Rebound Love/C7 Episode 8
+ Add to Library
Rebound Love/C7 Episode 8
+ Add to Library

C7 Episode 8

Oras na ng uwian, nagkita sa may parking sina Matt at Leina, at napansin ni Leina na nakasimangot si Matt

"Matt, may problema ba?"

"Si Sir Carlo"

"Bakit?"

"Alam mo bang type ka niya?"

"Ha? Hindi ah"

"Manhid ka ba Leina? Hindi mo ba napapansin yung mga tingin niya sayo?"

"Hindi"

"Alam mo ewan ko sayo, si Ria hindi ganyan"

Hindi kumibo si Leina, at lumabas na ng sasakyan, pero hindi siya sinundan ni Matt, tumulo ang luha niya, sakto naman na may dumaan na taxi, pinara niya ito, masama ang loob niya kay Matt, ni hindi man lang siya sinundan nito, maya maya ay may nagtext sa kanya

"Sorry, hindi ko sinasadya" ani ni Matt, hindi niya yun nireplayan at inoff na lang niya ang phone niya, hanggang sa nakauwi siya sa kanila, hindi siya kumikibo at dumiretso na lamang sa kwarto, dun niya binuhos ang sama ng loob, halos alas otso na nang katukin siya ng Mama niya

"Nak, may bisita ka" ani nito habang kumakatok, tumayo si Leina at binuksan ang pinto "Si Matt nandyan" at nakita niya nga si Matt sa may sala at nakaupo sa sofa, bigla itong tumayo nang makita siya, wala siyang nagawa kundi harapin si Matt, ang mama naman niya ay lumabas na para bumalik sa tindahan

"Anong ginagawa mo dito?" ani niya paglapit dito pero hindi niya tinitingnan

"Sorry na please" ani ni Matt habang nakatitig kay Leina

"Alam mo, tanggap ko naman eh, na mas mahal mo si Ria, hindi pala, mali, na si Ria ang mahal mo, at hindi naman ako pero wag mo naman ipamukha sa akin yun"

Hinawakan siya sa magkabilang braso ni Matt "Sorry, hindi ko sinasadya, at saka naiinis talaga ako kay Sir Carlo na yun, dahil naiinis ako sa mga tingin niya sayo na hindi mo naman napapansin"

"Hindi kasi ako malisyosa"

"Sorry na talaga, hindi na mauulit" sabay yakap kay Leina, hindi naman matiis ni Leina si Matt at gumanti pa siya ng yakap dito, hinarap muli ni Matt si Leina at hinaplos ito sa pisngi "Wag ka na magtampo please? May dala akong lechong manok, kain tayo"

Ngumiti si Leina "Sige kain tayo"

"Bati na tayo ha?"

"Sige"

"Hmm? Wag ka nang magtatampo ah, wag ka na magwowalk out"

"Hindi mo nga ako sinundan"

"Sinundan kita tapos bigla kang nawala, hinanap pa nga kita sa paligid eh pero wala ka"

"Nakasakay kasi agad ako ng taxi, mahal tuloy ng pamasahe ko"

Napangiti si Matt at pinisil sa ilong si Leina "Tampo tampo ka pa kasi, bukas susunduin naman ulit kita" sabay hawak sa tiyan niya "Gutom na ako"

"Sige, wait lang maghahain lang ako" ani ni Leina, iniabot naman ni Matt ang Lechong Manok na dala, pagkatapos maghain ay tinawag naman ni Leina ang mama niya para makakain na rin, ilang saglit lang ay magkakaharap na sila sa dining

"O mukhang okay ka na ah" ani ni Linda sa anak "Kanina nagkulong ka pa sa kwarto, at alam ko umiyak ka, mugto pa yang mata mo, nag-away ba kayo?"

"Nagkatampuhan lang po Tita" ani ni Matt

"Tampuhan lang pala, kung makaarte naman tong anak ko, akala mo inaway ng boypren"

"Mama" saway naman ni Heina habang nagkandahaba ang nguso

"Boypren mo na ba tong si Matteo?"

Napatingin si Leina kay Matt, ngumiti naman ito kay Aling Linda "Opo Tita, kami na po ni Leina"

"Matt" ani ni Leina

"Totoo naman tayo na, pasensiya na po kung hindi namin nasabi agad sa inyo"

Saglit na hindi nakasagot si Aling Linda, maya maya ay tila nahimasmasan na ito "Hmm, ang sa akin lang ayokong masasaktan ang anak ko, at ang gusto ko masaya siya"

"Nasa adjustment period pa po kami Tita, pero magtutulong po kami ni Leina"

"Kasama sa relasyon ang away at tampuhan, pero hindi dapat madalas, ang importante yung komunikasyon niyo"

"Opo Tita"

"Ikaw Heleina, si Matteo lang ba ang kausap ko?"

"Opo Mama"

"O siya kain na tayo, gutom na ako" nakangiting ani ni Aling Linda, nagkatinginan sina Matt at Leina saka nagkangitian, pagkatapos kumain ay nagpahinga lang saglit si Matt at nagdesisyon na rin umuwi, inihatid pa siya ni Leina sa may kotse niya

"Paano, maaga ako bukas ah?" ani ni Matt

"Sige"

"Alis na ako, babye na"

"Bye ingat ka" niyakap naman ni Matt si Leina at hinalikan sa noo

"Sige pasok ka na sa loob" ani ni Matt

"Maya na pag nakaalis ka na"

"No, pasok na sa loob, wag na matigas ang ulo" ani ni Matt, kandahaba naman ng nguso si Leina na pumasok na sa loob

"Ingat ka"

Napangiti naman si Matt "Opo na po, goodnight, sweet dreams"

"Goodnight, sweet dreams" sagot ni Leina at pumasok na sa loob ng sasakyan si Matt "I love you" bulong ni Leina, mula nang maging magnobyo sila ni Matt ay never pa nitong sinabi na mahal siya nito, sabagay nakipagrelasyon siya kay Matt na alam naman niyang hindi siya nito mahal, gusto lang siya nito, pero umaasa pa rin siya na mamahalin siya nito, na matutunan rin ni Matt na mahalin siya, pumasok na siya sa loob at nagpahinga na

Kinabukasan ay sinundo nga ni Matt si Leina, sa labas na lang sila nag-almusal, pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na sila sa opisina, naglalakad na sila sa may lobby nang masalubong nila si Sir Carlo

"Hi Miss Martinez" bati nito kay Leina pero hindi pinapansin si Matt

"H-Hi Sir" ani naman ni Leina, nauna nang bahagya si Matt at sumenyas na mauuna na siya, tumango naman si Leina

"Mamaya, after lunch pwede mo nang ibigay yung ibang trabaho mo sa iba, tapos simulan mo na yung ipinagagawa ko okay?"

"Sure Sir, no problem"

"Okay, I have to go, may early meeting kasi ako"

"Sige po Sir" ani ni Leina, biglang hinawakan ni Sir Carlo ang kamay niya at saka bumulong

"Pwede ba kitang mayaya na kumain sa labas mamaya?"

Kiming ngumiti si Leina at umiling saka dahan dahang binawi ang kamay "Pasensiya na po Sir, may lakad po kasi ako mamaya"

"Eh di sasamahan kita"

"May kasama na po ako"

"Oh okay, sana next time pwede na"

"Hindi po ako sigurado Sir, pasensiya na talaga" ani ni Leina, tumango tango si Sir Carlo at huminga ng malalim

"Okay" nakangiting ani nito "Alis na ako"

"Sige po" saka sila nagpunta sa kanya kanyang pupuntahan, papunta na si Leina sa pwesto niya nang madaanan niya si Matt kausap si Aldrin, nagngitian lamang sila

"Nakita ko nanaman si Leina" ani ni Aldrin

"Bakit?"

"Wala, naalala ko kasi si Sir Carlo, yung mga tingin niya, parang gusto na niyang hubaran yung tao, ano kayang pinapagawa niya kay Leina?"

"E-ewan" ani ni Matt, ni hindi niya nga pala naitanong kay Leina kung ano ang pinagagawa ni Sir Carlo dito, ramdam niya naman na talagang gusto ni Sir Carlo si Leina, talagang sa tingin niya ay may pagnanasa ito sa lihim niyang girlfriend, kaya kailangan niyang proteksyunan si Leina dahil girlfriend niya ito, kahit ba hindi alam ng iba na may relasyon sila, obligasyon niya yun, sabi ng isip niya na oo, obligasyon niya yun, may obligasyon siya kay Leina.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height