interes kay Jessa ay dahil kamukha niya si Clea?" Malumanay na sambit ni Manolo. Tumingin naman sila sa akin at parang inaalam ang reaction ko sa sinabi ni Manolo.

"Ewan! Hindi ko alam! Baka oo... baka hindi. Ang alam ko lang masaya ako kapag nakikita at nakakasama ko siya!" Pag-aamin ko ng totoo.

Napa buntong hininga silang tatlo dahil sa sinabi ko. Para bang hindi iyon ang gusto nilang marinig sa 'kin.

"Kung ganon ay iwasan mo na siya dahil baka masaktan mo lang ito bandang huli. Kahit sabihin natin na kakikilala niyo palang ang isa't isa ay posibleng magkagusto siya sa 'yo lalo't pa at binigyan mo siya ng motibo," sabi ni Matteo sa akin. "Alam mo kasi, nagkakagusto lang naman ang mga babae kapag may isang lalaking nagbibigay dahilan sa kanila para subukan ang pag-ibig. Kaya kung wala kang planong mahalin siya, just stay away from her!"

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, mahirap para sa akin ang mag desisyon pero kailangan dahil paniguradong dalawa silang masasaktan. Buti sana kung siya si Clea pero hindi e.

Hindi na muli kaming nagusap-usap, pinagpatuloy na lang namin ang pag kain ng barbecue ng maisipan naming bumalik sa loob upang manood ng mga palaro.

Ngayon ay nasa second game na sila na kung saan ay puro girls naman na naka swimsuit ang mag lalaban laban kaya etong mga kumag na ito lalong lalo na si Matteo ay kumikinang na ang mga mata. Natatawa na lang kami dahil sa mukha niya.

Nang marinig namin na tinawanag na ni Khylie ang mga candidates ay mas lumapit pa kami dahil sa kakapilit ni Matteo. Tumingin ako sa stage at nakita ko na ang isa sa kanila ay yung nagpakilala sa akin kagabi na babae. Nahuli kong nakatingin siya sa akin na parang inaakit ako. Well, she's sexy and beautiful but I don't want her. Nakita rin nina Manolo na panay tingin sa akin ng candidate number three kaya inaasar na naman nila ako.

"Bro! Tingnan mo yung naka white na swimsuit, mukhang type ka yata! Panay tingin sa 'yo e!" sabi sa akin ni Xeto habang nakatingin sa stage.

"Oo nga no! Patulan mo na yan, Bro, tutal single ka naman!" sabat sa amin ni Matteo-ng Babaero.

"Gusto niyo akong pumatol sa kanya pero kapag si Jessa ayaw niyo kasi sabi niyo I'm not available." Sarkistong sabi ko sa kanila habang nililibot ang aking mga mata.

Nahagip ng mga mata ko si Jessa kasama si Khylie. Medyo malayo sila sa amin dahil nasa hulihan sila. Tiningnan ko ng mabuti si Jessa. Kamukha niya talaga si Clea. Siguro kung nandito si Clea matutuwa siya dahil may kamukha.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya kaya ng mahuli ako ng mga kaibigan ko ay ayun inasar na naman ako.

"Malayo ang tingin, nakatitig sa kanyang bituin!" Pakantang sabi ni Manolo habang winawagayway pa ang kanyang mga kamay sa hangin.

Nagtawanan naman ang mga kumag at mas lalo pa akong inasar dahil hindi ko daw maalis ang tingin ko kay Jessa. Tiningnan ko sila ng masama para tumigil na sila pero parang hindi umeffect dahil ako yung natawa bandang huli.

Binalik ko na lang ang tingin kay Jessa at nahuli kong umiiyak siya, nais ko sana siyang puntahan ng biglang tumayo siya at tumakbo pabalik yata sa Hotel. Tumayo agad ako at hinabol siya. Nakita ko siyang naglalakad palapit sa Hotel ng hulihin ko ang mga kamay niya. Naramdaman kong may dumaloy na kuryente sa aking katawan ng hawakan ko ang mga kamay niyang kasing lambot ng marshmallow.

Unti unti siyang lumingon sa akin at nang magtama ang mga mata namin ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Pinilit kong maging normal sa kanya kahit sa totoo ay parang nanghihina na ako.

Tiningnan niya ako sa mata at tumingin din sa kamay kong hawak hawak parin ang kamay niya. Agad kong itong binitawan kaya napatingin ulit siya sa akin.

"Bakit?" Paos niyang sambit sa akin. Napakunot ang noo ko ng makita ang namumula niyang mga mata at pisnge. Nakita kong may tutulo na luha sa mga mata niya kaya agad ko itong pinunasan gamit ang aking kamay.

Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko, kahit ako ay nagulat rin. Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nais kong ako lang ang pupunas sa mga luha niya! Na ako lang ang makakapagpangiti sa kanya at higit sa lahat gusto kong ako lang ang para sa kanya.

Ano ba itong nararamdaman mo Benjie?

Natauhan na lang ako ng unti unti niyang tinatangal ang kamay ko sa kanyang mga pisnge.

"Bakit ka umiiyak?" Mahinang tanong ko sa kanya na kung hindi ako nagkakamali na may halong lambing ang pagsabi ko.

"Ah... Umiyak ako kasi... kasi first year na ng resort ko. Tama! Umiyak ako dahil do'n!" Pamali-maling sabi niya sa akin na parang hindi pa sigurado sa sagot niya.

Tatanungin ko pa sana siya ng maunahan niya ulit ako.

"Anong kailangan mo pala sa 'kin?" Mahinahon na tanong niya.

Inisip ko rin kung ano ba ang dahilan kung bakit ko siya sinundan, basta ang alam ko lang ay umiyak siya at kailangan ako sa tabi niya. Ngunit parang pasmado yata ang bibig ko at iba ang nasabi ko.

"Puwede ba kita yayain mag dinner mamaya?" Matapang na sabi ko sa kanya.

Para siyang tanga dahil bigla na lang lumaki ang may pag kasingkit na mga mata niya. Hindi makapaniwalang niyaya ko siya. Ako rin nga hindi makapaniwala!

"Yaya-yain sana kita mag dinner para sana maka bawi ako sa nangyari kagabi. I mean... peace offering kung baga!" Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Amm... anong oras ba? Kasi may party pa mamaya diba?" tanong niya sa akin habang kinakalikot ang mga kuko niya.

Bigla ko na lang naalala si Clea, ganyan na ganyan siya kapag natatakot o di kaya ay kinakabahan. Hindi ko gustong maghinala pero parehong pareho silang dalawa.

"Hmm... kung anong oras matatapos yung awarding. Kung okay lang sa 'yo? Baka kasi pagod kana kasi kanina pang umaga kapa nag-aayos ng party." sagot ko sa kanya.

"7 pm maybe matatapos yung game pero sure akong hanggang 9 yung gagawin ko. Kung okay lang sa 'yo na pagkatapos ko na lang?" sabi niya.

"Ah oo naman! So, payag kana?" mabilis na tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. "Yeah? I'll pick you up na lang mamaya sa Lobby o dikaya ay tawagan mo na lang ako kapag ready kana!"

"Okay. Can I get your number? So, I can easily contact you!" sabi niya sa akin.

Mabilis kong kinuha ang wallet ko at kumuha ng isang calling card at mabilis na ibinigay sa kanya. Nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata niya at bigla na lang tumalikod sa akin pabalik sa hotel. Hindi ko na lang siya ginambala dahil mukhang pagod na pagod siya.

Binalik ko ang tingin sa wallet ko at nakita ko ang picture ni Clea na nakalagay mismo sa unahan, kaya kapag binuksan mo ang wallet ko, mukha niya ang una mong makikita. Ang picture na ito yung mga panahon na kami pa at masaya pa kaming dalawa. Pinilit niya lang akong kuhanan siya ng litrato dahil ayaw ko. Sino ba naman ang hindi magagalit kung yung Girlfriend ko ay gusto mag picture habang naka upo sa damuhan na nakapalda lamang at once na humangin ay pati ito nadala. Napangiti na lang ako at napag pasyahang bumalik sa mga kaibigan ko.

__________________________________________________________

"Dali na Babe! Isa lang naman eh! Gusto ko talagang mag selfie. Please! Please babe!" Pangugulit sa akin ng girlfriend ko. Nandito kami ngayon sa may amusement park. Naisipan kasi namin na mamasyal habang hindi pa nagbubukas ang school year. College na kami ngayon, same school lang kami pero malayo ang building ko sa building niya.

"Edi mag selfie ka!" sagot ko naman sa kaniya.

"Gusto ko ikaw ang kumuha ng picture sa akin!" nakangusong pangugulit pa niya.

"No!" matigas na sabi ko. Madali lang sana kung naka pants siya, but what the heck! Naka dress siya at kung mamalasin once na humangin, panigurado goodbye world na.

Nakita kong ngumoso siya at tumingin sa paligid, panay libot niya sa park hanggang sa tumigil ito sa isang lalaking nakatayo. Nagkasalubong agad ang mga kilay ko at tumingin sa kaniya, para siyang naka ngisi ng ewan.

"Okay! Sige hindi na ako magpapa picture," biglang sabi niya sa akin na tumatango tango pa. Hahawakan ko na sana ang kamay niya ng magsalita ulit siya. "Sa 'yo, kaya sa kaniya na lang ako mag papapicture!"

Tinuro niya ung lalaking kaninang tiningnan niya. Tumingin naman ako sa gawi ng lalaki at nakita ko siyang nakatingin sa girlfriend ko.

Aba'y gago to ah! Bakit tinitingnan mo girlfriend ko? Gusto mo sapak!

"Oh sige, pupuntahan ko muna siya! Mauna kana sa cafè" sabi niya at mag uumpisa na sanang maghakbang ng pigilan ko siya. Lumingon naman siya sa akin. Hindi nakaiwas sa akin ang pag ngisi niya na parang nagtagumpay siya sa isang contest.

"Bakit?" tanong niya sa akin.

"Ako na! Ako na kukuha sa 'yo ng litrato. Hindi yung pupunta ka pa sa iba!" sabi ko sa kaniya sabay kuha ng camerang hawak hawak niya.

Ngumiti naman siya sa akin at dali daling pumunta sa may swing at umupo doon. Ako naman ay puwesto na para kuhanan na siya.

Masakit talaga sa ulo kapag may makulit kang girlfriend!

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height