Rebound Love/C8 Episode
+ Add to Library
Rebound Love/C8 Episode
+ Add to Library

C8 Episode

Uwian na nila, nasa biyahe sina Matt at Leina nang tanungin ni Matt si Leina kung ano ang inuutos nito sa kanya

"Leina, ano pala ang pinagagawa sayo ni Sir Carlo?"

"Nagpapagawa siya ng program, gusto niya magkaroon tayo ng parang Team Building, pero yung mga simple lang daw, para raw mas enjoy"

"Ahh, daan muna tayo sa condo"

"Bakit?"

"Dun na tayo kumain, bili tayo ng pizza"

"S-Sige, pero ihatid mo ako ah"

"Oo naman"

Bumili muna sila ng pizza at saka sila pumunta sa condo, nakaupo sila sa sofa, inakbayan naman ni Matt si Leina

"Mas masarap yung ganito lang" ani ni Matt

"Oo nga"

"Alam mo, iniisip ko na talagang magresign"

"Ha? Itutuloy mo pa rin ba?"

"Sana, pero nag-iisip pa ako, gusto ko kasi kahit paano hawak ko na ang schedule ko, sinabihan nga ako nila Mama na magbusiness na lang, kaso ano ang ibibusiness ko?"

"Ano ba ang passion mo?"

"Hmm, magluto"

"Eh di mag-aral ka ng culinary arts tapos magbusiness ka ng resto or made to order na food trays o kaya sa mga events"

"Hmmm, pwede, isama kaya kita sa business ko?"

"Ano naman ang gagawin ko sa business mo?"

"Partners tayo, kasi pwede tayong mag events organizer"

"Naku kailangan pag-aralan yang mabuti"

"Oo nga"

"Pwede kang magtayo ng resto, tapos tumanggap ka ng mga function events na kayo mismo ang maghohost"

"Pwede rin, hmm, galing mo ah"

"Ha?"

"Magaling ka kako"

"Salamat" ani ni Leina, bumaba naman ang kamay ni Matt at napunta sa bewang ni Leina, hinimas nito ang tiyan niya at saka sinandal ang baba sa may balikat niya, abot abot ang kaba ni Leina, hindi niya alam, pero kinikilig siya sa itsura nila ni Matt, iniharap ni Matt mukha niya sa mukha nito, unti unting inilapit ang labi sa labi niya saka siya hinalikan, first time siyang hinalikan ni Matt sa labi, saglit lang pero parang nahigop ng halik na yun ang buong kaluluwa ni Leina, ngumiti si Matt sa kanya

"Ano?" ani nito, halos gahibla lang ng sinulid ang pagitan ng mukha nila "The first time I kiss you"

"First time talaga, ngayon lang ako nahalikan sa labi"

"Really?"

"Oo"

Muling hinalikan ni Matt sa labi si Leina, unti unti niyang iniharap ito sa kanya at niyakap niya ang babae "Ang lambot ng lips ng girlfriend ko" habang magkaharap ang mukha nila at magkayakap

"Lahat naman ng labi malambot diba?"

"Iba yung sayo"

"Talaga?"

"Hmm, ano? Gusto mo ba ihatid na kita? Almost 9 na pala baka magalit si Tita, baka sabihin kung saan kita dinala" natatawang ani ni Matt

"Sige hatid mo na ako" ani ni Leina, ang totoo nakaramdam ng panghihinayang si Matt, hindi niya mawari ang nararamdaman kung bakit niya hinalikan sa labi si Leina, wala sa plano niya ang halikan ito sa labi dahil ayaw rin niyang makarating sa ibang level ang relationship nila, hindi niya alam, pero kanina, parang may sariling utak ang kamay at labi niya, unti unti niya ring nararamdaman na nabubuhay si Johnny sa baba niya, si Leina naman ay nakaramdam ng ligaya nang halikan siya ni Matt sa labi, first time niya talagang mahalikan sa labi, yung ibang naging bf niya dati hanggang sa pisngi lang siya nahahalikan, si Matt talaga ang first kiss niya.

Lumipas pa ang mga araw, araw ng biyernes, ganun pa rin sila sa opisina, wala pa ring nakakaalam na may relasyon sila, isang araw nanananghalian sina Sarah at Leina nang may tinanong si Sarah

"Mukhang okay na si Matt, may bago na kaya siya?"

"Paano mo nasabing okay na siya?"

"Hindi na kaya siya mukhang depress, ang bilis niyang magmove on"

"Baka ganun talaga siya"

"Pwede, ganun naman karamihan sa mga lalaki, mabilis sila nagmove on"

"Sana all"

Natawa si Sarah kay Leina "Siraulo ka talaga" ngumiti naman si Leina "Kamusta na pala pinagagawa ni Sir Carlo sayo?"

"Okay na tapos ko na, hindi ko lang alam kung sino magaling maghost dito, pero may isa pa pala, yung mga prizes niya sa mga pagames, sabi niya rin pala may paraffle, nagsponsor daw ang client ng laptop, 3 laptop daw ang ipaparaffle"

"Talaga? Ang swerte naman ng mabubunot dun"

"Sana mabunot tayo, mabagal na laptop ko eh"

"Sana nga, mabalik tayo kay Matt, matanong nga kita, hinahatid ka pa rin niya hanggang ngayon?"

"O-oo"

"May nakakakita sa inyo na sabay kayong pumapasok, may nagtanong nga raw kay Matt kung kayo na, sabi ni Matt dinadaanan ka na lang daw niya kasi madadaanan naman daw talaga niya ang subdivision niyo pag papasok"

"Oo, kesa daw mamasahe pa ako, minsan mahirap kasing sumakay"

"Naku ah, baka lalong mahulog ang loob mo kay Matt, remember kakabreak lang niya, magtotwo months pa lang ata, feeling ko hindi pa siya nakakamove on talaga, baka pag dito okay siya, pero pag mag-isa lang siya who knows diba? Baka dinidibdib pa rin niya ang paghihiwalay nila ni Ria, sabi ni Aldrin nung nakipagbreak daw si Ria kay Matt, dapat magpopropose na raw ito ng kasal, hindi niya lang alam kung natuloy yun o hindi"

"Ganun?"

"Kung natuloy yun girl tapos nakipagbreak si Ria, mas masakit yun, mas mahirap kalimutan"

"Kawawa naman si Matt"

"Kawawa talaga"

Natahimik naman si Leina, may point naman kasi si Sarah sa mga sinasabi nito, baka mamaya nga hindi pa ito nakakamove on kay Ria, at pinipilit lang na maging okay sa harapan ng iba, hanggang ngayon nga wala pa ni isa sa mga kaopisina niya ang nakakaalam na sila na dahil ayaw pa rin ni Matt.

Dumating ang oras ng uwian, mga bandang hapon nang bumuhos ang malakas na ulan, may bagyo pala, naistranded na sila ni Matt sa biyahe

"Naku Matt paano kaya ito?" ani ni Leina "Baka lumubog ang kotse mo masira"

"Oo nga eh, wala na tayong madadaanan talaga, ang mabuti pa huminto muna tayo, dun tayo sa may hotel" ani ni Matt, iniliko niya ang sasakyan at pumasok sila sa parking sa may hotel, sinalubong sila ng attendant, ibinigay ni Matt ang susi ng kotse niya at pumasok sila sa loob

"Couple Room" ani ni Matt

"Your Name Sir"

"Matteo Ledesma"

"Okay Sir, here is your key card, your room is in fourth floor"

"Thank you Miss" ani ni Matt "Ahm, wala kasi kaming dalang gamit, nastranded lang talaga kami, may botique kayo dito?"

"Yes Sir, diretsuhin niyo lang po dito"

"Thank you Miss" at saka siya tumingin kay Leina "Lika, bili muna tayo ng mga personal na gamit" sumunod naman si Leina sa kanya "Tawagan mo na rin si Tita, sabihin mo na hindi tayo makakauwi, nastranded kamo tayo"

"Sige mamaya tatawagan ko si Mama"

"Mamili muna tayo at saka kumain bago tayo umakyat sa taas"

"Sige, ikaw ang bahala" ani ni Leina, pumunta na sila sa botique, bumili sila ng mga pampalit nilang damit, tapos ay nagpunta sila sa resto para kumain, parehas silang gutom na gutom kaya ang dami nilang nakain, pagkatapos kumain ay umakyat na sila sa room nila.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height