Rebound Love/C14 Episode 15
+ Add to Library
Rebound Love/C14 Episode 15
+ Add to Library

C14 Episode 15

Sunday after lunch, pabalik na sila sa Manila, habang sakay sila ng bus ay nakatulog si Leina sa balikat ni Matt, nagbabrowse naman ng sa phone niya si Matt nang lumapit si Aldrin

"Pre, pasabay ako ahh, dami kong bitbit eh"

"Oo sige, eh si Sarah?"

"Susunduin daw siya ng Kuya niya, ako lang ang sasabay, iistorbohin ko muna kayong dalawa"

"Loko, sige okay lang" ani ni Matt

Halos alas kwatro na ng makabalik sila sa opisina, nag aayos naman ng mga gamit nila si Leina at Aldrin habang pinapainiti ni Matt ang kotse niya

"Leina, pasensiya na ha? Nasa pagawaan pa kasi ang sasakyan ko"

"Nyek, okay lang noh"

"Lika na" ani naman ni Matt, si Leina na ang nakaupo sa passengers seat, sa likod naman si Aldrin, maya maya ay naihatid naman nila ang lalaki, pagkahatid kay Aldrin ay naggrocery muna sina Matt at Leina

"Mahal, ibibili kita ng mga personal mong gamit para pag sa bahay ka mag-istay may gamit ka na" ani ni Matt

"Ha? Ganun yun?"

"Oo Mahal ganun yun"

"Mahal, si Ria ba may gamit din siya sa bahay mo"

"Honestly, oo, pero itinapon ko na ang mga yun"

"Okay"

"Mahal ko, wag kang magtatampo ah"

"Hindi Mahal ko" nakangiting ani ni Leina

"Ibibili kita ng mga pantulog, yung sexy pero hindi kita ibibili ng panty" bulong ni Matt

"Bakit naman? Lalamigin ang pudaday ko"

"Tatanggalin ko rin naman yun"

"Bastos ka" natatawang ani ni Leina, natawa naman si Matt sa kanya

"Alam mo Mahal ko, natutuwa ako sayo, hindi ko alam kung nagagalit ka ba o kinikilig ka eh"

"Parehas"

"Wow pwede pala yun?"

"Oo pwede sa akin" sabay kagat sa braso ni Matt

"Aray, bad ka, mamaya ka sa akin, kakagatin ko yang si kambal"

Tinakpan naman ni Leina ang dibdib "Hindi pwede yun, masasaktan sila, magagalit sila sayo"

"Hindi magagalit si kambal sa Daddy nila" natawa naman si Leina sa tinuring ni Matt "Sana Mahal pag nagkababy tayo kambal"

"Gusto ko rin kambal"

"Mamaya, pag-aaralan natin, at saka bukas ka na umuwi"

"Bakit?"

"Sige na bukas ka na umuwi" sabay hapit sa bewang ni Leina

"Ibibili mo na ako ng mga gamit ko sa condo?"

"Oo nga sasakalin kita eh ang kulit mo eh"

"O sige"

"Ginigigil mo ako" sabay pisil sa pisngi ni Leina

"Pag ako nanggigil sayo, maga yang pisngi mo, hindi ka makikilala ng mama mo"

"Dinamay mo pa mama ko, Mahal gusto mo isakay kita sa cart?"

"Wag na magagalit sila"

"Sinong sila?"

"Hindi mo ba sila nakikita? Kanina pa sila nakatingin sa atin, kanina pa nila tayo sinusundan" tila nananakot na sabi ni Leina

"Ang siraulo mo Leina ko" natatawang ani ni Matt, natawa rin naman si Leina

"Joke lang po"

"Lika na, tapusin na natin to, nang makauwi na tayo at ipagluluto pa kita"

"Yehey magluluto ang Daddy namin" nailing naman si Matt sa babae

Maya maya ay nakauwi na sila sa condo, nagpahinga muna sila sa sofa

"Mahal, gusto mo tulungan kita mamaya?" ani ni Leina

"Ako na, magpahinga ka na lang sa kwarto natin"

"Kwarto natin?"

"Oo kwarto natin" sabay halik sa leeg ni Leina "I love you"

"I love you too" sabay yakap kay Matt "Mahal na mahal kita Matt, sana lagi lang tayong ganito"

Hinaplos naman sa buhok ni Matt si Leina at hinalikan ito sa pisngi "Mahal na mahal rin kita Leina ko, akin ka lang ha?"

"Ikaw rin? Akin ka lang?"

"Oo Mahal ko, sayong sayo lang ako" sabay halik sa labi ni Leina, bumaba ang halik niya sa leeg nito

"Mahal magluluto ka pa diba?"

"O sige na nga, magluluto na muna ako para sa Mahal ko, para mamaya magpapractice na tayo kung paano gumawa ng kambal"

"Sige habang nagluluto ka, igogoogle ko kung paano" ani ni Leina

"Baliw ka talaga" sabay yakap ng mahigpit kay Leina "Isearch mo maigi, tapos ituro mo sa akin mamaya"

"Sige sige" tila excited pang sagot ni Leina at sabay silang nagtawanan

Lumipas pa ang mga oras, kinabukasan, hinatid ni Matt si Leina sa bahay nila

"O andito na pala kayo" ani ni Aling Linda

"Ma, may pasalubong kami sayo"

"Ano?"

"Ref magnet"

"Pasalubong mo yun para sa ref hindi para sa akin" ani ni Aling Linda, nagtawanan naman sina Matt at Leina

"Oo nga Mahal" ani ni Leina kay Matt "Bakit yung ref ang pinasalubungan natin?"

"Ewan ko sayo" sagot naman ni Matt

"Pag untugin ko kayong dalawa eh" ani naman ni Aling Linda

"Si Mama hindi na mabiro, eto o, may dala kaming tshirt, dress at saka sling bag para sayo"

"Yan, ganyan nga"

"Maganda Ma?"

"Oo nak, maganda"

"Ako?"

"Sasampalin kita eh"

"Mahal ang kulit mo, pati si Tita niloloko mo" ani ni Matt

"Hindi ahh"

"Ganyan talaga yan, mana sa pinagmanahan"

"Siyempre kay Mama" ani ulit ni Leina

"Yung ganda mo sa akin mo namana, pero yung kalokohan mo hindi noh"

"Hala siya"

"Matt dito ka na magdinner, magsisigang ako ng hipon"

"Sige po Tita, thank you po" sagot naman ni Matt

"Mukhang masaya tong anak ko ah"

"Siyempre Ma, masaya talaga ako"

Bumulong naman si Matt kay Leina "Naalagaan ko ng husto eh"

"Salbahe" ganting bulong ni Leina

"Nagbubulungan pa kayong dalawa, sinasabi ko sa inyo, okay lang sa akin na magkaapo, pero wag naman sana maging bastardo o bastarda"

"Kambal Mama"

"Anong kambal?"

"Kambal ang magiging apo mo, pag aaralan namin gawin"

"Abay siraulo rin" ani ni Aling Linda, nanlaki naman ang mata ni Matt at napatingin kay Leina

"Akala ni Mama nagjojoke ako" bulong ni Leina kay Matt

"Baliw ka Mahal" natatawang ani ni Matt

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height