Rebound Love/C15 Episode 15
+ Add to Library
Rebound Love/C15 Episode 15
+ Add to Library

C15 Episode 15

Lumipas pa ang mga araw, papasok na sa opisina sina Matt at Leina nang may makasabay sila sa elevator na hindi inaasahang tao, si Ria, nagkatinginan silang tatlo, magkahawak kamay pa sina Matt at Leina, tuluyan nang pumasok ang dalawa dahil malelate na sila

"K-Kamusta Matt, Leina" ani ni Ria, nagkatinginan naman ang dalawang tinanong

"Okay lang" ani ni Matt "Nakabalik ka na pala"

"Oo, ngayon lang ulit"

"Good for you"

"I don't think so, parang wala na kasi akong babalikan" ani ni Ria, hindi naman kumikibo si Leina, pero pakiramdam niya ay iba ang pinatutungkulan nito, hinapit naman ni Matt si Leina sa sa bewang at hinalikan sa noo

"Aabot kaya tayo?" ani ni Matt

"Sana, may 3 minutes pa tayo para maka time in" maya maya ay bumukas na ang elevator

"Mahal bilis" ani ni Matt

"Sandali baka madapa ako"

"Pasanin kita"

"Ayoko baliw ka talaga" natatawang ani ni Leina, nagmamadali silang maglakad habang magkahawak kamay, si Ria naman ay nakatingin lang sa kanila, nasasaktan siya sa nakikita, hindi niya naisip na mabilis siyang ipagpapalit ni Matt

Lumipas pa ang mga oras, magkakasabay silang naglunch nila Aldrin at Sarah

"Friend nakabalik na pala si Ria" bulong ni Sarah, sila pa lang ang nasa mesa dahil nakapila pa sina Aldrin at Matt

"Oo nga, nakasabay namin siya ni Matt kanina sa elevator"

"Anong nangyari?"

"Wala, kinamusta niya kami, pero pakiramdam ko pinariringgan niya si Matt kanina na wala na pala siyang babalikan"

"Wow ah, siya kaya ang nang-iwan, eh anong reaksyon ni Matt?"

"Wala deadma lang, ganun pa rin"

"Hindi naman siya natulala o nataranta?"

"Parang hindi naman"

"Kapal din ng mukha ni Ria"

"Ssshh, andyan na sila Matt at Aldrin" siya namang lapit ng dalawang lalaki, pag lapag ng pagkain ay nagulat si Leina

"Mahal, ang sabi ko yung chicken curry ang gusto ko, hindi adobong baboy" ani ni Leina

"Ay sorry, akala ko kasi adobo, ibibili na lang kita"

"Hindi na wag na, okay na to, eto na lang"

"Mahal sorry talaga"

"Okay lang"

"Baka ayaw mo niyan"

"Eh may magagawa pa ba ako?"

"Kaya nga sorry na nga diba? Ibibili na lang kita"

"Wag na nga okay na to"

"Wag mo nang kainin" ani ni Matt sabay kuha ng ulam saka tumayo at bumalik sa counter

"Aldrin pwede pakipuntahan mo yang kaibigan mo" inis ani ni Leina, tumayo naman si Aldrin at sinundan si Matt

"Pre okay ka lang?" ani ni Aldrin

"Si Leina kasi nakakainis"

"Pre ikaw ang nagkamali ng bili, kakainin na nga lang niya kahit hindi yun ang gusto niya para hindi ka na pumila ulit"

"Kaya nga nagsosorry ako"

"Pre, destructed ka no?"

"Hindi ah"

"Tama na yang maang maangan acting mo, destructed ka dahil kay Ria, at si Leina pa talaga ang napagbubuntungan mo"

"Hindi naman sa ganun"

"Alam mo bumalik ka na at magsorry ka, yung totoong sorry ni Matteo, hindi yung nagsosorry ka pero parang wala sa loob mo"

Napahinga ng malalim si Matt at bumalik na sa pwesto nila, sumunod naman si Aldrin sa kanya, tumabi siya kay Leina at hinarap niya ito sa kanya at hinawakan sa dalawang kamay

"Mahal, sorry talaga" ani ni Matt

Ngumiti naman si Leina saka tumango at hinaplos siya pisngi, hinalikan naman siya sa noo ni Matt "Okay na, kumain na tayo"

"Di bale Mahal, babawi ako, ako na lang ang magluluto ng chicken curry para sayo"

"Promise?"

"Opo" sabay pisil sa ilong nito

"Yung maanghang?"

"Ilang kilong sili ba ang gusto mong ilagay ko?"

"Lima?"

Natawa naman si Matt "Pag yun hindi mo kinain lagot ka sa akin"

"Sili curry"

"Sige na kain ka na Mahal ko" sabay haplos sa buhok ni Leina, nagkatinginan naman si Aldrin at Matt, alam ni Aldrin na destructed si Matt dahil kay Ria, kanina pa ito tulala sa pwesto bago sila mananghalian, maya maya may biglang nagtext kay Matt

"Matt lets talk please" ani ni Ria sa text, hindi naman ito nireplayan ni Matt at pinagpatuloy ang pagkain, hindi nila alam nasa malapit lang ang table ni Ria at kanina pa sila pinagmamasdan, dumating ang uwian, nagCR muna si Leina, pagpasok niya sa cubicle ay may narinig siya

"Please lets talk" ani ng babae, pamilyar kay Leina ang boses nito "Pagkahatid mo sa kanya, aantayin kita, or dun na lang tayo sa condo magkita" lumabas na si Leina sa cubicle at halos kasabay niyang lumabas ang babae, at hindi siya nagkamali, si Ria ang naririnig niya at may kausap sa phone "Sige na" at inoff na nito ang phone, hindi naman sila nagkibuan, lumabas naman na ng CR si Leina, inaantay naman siya ni Matt sa labas

"May kausap ka ba sa phone?" ani ni Leina

"Ha? Bakit mo naitanong?" sagot ni Matt, siya rin namang labas ni Ria sa CR, nagkatinginan sila ni Matt at napansin yun ni Leina

"Matt lika na" ani ni Leina

"Sige" at hinawakan na siya nito sa kamay at lumabas na sila, habang nasa biyahe ay tahimik lang si Leina, pati si Matt ay hindi kumikibo, maya maya ay nasa bahay na sila nila Leina

"Mahal, hindi na ako bababa ah" ani ni Matt "May pupuntahan lang ako"

"Kay Ria? Kayong dalawa ba ang magkikita?"

Hindi agad nakasagot si Matt sa tanong ni Leina "Yes"

"Bakit Matt?" ani ni Leina, ang totoo parang nadudurog ang puso niya sa narinig mula sa nobyo

"I think we need to talk, for closure"

"Closure?"

"Yes, at alam mo naman di ba? Inamin ko naman sayo na until now nag-iisip ako kung bakit nangyari sa amin yun, may pagkakamali ba ako o pagkukulang, gusto kong malaman para hindi na maulit, sa atin"

"Matt, wala naman tayong problema diba?"

"Wala"

"Bakit kung hindi pa ako nagtanong parang wala kang balak sabihin sa akin na magkikita kayo?"

"Kasi alam kong sasama ang loob mo"

"Tingin mo hindi sasama ang loob ko kung malalaman ko sa iba na nagkita pala kayo?" hindi naman nakakibo si Matt "Sa condo ba kayo magkikita?"

"No Mahal ko" sabay hawak sa kamay ni Leina "Hindi na siya welcome sa condo, sa mall na lang kami magkikita para makapag-usap"

"Sige umalis ka na, baka inaantay ka na niya" sabay kuha ng kamay niya at labas ng kotse, hindi naman na kumibo si Matt, pag pasok ni Leina sa bahay nila at saka lang umalis si Matt

"O ikaw lang?" ani ni Aling Linda sa anak

"Hinatid po ako ni Matt, kaya lang may lakad siya kaya hindi na nakababa"

"Ah okay, sige magpahinga ka na"

"Sige po Ma" ani ni Leina at pumasok na siya sa kwarto at dun niya inilabas ang sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height