C40 Chapter 40
Chantria
Para na namang binudburan ng asin si Lorreine nang makarating kami sa mall. Siya lang itong sobrang excited sa pag-shopping namin ngayong araw.
Well, excited rin naman ako pero hindi ganito ka-excited. Para na kasi siyang batang dinala sa amusement park kung makatalon sa gitna. May ilan pang napapatingin sa kaniya at natatawa kaya hindi ko rin maiwasang hindi mahiya sa kanila
