Rebound Love/C18 Episode 18
+ Add to Library
Rebound Love/C18 Episode 18
+ Add to Library

C18 Episode 18

Kinabukasan hindi pumasok si Leina, ihahatid niya kasi sa terminal ang Mama niya, uuwi ito ng Davao para sunduin ang pinsan niya, palabas na sila nang huminto ang sasakyan ni Matt at lumabas ito

"Hi Tita, Leina" ani ni Matt, nagkatinginan naman sina Leina at Aling Linda

"Ahm, anong ginagawa mo dito?" ani ni Leina

"Sinusundo kita" pero napansin niyang nakamaong skirt at plain white blouse lang si Leina "Hindi ka papasok?"

"Aalis kasi si Mama, pupunta siya sa Davao ihahatid ko sa terminal"

"Eh di sasamahan ko na kayo"

"May pasok ka diba?"

"Hindi na ako papasok, sasamahan ko na lang kayo" sabay hawak sa kamay ni Leina, pasimpleng binawi ni Leina ang kamay

"Sige Matt, pakihatid mo na nga lang kami, baka matraffic pa kami at lalong matagalan" ani ni Aling Linda, ngumiti si Matt at binuksan ang pinto sa likod, sumakay naman si Aling Linda, napanganga naman si Leina sa mama niya

"Lika na Mahal" ani ni Matt, walang nagawa si Leina kundi ang umikot sa passengers seat, pinagbuksan naman siya ng pinto ni Matt "Ingat ka Mahal ko baka mauntog ka" ani ni Matt, inirapan naman niya si Matt at naupo na, nang maisara ni Matt ang pinto ay hindi niya napigilan ang sarili na mangiti, ang totoo kinikilig siya at talagang namimiss na niya si Matt, sumakay na si Matt sa Drivers seat at pinaandar na ang sasakyan

"Tita ano po ang gagawin niyo sa Davao?"

"Susunduin ko ang pamangkin ko, nagkaproblema kasi ang pamilya hirap sila sa buhay"

"Ahh"

"Leina, ilolock mo maigi ang pinto ah lalo na sa gabi" ani ni Aling Linda

"Opo Mama" ani ni Leina, napangiti naman si Matt at napansin yun ni Leina, tumingin si Matt sa kanya pero inirapan niya ito, wala na silang kibuan habang nasa biyahe, pagkatapos ng dalawang oras ay nasa terminal na sila

"Heleina, ang mga bilin ko anak"

"Opo Ma, uwi ka agad, at saka ingat ka"

"Ikaw rin mag-ingat ka" sabay tingin kay Matt "Matteo, pwede ko bang ibilin ang anak ko sayo?"

"Ma, wag na natin istorbohin si Matt" ani ni Leina

"Sana pagbalik ko okay na kayong dalawa"

"Opo Tita" sagot ni Matt "Gagawin ko ang lahat para kay Leina, mahal na mahal ko po siya at ilalaban ko siya" ani ni Matt habang nakatingin kay Leina, napatingin naman si Leina sa kanya at nangilid ang luha, natouch siya sa sinabi ni Matt sa Mama niya

"O siya sige pasok na ako"

"Sige Ma" sabay yakap sa ina at halik sa pisngi nito, nagmano naman si Matt kay Aling Linda, tapos ay pumasok na ito sa loob ng terminal, lumapit naman si Matt kay Leina at inikot ang kamay niya sa bewang nito, napatingin naman si Leina sa kanya

"Lika na Mahal ko" ani ni Matt "Uwi na tayo"

"Mahal mo ba talaga ako?"

Hinarap ni Matt si Leina sa kanya at hinawakan sa dalawang braso "Sobra sobra"

"Ako lang?"

"Ikaw lang"

"Pangako?"

"Pangako"

Ngumiti si Leina at yumakap kay Matt "Namiss kita"

"I miss you more Mahal ko" niyakap nito ng mahigpit si Leina "Uwi na tayo Mahal"

"Tayo?"

"Sa condo ka muna tumuloy para kampante ako"

"Hmm?"

Napangiti si Matt "Sige na Mahal ko" sabay yakap ulit ng mahigpit kay Leina

"Kukuha muna ako ng gamit ko sa bahay"

"Meron ka na sa condo ah"

"Wala akong pang alis, puro pantulog binili mo sa akin"

"Sige na nga" sabay haplos sa pisngi ni Leina "I love you so much"

"I love you too Mahal ko, sobra sobra"

"Ulitin mo nga"

" I love you Mahal ko, sobra sobra" hinawakan ni Matt ang magkabilang pisngi ni Leina at hinalikan sa labi

"Lika na Mahal ko, iuuwi na kita"

"Sige lika na" ani ni Leina, magkahawak kamay silang naglakad papunta sa sasakyan.

Pagkagaling sa terminal ay umuwi muna si Leina para kumuha ng ibang damit, tapos ay nagpunta sila sa supermarket para maggrocery

"Mahal, pasok na tayo bukas?" ani ni Matt

"Oo, wala na akong susuwelduhin"

"Gusto ko nga magresign na tayo"

"Tapos?"

"Magbusiness tayo"

"Wala akong puhunan"

"Yung nasa tabi lang kita sapat na sa akin yun"

"Magkano sweldo ko" biro ni Leina

"Eh di doble, kasi iintrega ko sayo pati sweldo ko"

"Hmmm, mag-asawa ba tayo?"

"Oo, pakakasalan kaya kita" hindi naman nakakibo si Leina at napatingin kay Matt "Bakit?"

"W-Wala"

Hinawakan ni Matt ang kamay ni Leina at hinalikan yun "Pakakasalan kita, sa ayaw at sa gusto mo, pipikutin kita kapag tinanggihan mo ako" ani ni Matt, napangiti naman si Leina

"Puro ka nanaman kalokohan Mahal ko"

"I love you Leina ko"

"I love you too Matteo ko"

"Gusto ko nang umuwi, namiss kasi kita"

"Ako rin, namiss kita"

"Kailangan na natin mapractice ang paggawa ng kambal natin"

"Loko ka"

"Ayaw mo?"

"Gusto ko siyempre"

"Uwi na tayo pagkatapos natin dito"

"Gutom na ako"

"Sige kain muna tayo tapos uwi na tayo para makapag exercise" nakangiting ani ni Matt

"Exercise?"

"Oo mag eexercise tayo Mahal ko" ani Matt sabay yakap at halik sa noo ni Leina.

Pagkatapos mamili at kumain ay umuwi na sila sa condo, inayos ni Leina ang ginrocery nila, si Matt naman ay pumasok sa kwarto para ayusin ang damit ni Leina, maya maya ay pumasok rin sa kwarto ni Leina

"Mahal, asan ang mga damit ko?" ani ni Leina

"Dito ko nilagay Mahal ko"

"Sana hinayaan mo na lang sa bag"

"Iiwan mo na yan dito, bukas pag uwi natin galing sa opisina, ibibili ulit kita ng mga gamit mo"

"Wag na nakakahiya"

"Ibibili kita, gusto ko may gamit ka rin dito"

"Si Ria ba binibilhan mo rin ng gamit?"

"Mahal, please lets not talk about her"

"Okay" ani ni Leina, hinalikan siya ni Matt sa labi

"Mahal na mahal kita uhm" ani ni Matt sa pagitan ng halik, unti unti niyang inihiga si Leina

"Uhm, Matteo ko Mahal ko" ani ni Leina sa pagitan rin ng halik, bumaba ang halik ni Matt sa leeg ni Leina habang tinataas naman ni Leina at tshirt niya at nahubad na, hinaplos nito ang dibdib niya "Macho naman ng Mahal ko"

"Siyempre kailangan masabayan ko ang kasexyhan ng Mahal ko"

"Mahal ko" sabay haplos sa pisngi ni Matt, muli siyang hinalikan ni Matt sa labi at nagsimula na silang mag-exercise, pagkatapos nilang mag exercise ay nakatulog sila, maya maya ay nagising si Matt, niyakap niya si Leina na tulog na tulog pa rin

"Asawa ko" ani ni Matt sabay ngiti "Mas masarap siyang itawag sayo, Asawa ko, Mahal ko, Leina ko" sabay halik sa pisngi nito, gumalaw naman si Leina at yumakap kay Matt, ngayon napatunayan talaga ni Matt sa sarili na wala na siyang ibang gustong makasama sa buhay kundi si Leina at si Leina lamang, dahil mas mahal pa niya ito kesa nuon na sila pa ni Ria, hindi niya rin akalain na mapapamahal si Leina sa kanya ng ganito, at parang gusto pa niyang magpasalamat ngayon kasi tinanggihan siya ni Ria nuon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height