C29 Chapter 29
Chantria
“Mga dadalhin ko lang ‘to bukas sa trip,” sagot ko sa tanong ni Lorreine. “Kayo? Bumibili rin ba kayo para bukas?”
“Syempre! Ang dami nga naming nabiling chichirya kasi panigurado maraming manghihingi sa byahe. Mga timawa kasi mga kaklase natin.”
Natawa kami dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa gaanong kakilala ang mga kaklase namin kaya hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo
