+ Add to Library
+ Add to Library

C10 Kabanata 9

What the fuck happened to me?!

Nagsara ang kurtina at para akong natauhan. Nilingon ko ang paligid at nakita ko ang tingin sakin ng lahat. As in!

“Senyorita!”

Tumikhim ako at yumuko. Hinayaan kong kuhanin ako ni Lagring. Nagpaumanhin siya sa mga nahawi kong tao. Gusto kong pukpukin ang ulo ko! Am I dumb?

“Pasensiya na po.” nakatungong hingi ko ng tawad sa mga tao.

Dinig ko ang pagbubulungan ng ilang mga dalaga sa paligid kaya tignan ko sila isa-isa. Nagtatakip naman sila ng mga pamaypay pag nadadaanan sila ng tingin ko.

“Anong nangyari, senyorita?”

Nasa pinaka gilid na kami at kanya-kanyang business na ulit ang mga tao. Mariin akong pumikit at pekeng ngumiti kay Lagring.

“N-nadala lang ako. Ang galing kasi nila e.”

Ngumiti ito at malambing na tumingin sa stage na ngayon ay may ibang mga karakter na sa taas.

“Naku! Talagang napakahusay ng grupo na iyan. Sila palagi ang nagtatanghal tuwing pyesta. Di ka naman kasi mahilig manuod ng ganito noon, senyorita. Kaya siguro’y namangha ka.”

Tumango nalang ako.

“Ngunit ang pinaka hinahangaan ng lahat diyan ay iyong lalaking bida kanina.”

Napatingin ako sa kanya pero Nawala din dahil narinig ko ang pagsigaw ng bidang babae sa pangalan ng karakter ni Crisanto.

“Pablo, mahal ko!” nakangiti nitong sinalubong si Crisanto. Parang ito ang naging simula ng kwento. Inumpisahan lang kanina sa climax.

“Agnes!” hinubad nito ang suot na salakot. Mabining hinawakan ang kamay ng babae.

“Kay tagal kitang hinintay! Ang sabi mo ay agad mo akong pupuntahan.” Kunwaring nagtatampo ito.

“Ipagpatawad mo aking mahal. Sadyang naipit ako sa trabaho sa bukid.”

Ngumiti ang babae at marahang hinaplos ang braso nito.

“Biro lang. Kahit gaano katagal ay hihintayin kita dahil alam kong masisilayan kita sa pagbaba ng araw.”

“Maraming humahanga sa kanya, kung ganon, Lagring?” tanong ko habang nakatingin pa rin sa dalawang bida na nagbobolahan.

“Oo, senyorita. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanya kahit hindi siya aristokrato.”

Tumingin ako kay Lagring na nakangiti pang nanunuod at tila kinikilig sa dalawa. Inginuso niya ang dalawa.

“Madalas silang dalawa ang magkapareha palagi sa mga palabas. Kaya siguradong nagkakamabutihan na talaga silang tunay.” nagningning pa ang mata nito. “Napakaganda nilang magkapareha sa totoong buhay.”

Sus, uso rin pala dito ang loveteam tapos ang mga echuserang fans delusional na pati sa real life ay gusto silang i-pares.

Pero nanlaki ang mata ko sa realization. So, it does mean ‘yan ang jowa ni Crisanto at hindi ako?

“Mag-nobyo na ba sila?”

“Halata naman, senyorita. Minsan ko din silang nakikita magkasabay magsimba o magkasamang mamili sa bayan.”

Napatingin muli ako sa dalawa naglalambingan na naman. Kunot na kunot ang noo ko. May jowa naman palang iba! Pero bakit ipinipilit nitong babaeng ‘to na mayroong sila?

Hindi ko pinangarap maging kabit sa buong buhay ko! Marami lang na-lilink sa akin sa showbiz pero dahil lang ‘yon sa maganda ako. Hindi ko sila ine-entertain!

Buong pagtatanghal ay hindi na nawala sa isip kong mag-on sila. Lalo pa pag nakikita ko kung paanong magningning ang mga mata nila kapag nagkakatinginan sa mata. Alam na alam ko na ito! Kahit pa sabihing umaarte lang ay kitang-kita mong may something e. Unless they are so good than me. But I doubt it.

So, anong eksena ko dito? Di kaya evil spirit itong si Hermina at dahil gustong-gusto niyang makuha si Crisanto ay nakipagkasundo siya kay Satanas para ilipat ang kaluluwa niya sakin? Pero bakit ako? Masama lang ang ugali ko pero hindi ako kasing desperada niya!

Kanya-kanya nang nag-alisan ang mga tao pagkatapos ng palabas. May iilang nagpapahid pa ng luha habang patuloy nankikipagkwentuhan sa mga kasama. Paalis na rin kami ni Lagring nang may makita siyang kaibigan daw niya.

“Ako’y sasaglit lang, senyorita. Dito ka lang po maghintay. May sasabihin lang ako sa aking kaibigan. Huwag ka pong aalis riyan.”

Tumango ako at tumabi ng kaunti dahil medyo marami ring tao ang dumadaan. Muli akong tumingin sa stage at nakita kong nagliligpit na sila at kasama roon si Crisanto at iba pang casts. Iniwas ko ang paningin sa kanya dahil sumasakit lang ang ulo ko sa pag-iisip kung ano ba talagang ganap ko dito.

Muli akong tumingin at halos manginig ako sa gulat nang nakitang diretso siyang nakatingin sa akin. Tinikom ko ang bibig nang makitang lumundag siya sa stage upang puntahan ako.

“Shet! Shet.” bulong ko habang nakatingin din sa kanya.

His air is very intimidating. Pilipinong-pilipino ang dating. He looked poor, alright, but the way he stood and walk firmly, he will definitely swift you away.

Worst, take your breath away.

Hindi ko mabasa ang expression niya kaya hindi ko alam ang pakay niya sa akin. Lumingon siya sa kinaroroonan ni Lagring at muling bumaling sa akin.

“Binibini..”

Tumaas ang kilay ko. “Yes?”

Maliit itong napangisi sa tapang ng salita ko. Pero pinilit pumormal. “Hindi pa ba kayo uuwi?”

“May hinihintay pa ako.” Taas kilay ko pa ring sabi.

Na-ngingisi talaga siya! Anong nakakatawa?

“Bakit ka ngumingiti?”

Umiling ito. “Salamat sa padalo sa aming pagtatanghal.”

Kumurap-kurap ako. Hindi kaya, pinagtatawanan niya ako dahil sa nangyaring kabaliwan ko kanina?

Nag-iinit ang tenga kong tumingin kay Lagring na tawa ng tawa sa kausap. Kitang-kita ko na ang lalamunan niya dito!

“Bakit nga pala—”

“Hindi naman kayo magaling.”

Tumaas ang dalawang kilay nito. Hindi naiintindihan ang maanghang kong pasaring. Ngunit ngumiti din agad.

“Pasensiya na kung ganoon, binibini. Ilang araw lang kaming nag-ensayo para rito. Hayaan mo’t mas pag-iigihan ko sa susunod.”

“Wala nang susunod.”

“Babalik ka na sa beateryo?”

“Oo.”

Tumango ito. Nakatitigan kami at walang nagsalita. Why am I being rude to him all of a sudden? Huminga ako ng malalim.

Ang hirap naman lunukin ng pride!

“C-congrats!” mahina at nakayuko kong sinabi.

Tumagilid ang ulo niya at parang hindi pa narinig ang sinabi ko. “Binabati mo ba ako, binibini?”

“Well, ang ganda kasi ng stage niyo.”

Ngumiti ito at tumango. “Salamat.”

“Girlfriend mo ba ‘yun?”

Wala na lumabas na talaga ang pagiging chismosa ko. Tulak ng bibig, wala tayong magagawa diyan.

“Girl? Pasensiya na binibini ngunit hindi ko nakuha ang ibig mong sabihin.”

Inginuso ko ang stage. “Yung kapareha mo kanina. Kayo ba?”

Kasi kung sila talaga. Wala akong magagawa para sa evil spirit na ito. Aalis na ako dito.

“Si Trinidad?”

Malakas akong tumawa at pinigil din naman agad dahil may mga napatingin. Nakangiti din siyang nakatingin sa akin.

“Bakit, binibini?”

Wala naman. Bihira ko lang kasi marinig ‘yung pangalan. Walang-wala sa Hermina, chariz.

“Oo, siya. Nobya mo?”

Ngumiti ito. Kitang-kita ko ang pantay niyang ngipin at infairness talaga sa face card niya. Kaya tuloy pati evil spirit naghahabol eh.

Kumurap ng mabagal ang kanyang mahaba at makapal na pilik-mata. Lalaking-lalaki talaga siyang tignan.

“Hindi, binibini. Ngunit marami kayong naghihinala ng ganyan sa amin ni Trina.”

Tumaas ang kilay ko, Wow, nickname pala siya.

“Bakit hindi?”

“Ano ang iyong ibig sabihin?”

Ngumuso ako. “Hindi mo siya type? O, ikaw ang hindi niya type?”

“Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang iyong mga salita, binibini.”

“Bakit nga hindi kayo mag-nobyo’t nobya? Ayaw mo?”

“Diba’t sinabi ko naman sa iyo na wala akong nililigawan o kasintahan, binibini?”

“Bakla ka siguro?”

Ngumiti na naman siya ng maluwag. He finds me amusing, huh? I am completely serious tapos ngingiti-ngitian niya lang ako.

“’No? Binabae ka?”

“Dahil ba sa wala akong kasintahan kaya pinararatangan mo ako ng ganyan, binibini?”

He doesn’t look hurt nor offended. Parang tuwang-tuwa pa siya sa mga pinagsasabi ko.

“Dahil imposible. Siguro manloloko ka kaya ayaw mong aminin na kayo ni Trinidad.”

“Wala akong aaminin. At lalong..” humakbang siya ng isa palapit sa akin. Tinignan niya ang distansya namin bago tumingin sa akin ulit. “Lalong hindi ko ugaling manloko, binibini.”

“Eh bakit nga wala kang nobya?”

He stopped smiling and sigh. He looked hurt now. He stared at me like he wants me to take his next words one by one.

“Dahil hindi tayo magkatulad.”

“What do you mean?”

“Marami akong responsibilidad at plano para sa aking sarili, at sa bayang ito. Wala pa akong kakayahan magkaroon ng mga ganyan.”

“Nobya lang naman. Hindi naman asawa agad.”

Binasa niya ang labi at matapang na tumingin sa akin.

“Ipagpaumanhin mo, binibini. Ngunit kapag ako nagmahal, sisiguruhin kong sa akin na ang babaeng iyon hanggang huli.”

Parang kinurot ang puso ko sa malumanay ngunit madiin niyang sinabi. Tinitigan niya ako.

“Ipinapangako kong hindi na tayo magkakalayo. Hindi na kita kayang palayain, Hermina.”

Hinawakan ko ang ulo at napapikit sa kaunting pintig sa sentido. Makirot iyon.

“Binibini?” tawag sa akin ni Crisanto.

“Handa ako, hanggang kamatayan.”

What is this?! Is this Hermina’s memories? May mga images na nagfflash sa utak ko pero napakabilis lahat. Parang mga camera flash lang. At kaninong boses iyon?

“Ah!” sigaw ko nang may matinis na tunog na gumuhit sa aking pandinig. Nasa harapan ko si Crisanto at tinatawag ako.

“Binibini, anong nangyayari?” may mag sinasabi pa siya pero unti-unting parang nalulunod ang kanyang boses.

“U-uwi na ako. Gusto ko ng umuwi.”

“Nangangako ako.”

Lumitaw ang mukha ni Crisanto at Hermina. Pareho silang nakaputi at nakatayo sa gitna ng isang puno. Hawak ni Crisanto ang dalawang kamay ni Hermina habang nakatitig silang pareho sa mata ng isa’t-isa. Inayos ni Crisanto ang dilaw na bulaklak sa tainga ni Hermina. Ramdam na ramdam ko ang saya nilang dalawa

“Napakaganda mo, aking sinta.”

Tumingin ako sa lalaking kaharap ko. Para akong hingal na hingal. Nauubusan ako ng hangin at nanlalamig ang pawis sa aking buong likod. The sting in my head is slowly being unbearable.

“Ikaw ngayon at sa mga susunod pa na habang buhay.”

“Senyorita!”

It’s really him. It is Crisanto.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height