Rebound Love/C13 Episode 13
+ Add to Library
Rebound Love/C13 Episode 13
+ Add to Library

C13 Episode 13

Kinabukasan ay bumaba sila sa resto para sa kanilang breakfast buffet, nakaupo na sina Leina at Matt at nagsimula nang kumain

"Mahal ko, nagutom ako sobra" ani ni Leina

"Napagod kasi tayo kagabi, ako rin gutom na gutom eh"

"Ikaw kasi eh"

"Wow ah, pinagbigyan lang kita"

Natatawa namang hinampas ni Leina sa braso si Matt "Sobra ka, last na yun ayoko na" ani ni Leina habang kandahaba ang nguso, niyakap naman siya ni Matt at hinalikan sa pisngi

"Ang Mahal kong nag arti arti nanaman" ani ni Matt, natawa naman si Leina

"Ikaw kasi" ani ni Leina, ibinaba ni Matt ang kamay niya sa legs ni Leina, niyakap naman ni Leina ang braso niya habang ngumunguya, tapos ay sinandal ang ulo niya sa balikat nito, nang mapansin ni Matt si Sir Carlo na titingin tingin sa kanila

"Mahal, yung may crush sayo titingin tingin dito"

"Ikaw talaga, nakita mo nanaman si Kaloy"

"Hmm, akin to Kaloy" ani ni Matt, natawa naman si Leina sabay halik sa balikat ni Matt, pagkatapos kumain ay nagpunta na sila sa may Gazeebo at nagsimula na ang mga games at raffle nila, nanalo naman si Sarah ng laptop, pagkatapos ay nagkanya kanya na ulit sila, nakaupo naman sina Sarah, Aldrin, Leina at Matt sa may ilalim ng coconut tree, may hawak naman ng bote ng beer ang dalawang lalaki

"Ang swerte naman talaga nito ni munting prinsesa" ani ni Aldrin "Akalain mo yun, nanalo ng laptop"

"Oo nga ang daya" ani ni Leina "Siguro 50 nilagay mong pangalan dun sa bowl"

"Gaga ka" natatawang ani ni Sarah "Pinagdasal ko talaga yun, at saka hindi lang ako ang swerte dito, dalawa dyan ang inlababong inlababo, ayaw maghiwalay, naghiwalay pa ng kwarto"

Nagkatinginan naman sina Leina at Matt "Eh ganun talaga, dapat meron kaming Mahal Time" ani ni Matt

"Mahal Time?"

"Time namin para sa isat-isa"

"Ang sweet" natatawang ani ni Aldrin

"Leina, magswimming tayo" yaya ni Sarah "Kayo?" ani kay Matt at Aldrin

"Una na kayo, tapusin lang namin tong tig isang bote" ani ni Matt "Ingatan mo ang Mahal ko, susunod kami maya maya"

"Malaki na tong Mahal mo noh, lika na" ani ni Sarah, at saka tumayo ang dalawa at nagtatakbo na sa may dagat

"Ano?" ani ni Aldrin "Hindi pala agad kayo umamin ah"

"Oo nga eh, kasi hindi pa talaga ako ready nuon, hindi naman ako nagsinungaling sa kanya, nung una talaga hindi ko siya mahal, gusto ko siya oo, pero hindi ko mahal, hanggang sa unti unti ko na ring nararamdaman na napapamahal na siya sa akin"

"So mahal mo na ba talaga?"

"Oo naman, mahal ko na talaga, kaya nga bumabawi ako, kasi alam ko nasaktan ko siya dati, pero tiniis niya yung sakit and she dont deserve that pain"

"At least diba, sabi ko sayo magwowork eh, okay naman si Leina"

"Oo nga" nakangiting ani ni Matt, maya maya ay sumunod na rin sila kina Sarah at Leina, hindi naman iniiwan ni Matt si Leina

"Hoy maglunch na tayo" ani ni Sarah "Nasa may Gazeebo na yung mga pagkain, nakaluto na sila"

"Sige lika" ani ni Aldrin, umahon sila para kumain, meron silang lechong baboy, crabs and shrimps, enseladang mangga, ensaladang talong, okra, bagoong at mga prutas, meron din silang adobong manok, nakaupo lang si Leina at inaantay si Matt nang lumapit si Sir Carlo sa kanya

"Hi Leina, gusto ko lang sabihin okay na okay yung ginawa mong program, pati na rin ang paghahati hati ng commitee para sa mga foods"

Ngumiti si Leina "Thank you Sir"

"Paano alis na ako, see you later sa bar" siya namang lapit ni Matt "Para yun lahat"

"Sige Sir darating po kami"

"Okay" at saka ito tumalikod at pinuntahan ang ibang staff "Ano? Kamusta na kayo?"

"Anong sabi nun?" bulong ni Matt

"Nagtethank you lang siya Mahal"

"Ahh, o dami kong kinuha, ubusin natin to"

"Wow, ang sasarap nito Mahal"

"Hayaan mo Mahal, pagbalik natin ipagluluto kita ng Creamy Shrimp Pasta"

"Promise Mahal?"

"Oo" sabay dampi ng halik sa labi ni Leina "Kain na tayo" siya rin naman upo nina Aldrin at Sarah at sabay sabay silang kumain at kwentuhan, pagkatapos kumain ay umakyat muna sila sa kaniya kaniyang mga kwarto, nagbihis na si Leina, eto yung oversize shirt na nabili nila sa hotel, magpapahinga pa naman sila, mamaya na ulit siya magbibihis, nahiga siya sa kama, si Matt naman ay nasa banyo pa, maya maya ay nakatulog na si Leina, paglabas ni Matt ay tulog na si Leina, pinatuyo na niya ang katawan at nagbihis na rin saka tumabi kay Leina, tinitigan niya ang babae at napangiti siya, hinalikan niya ito sa noo, unti unting dumilat ang mata ni Leina at tumingin sa kanya, kumilos ito para yumakap at umunan sa dibdib niya, niyakap niya naman ito, maya maya ay tulog na rin siya.

Bandang 4pm nagising sila, nag iinat na si Leina nang yakapin siya sa may bewang ni Matt, yumakap rin naman siya dito

"Ano na Mr. Ledesma?"

"Bakit my future Mrs. Ledesma?"

"Baba na tayo?"

"Mamaya na, dito muna tayo, para sa Mahal Time natin" sabay subsob sa leeg nito

"Mahal mo ako?"

"Oo naman, kiss mo ako" sabay haba ng nguso, dinampian naman ng halik ni Leina si Matt, umibabaw naman ito sa kanya at muli siyang hinalikan sa labi, kusa namang bumuka ang mga hita ni Leina, unti unti hinubad ni Matt ang suot ni Leina at tinitigan ito "Sexy sexy mo talaga Mahal ko, I really love your curves, your twins" sabay dampi ng halik sa nipple nito

"Thank you"

"Thank you for being mine"

"I love you"

"I love you too" at muli niyang hinalikan sa labi si Leina, at muli nilang pinagsaluhan ang pagmamahal sa isat-isa, bandang 6pm ay bumaba na sila, naka-sunday dress si Leina na hanggang tuhod ang haba na kulay light gray na may print na maliliit na bulaklak, nakawalking shorts naman si Matt, kulay dark gray at baby blue na plain polo shirt, magdidinner muna sila bago magpunta sa bar, sabay sabay na sila ni Aldrin at Sarah

"Mamaya pa raw bukas ng bar" ani ni Aldrin "9pm pa raw"

"Ganun?" ani ni Matt "Dito na muna tayo, ayus yun nakababa na ang kinain natin bago tayo magbar"

"Kaya nga"

"Mamili muna tayo ng pasalubong" ani ni Leina

"Gusto mo Mahal?"

"Oo sana"

"Sige"

"Tama nga, bili muna tayo ng pasalubong" ani ni Sarah

Pagkatapos kumain ay namili nga muna sila, magkasabay na naglalakad sina Leina at Sarah at nasa likod naman nila sina Aldrin at Matt

"Friend ang blooming mo" bulong ni Sarah "Nadiligan ka siguro bago bumaba"

"Ang gago mo talaga" ganting bulong ni Leina

"Umamin ka, sinuko mo na yang pudaday mo noh?"

"Tse! Mga tanong mo talaga"

"Ay sinuko na niya ang pudaday niya"

"Huy, marinig ka ni Matt, siraulo ka talaga"

Natawa naman si Sarah "Pulang pula ka na girl"

"Nakakabwisit ka kasi"

"Sarap ba?" bulong ulit ni Sarah

"Ssshhh, oo" ganting bulong niya

"Malaki? Daks ba? Magaling?"

"Akin na lang yun bwisit ka talaga, pero satisfied ako"

"Iiiiihhh kinikilig ako"

"Ssshh ikaw talaga"

"Masaya ako for you, natupad na kasi ang wet dreams mo"

"Tarantado ka talaga, kakabwisit ka" nangingiting ani ni Leina

"Basta, masaya ako para sayo" sabay angkla kay Leina at nagfocus na sila sa pamimili, pagkatapos nilang mamili ng pasalubong ay inihatid na nila ito sa mga kwarto nila at saka sila pumunta sa bar, andun na rin ang ibang officemates nila, ang iba ay nasa dance floor na, ang iba naman ay nag-iinom, hanggang sa nagpatugtog ng sweet music ang DJ

"Matt, isayaw mo naman si Leina" ani ni Sarah

Tumingin si Matt kay Leina "May I have this dance Mahal ko?" sabay lahad ng kamay, ibinigay naman ni Leina ang kamay at pumunta na sila sa gitna ng dance floor, hinawakan ni Matt si Leina sa bewang at nilagay naman ni Leina ang kamay sa balikat ni Matt at nagsimula na sila ng slow dance, nakatingin lamang sila sa isat-isa, maya maya ay hinapit ni Matt sa bewang si Leina at inikot naman ni Leina ang kamay sa may batok ni Matt, hinalikan siya ni Matt sa labi habang nag-islow dance sila, wala silang kamalay malay na silang dalawa na lang ang nasa dance floor

"I love you Mahal ko" ani ni Matt

"I love you too Mahal ko"

"Happy ka Mahal?"

"Sobrang Happy" sagot ni Leina, niyakap naman siya ni Matt, maya maya ay iba na ang tugtog, at nagsasayawan nanaman ang iba nilang kasama, pero silang dalawa, para pa ring may sariling mundo, slow dance pa rin ang peg nila.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height