Rebound Love/C17 Episode 17
+ Add to Library
Rebound Love/C17 Episode 17
+ Add to Library

C17 Episode 17

Pagkatapos iwan ni Leina si Matt ay umuwi ito sa condo at hindi na ito pumasok, galit na galit siya sa sarili niya, naisip niya na sana hindi na lang siya nakipagkita kay Ria, sana hindi na lang niya inalam ang dahilan kung bakit siya iniwan nito, okay naman sila ni Leina, ngayon pati si Leina ay nasaktan niya, pero hindi siya papayag na mawala si Leina sa kanya, kaya lang hindi niya alam kung paano ito haharapin, dumating ang oras ng uwian, nag aabang ng masasakyan si Leina nang makita siya ni Aldrin

"Leina sakay na"

Sumakay naman si Leina "Salamat"

"Okay lang, kamusta ka na? Nagkausap na kayo ni Matt?"

"H-hindi, wala na kaming dapat pag-usapan"

"Leina, payong kaibigan lang, kailangan pag-usapan niyo ni Matt ang problema, para mas malinawan niyo ang nangyayari, kesa parehas kayong nasasaktan"

"Si Matt? Masasaktan? Baka nga tuwang tuwa pa yun, narinig ko kanina si Ria kausap siya, magkikita raw sila at babawi sa nawalang panahon sa kanila" nang biglang umiyak si Leina "Alam mo kung gaano kasakit yun Aldrin?"

"Sigurado ka?"

"Oo narinig ko kanina sa CR"

Hindi nakakibo si Aldrin, hindi rin naman siya makapaniwala na gagawin yun ni Matt kay Leina, inamin ng kaibigan sa kanya na mahal na mahal nito si Leina, inihatid ni Aldrin si Leina hanggang sa may gate ng subdivision nito, tapos ay pinuntahan niya si Matt sa condo

"Bakit hindi ka pumasok?"

"Hindi rin naman ako makakapagconcentrate, naihatid mo ba siya?"

"Oo hanggang sa may gate lang ng subdivision"

"Salamat"

"May sinabi sa akin si Leina"

"Ano?"

"Nag-usap ba kayo ni Ria kanina sa phone?"

"Hindi"

"Sure ka?"

"Oo, hindi kami nag-uusap, bakit?"

"Kasi sabi ni Leina, narinig niya sa may CR si Ria na may kausap sa phone, at ang sabi niya ikaw daw yun, sweet si Ria sa kausap at sinabi pa raw na babawi sa nawalang panahon"

"Hindi ako yun, baka iba ang kausap"

"Ang tanong Pre, may kausap ba talaga? Hindi kaya sinasadya na iparinig kay Leina yun, at gusto niyang palabasin kay Leina na okay na ulit kayo"

Hindi agad nakakibo si Matt at napailing "Malaman ko lang Aldrin, hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Ria"

"Kaya nga, ayusin mo agad yang sa inyo ni Leina, masyado siyang apektado"

"Hindi naman talaga ako papayag, gagawin ko ang lahat para sa amin, hindi ako papayag na mawala siya sa akin"

Pagkauwi ni Leina ay nakita niya ang Mama niya sa may tindahan at tinawag siya nito

"Anak, tumawag ang Tita Tess mo, ang Tito mo raw nastroke, eh humihingi siya ng pabor"

"Ano pong pabor?"

"Baka pwede raw na dito muna si Nene sa atin, sayang naman daw kasi ang pag aaral ng pinsan mo, hindi na raw kasi nila kayang pag-aralin, ang dami nilang gastos"

"Kayo po Ma, ano po ba ang desisyon niyo?"

"Gusto ko sana tulungan, at para rin may kasa-kasama ako dito sa bahay kapag wala ka"

"Okay lang sa akin Ma"

"Sige susunduin ko siya, bukas baka makakuha ako ng ticket kahit chance passenger lang"

"Aalis kayo?"

"Oo, ako na ang susundo sa pinsan mo, okay lang ba?"

"S-Sige po"

"Babalik ako agad wag kang mag-alala"

"Sige Ma"

"Kamusta na kayo ni Matt?"

"Ma, wag po muna natin siya pag-usapan"

Huminga ng malalim si Aling Linda "Sige ikaw ang bahala, basta andito lang ako kung kailangan mo ng kausap" tumango naman si Leina "Sige na magpahinga ka na"

"Sige po Ma, pasok na po ako sa loob" ani ni Leina, tumango naman ang Mama niya

Kinagabihan, kinatok si Leina ng Mama niya sa kwarto "Anak, andyan si Matt, ayaw nang pumasok, labasin mo na lang"

"Sige po Ma" ani ni Leina, lumabas siya sa may gate at nakita niya si Matt na nakatayo sa may kotse nito "Ano pang ginagawa mo dito"

Hinawakan nito ang kamay niya "Mahal please pakinggan mo ako, paniwalaan mo naman ako"

"Matt, ano bang kasalanan ko sayo?" iyak na ani ni Leina "Bakit hindi mo na lang ako pabayaan, binalikan ka na ni Ria, tama na"

"Wala akong pakialam kay Ria, ikaw ang kailangan ko, ikaw ang mahal ko" ani ni Matt sabay hawak sa magkabilang braso ni Leina

"Kaya pala gusto niyong bumawi sa mga panahong nawala sa inyo"

"Wala akong alam dun, maniwala ka naman sa akin please, mula simula naman naging honest naman ako sayo" hindi naman kumibo si Leina "Mahal, kung ano man ang kasalanan ko sorry naman na, wag mo naman ako ganituhin"

Tumulo ang luha ni Leina, niyakap naman siya ni Matt pero hindi siya gumanti ng yakap, iyak lang siya ng iyak, masyado siyang nasasaktan dahil mahal na mahal niya si Matt "Matt, kung talagang mahal mo ako, pabayaan mo muna ako please"

Humiwalay ng yakap si Matt, parang nadurog lalo ang puso ni Leina nang makita niyang umiiyak rin si Matt "Mahal, hindi ko kaya"

Tumalikod na si Leina, hindi niya rin kayang nakikita si Matt ng ganun, maya maya ay humarap siya dito "Please Matt, hayaan mo muna ako"

Umiling si Matt "Ayoko, please ayoko"

Hinawakan ni Leina sa magkabilang pisngi si Matt "Gusto ko mag-isip ka muna, pag-aralan mo ang nararamdaman mo Matt, kung ako talaga ang mahal mo tatanggapin kita dahil alam mo naman kung gaano kita kamahal, pero kung si Ria ang mahal mo, magpapaubaya ako, ayoko rin ng ganito, minsan mo na akong naikumpara sa kanya, baka siya talaga at hindi ako... "

"No, ikaw ang mahal ko"

"Prove it... sige na umuwi ka na, magpahinga ka na" saka tuluyan nang pumasok si Leina sa loob, wala namang nagawa si Matt kundi ang sumakay sa kotse niya

"Hindi ako titigil Leina, patutunayan ko na ikaw talaga ang mahal ko" at pinaandar na ang kotse niya, umuwi siya sa condo niya at nagulat siya pagbukas ng pinto dahil andun si Ria galing sa kusina, naalala niya binigyan niya ng susi ng condo niya si Ria nuong sila pa

"Anong ginagawa mo dito?"

"Babe, pinagluto kita" ani ni Ria, lumapit ito sa kanya at yumakap, inilayo niya ito sa kanya

"Umalis ka na"

"Babe please naman"

"No Ria, at saka pwede tigilan mo si Leina"

"Bakit? Ano naman ang isinumbong niya sayo?"

"Wala siyang sinusumbong"

"Pwede ba Matt, kalimutan mo na si Leina, tama na Babe, tama na, wag mo na akong pahirapan"

"Ako ang patahimikin mo Ria, kami ni Leina at sinasabi ko sayo tigilan mo na siya, at please umalis ka na at wag na wag ka nang babalik"

"Babe, hindi ako aalis" ani ni Ria sabay halik sa labi nito pero itinulak siya ni Matt, at saka hinatak sa braso

"Umalis ka na Ria" sabay hatak dito palabas ng pinto

"Babe please" iyak na ani ni Ria, binalikan ni Matt ang bag ni Ria at ibinato sa labas saka sinara ang pinto, inilagay niya pa ang double lock nito "Akin ka Matt, akin ka lang, babawiin kita sa Leina na yun dahil akin ka lang" ani ni Ria sabay alis.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height