Rebound Love/C16 Episode 16
+ Add to Library
Rebound Love/C16 Episode 16
+ Add to Library

C16 Episode 16

Nagkita sa isang restaurant sina Ria at Matt, sa restaurant kung saan nagpropose si Matt kay Ria, hindi na sila natuloy sa mall, dahil nauna na si Ria duon

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" ani ni Matt

"Matt" ani ni Ria sabay hawak sa kamay nito "I missed you"

Umiling si Matt at kinuha ang kamay niya "I already have Leina"

"I know, pero hindi ako naniniwala na mahal mo siya, ang bilis naman para makalimutan mo ako"

"Oo Ria, nung una hindi ko mahal si Leina, masasabi ko pa nga na kaya ko siya niligawan kasi gusto ko na kalimutan ka, pero habang tumatagal totoong napapamahal na siya sa akin"

"Nangulila ka lang, andito na ulit ako, pwede na tayo ulit"

"Ano yun? Pag ayaw mo aalis ka at makikipaghiwalay sa akin ng walang dahilan tapos pag gusto mo na ulit, babalikan mo ako?"

"Sorry Babe" iyak na ani ni Ria "Mali ako, nagkamali talaga ako, patawarin mo ako, please come back to me, I love you so much, I still love you, kahit umalis ako, ikaw pa rin talaga mahal ko"

"Wala na Ria, tapos na tayo"

"No Babe, alam ko ako pa rin ang mahal mo" tumayo ito at tumabi sa kanya saka siya hinalikan sa labi, sakto naman na dumaan ang sasakyan ng Kuya ni Sarah at nakita niyang naghahalikan sina Ria at Matt, kahit nabigla ay napicturan niya ang dalawa

"Napakagago mo Matt" bulong ni Sarah

Itinulak naman ni Matt si Ria "Ria stop it" at saka ito tumayo at tinalikuran si Ria, iyak naman ito ng iyak, tinawagan naman ni Sarah si Leina

"Hello Leina"

"Bakit?"

"Leina, alam mo ba kung nasaan si Matt ngayon? Kung sino ang kasama niya?"

"Sa mall, magkikita raw sila ni Ria kasi kailangan nila mag-usap"

"Wala sila sa mall, nasa restaurant sila, at mukhang nagkakasiyahan lang naman sila"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakita ko silang naghahalikan"

"Ha?"

"Isesend ko sayo ang picture ng siraulong Matt na yun, kaya siya destructed kanina dahil kay Ria" hindi na sumagot si Leina dahil nabitawan na niya ang phone niya at iyak nanaman siya ng iyak, sobrang nasasaktan siya sa nangyayari, hindi rin siya tinext o tinawagan ni Matt nang gabi na yun.

Kinabukasan, past 7am ay wala pa si Matt, nakabihis na si Leina at mugto ang mga mata, lumabas siya ng kwarto niya nang masalubong niya ang mama niya

"Nak, may problema ka nanaman ba?"

"Wala po Ma"

"Magsabi ka ng totoo, wala pa si Matteo"

"Nagkatampuhan po kami"

"Parte yan ng relasyon, sana maayos niyo yan" ani ni Aling Linda

"Hindi na po ako kakain Ma, baka malate ako, aalis na ako"

"Sige anak, mag-iingat ka"

"Sige Ma" sabay halik sa pisngi ng ina, at lumabas na siya ng gate nila nang biglang huminto ang sasakyan ni Matt at lumabas ito

"Mahal sorry, tinanghali ako ng gising"

"Okay lang" sagot ni Leina pero hindi niya tinitingnan si Matt

"L-lika na" ani ni Matt, pinagbuksan pa niya ng pinto si Leina, habang nasa biyahe ay hindi naman nagkikibuan ang dalawa, alam ni Matt na umiyak si Leina dahil hanggang ngayon ay mugto ang mga mata nito, maya maya lang ay nakarating na sila sa opisina, nasa may parking na sila pero hindi pa lumalabas ng sasakyan

"Mahal" ani ni Matt

"Mabuti pa pumasok na tayo" ani ni Leina pero hindi pa rin niya tinitingnan si Matt

"Mag-usap muna tayo, 30 mins pa naman"

"Anong pag-uusapan natin?"

"Bakit namumugto ang mata mo? Umiyak ka alam ko, alam mo naman na magkikita kami ni Ria diba?"

"San ba kayo nagkita?"

"Sa resto na kami nagkita kasi andun na nga raw siya"

"Anong pinag-usapan niyo?"

"Yung nangyari sa amin"

"Okay na?"

"Paanong okay na?"

"Okay na ba kayo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Binuksan niya ang phone niya at pinakita ang picture na sinend ni Sarah sa kanya, nanlaki ang mata ni Matt

"Mahal, let me explain" ani ni Matt

"Okay na Matt, hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo, siguro masyado lang ako umasa na mamahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal mo sa kanya, hindi ko naanticipate na pwedeng magbago ang lahat kapag bumalik si Ria" maluha luhang ani ni Leina

"Mahal, please let me explain first"

"Tama na Matt, wag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko, hindi mo na ako kailangan sunduin at ihatid, hindi mo na rin ako kailangan pansinin, bye at goodluck na lang sa inyo ni Ria" sabay bukas ng pinto at labas ng kotse, nagmadali siyang maglakad at hindi niya napigilan ang mga luha na tumulo, hinabol naman siya ni Matt at niyakap siya mula sa likod

"Mahal, please, dont do this me, wala naman yun, hindi ako ang humalik sa kanya, please believe me"

"Sabihin na nating hindi ikaw ang nauna pero hindi ka tumanggi"

"Tumanggi ako, itinulak ko siya" ani ni Matt, inalis ni Leina ang kamay ni Matt na nakayakap sa kanya at saka umalis na "Leina naman please" pero hindi na niya nilingon ang lalaki, dirediretso siyang pumasok sa loob ng building, walang lingon lingon

Lumipas pa ang mga oras, lumapit si Aldrin kay Leina

"Leina, si Matt hindi siya pumasok?"

"Ha? Wala ba siya?"

"Hindi ba kayo sabay?" hindi nakakibo si Leina "Nag-away ba kayo?" hindi pa rin nakakibo si Leina at napayuko na lang "Nag-away nga kayo"

"Hindi ko alam ang sasabihin ko"

"Okay ka lang?"

"Oo okay lang"

"Pero asan kaya si Matt?"

"Baka kasama si Ria"

"Andyan si Ria eh"

Napatingin si Leina kay Aldrin "H-Hindi ko alam, sinundo niya pa ako kanina eh, akala ko sumunod siya"

"Leina, matagal na kaming magkakilala ni Matt, College days pa lang, kapag mahal ni Matt ang isang babae, mahal niya talaga, hindi siya yung tipo na nagbibilang ng babae"

"Alam ko, mahal pa rin niya si Ria at sa palagay ko hindi naman nawala yun sa puso niya"

Ngumiti si Aldrin "Believe me Leina, hindi na si Ria ang nagmamay ari ng puso ni Matt" saka ito tumayo, at pinisil sa balikat si Leina, saka bumalik na sa pwesto niya, naiwan namang mag-isa si Leina, wala kasi si Sarah, nakaleave kasi ito for 10 days, gusto niyang paniwalaan si Matt pati na rin ang sinabi ni Aldrin, pero paano ang picture? Wala pang isang buwan naghihiwalay sina Matt at Ria nang pumasok siya sa buhay ni Matt nuon, alam naman niya na hindi siya mahal ni Matt nung una pa lang, pero nagtake siya ng risk kasi umasa siya na mamahalin rin siya nito, sa ngayon gulong gulo talaga siya, at sobra siyang nasasaktan.

Lumipas pa ang mga oras, nagCR si Leina para umihi, maya maya ay may pamilyar siyang boses na naririnig mula sa kabilang cubicle

"Yes Babe.. Sige wait mo na lang ako sa condo..I miss you too.. I love you so much Babe, oo babawi tayo Babe" rinig na rinig ni Leina ang sinabi ng babae, lumabas siya ng cubicle at naghugas ng kamay, siya ring labas ni Ria sa kabilang cubicle at naghugas rin ng kamay

"Alam kong matagal ka nang may gusto kay Matt, at siguro umasa ka na mamahalin ka rin niya nang ligawan ka niya pagkatapos naming maghiwalay, ako na ang humihingi ng sorry dahil nadamay ka pa sa naging problema namin, sana someday makahanap ka ng lalaking totoong magmamahal sayo Leina" ani ni Ria, sabay labas ng CR ang ngingiti ngiti, wala naman siyang kausap sa phone kanina, nung makita niya si Leina na papunta sa CR ay sinundan niya ito at nagkunwari na kausap niya si Matt.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height