C30 Chapter 30
Chantria
Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Nagising lang ako nang marinig ko ang boses ng teacher namin. Hindi ko alam kung saang parte ako ng movie nakatulog pero dahil sa sobrang haba ng byahe ay hindi ko na rin natiis.
Gising na si Iwatani nang dumilat ako at sa balikat na niya nakadantay ang ulo ko. Miski iyon ay hindi ko na naramdaman pero hindi ko na lang pinansin
