C59 Chapter 59
Chantria
Kasalanan ‘to ni Eric. Okay na kami kahapon ni Gab. Hindi na kami nagkakailangan. Pero dahil sa ginawa niya ay hindi na naman kami makapag-practice nang maayos. Natatapakan ko na naman ang paa niya dahil hindi ako makapag-focus.
Idagdag pa ang patuloy na kantiyawan ng mga kaklase ko. Mas lalo tuloy kaming nagkailangang dalawa. But despite that
